Saturday, November 17, 2018

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates NOVEMBER 18, 2018

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates NOVEMBER 18, 2018

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Lumapit Tayo sa Diyos Hebreo Chapter 10:19:39
Ang Mapalad at ang Kahabag-habag Lucas Chapter 6:20-26
Itinuro ni Jesus ang Tamang Pananalangin
Lucas Chapter 11:1-13
Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan 2Corinto Chapter 9:1-15
Mga Huwad na Guro at ang Tunay na Kayamanan
1Timoteo Chapter 6:3-10
Ang Mahirap at ang Mayaman Santiago Chapter 1:9-11
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya
Mga Gawa Chapter 4:32-37




TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGTIIS SA PAGHIHIRAP
MANALIG SA DIYOS AT ISABUHAY ANG
MABUTING BALITA"
"MAPALAD ANG NAGHIHIRAP"


""Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ang kanyang ipinangako." Hebreo 10:36

"Mapalad kayong mga dukha, sapagkat ang Diyos ang maghahari sa inyo! Mapalad kayong mga nagugutom ngayon, sapagkat kayo'y bubusugin!"  Lucas 6:20-21

"Ama sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang paghahari mo. Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw araw." Lucas 11:2-3 

"Kaya ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay - higit pa sa inyong pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. Gaya nga ng sinasabi sa kasulatan: "Siya'y namudmod sa dukha; Ang kanyang kabutihan ay walang hanggan."  2Corinto 9:8-9

"Ang nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag ng masamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan." 1Timoteo 6:9

"Ikarangal ng dukhang kapatid ang pagkakataas sa kanya ng Diyos, at ng mayamang kapatid ang pagkababa sa kanya, sapagkat ang kayamanan ay lilipas gaya ng bulaklak at damo." Santiago 1:9

"Walang nagdadahop sa kanila, sapagkat ipinagbili nila ang kanilang mga lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinigay sa apostol.  Ipinamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawa't isa."  Gawa 4:345-35



Hebreo
Chapter 10:19:39
Lumapit Tayo sa Diyos

19Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan. 24Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

26Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at magpatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. 29Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at humamak sa mahabaging Espiritu? 30Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!

32Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na pinapahirapan. 34Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng kayamanan, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo. 35Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37Sapagkat,

“Kaunting panahon na lamang;

hindi na magtatagal, at si Cristo ay darating na.

38Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,

ngunit kung siya'y tatalikod,

hindi ko siya kalulugdan.”

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas.


Lucas
Chapter 6:20-26
Ang Mapalad at ang Kahabag-habag
(Mt. 5:1-12)

20Tumingin si Jesus sa mga alagad, at sinabi,

“Mapalad kayong mga mahihirap,

sapagkat kayo'y paghaharian ng Diyos!

21“Mapalad kayong mga nagugutom ngayon,

sapagkat kayo'y bubusugin ng Diyos!

“Mapalad kayong mga tumatangis ngayon,

sapagkat kayo'y bibigyang kagalakan!

22“Mapalad kayo kung dahil sa inyong pagsunod sa Anak ng Tao ay kinapopootan kayo, ipinagtatabuyan at nilalait ng mga tao, at pinagbibintangang kayo ay masama. 23Magalak kayo at tumalon sa tuwa kung gayon ang mangyari sa inyo, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga propeta.

24“Ngunit kahabag-habag kayong mga mayayaman ngayon,

sapagkat natamasa na ninyo ang kaginhawahan.

25“Kahabag-habag kayong mga busog ngayon,

sapagkat kayo'y magugutom!

“Kahabag-habag kayong mga tumatawa ngayon,

sapagkat kayo'y magdadalamhati at magsisitangis!

26“Kahabag-habag kayo, kung kayo'y pinupuri ng lahat ng tao, sapagkat gayundin ang ginawa ng kanilang mga ninuno sa mga huwad na propeta.”


Lucas
Chapter 11:1-13
Itinuro ni Jesus ang Tamang Pananalangin
(Mt. 6:9-13; 7:7-11)


1Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan nga po ninyo kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” 2Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,

‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.

Nawa'y maghari ka sa amin.

3Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw.

4At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.

At huwag mo kaming hayaang matukso.’”

5Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. 6Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ 7At ganito naman ang sagot ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo na akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makakabangon para bigyan ka ng iyong kailangan.’ 8Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda? 12Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”



2Corinto
Chapter 9:1-15
Tulong sa mga Kapatid na Nangangailangan

1Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga kapatid sa iglesya sa Judea. 2Alam kong handa na kayong tumulong, kaya't ipinagmamalaki ko kayo sa mga taga-Macedonia. Ang sabi ko'y handa na kayong mga taga-Acaya noon pang nakaraang taon, at dahil dito'y lalo silang sumigla sa pagtulong. 3Kaya't pinauna ko riyan ang mga kapatid na ito upang hindi kami mapahiya sa aming pagmamalaki tungkol sa inyo, at nang maihanda na ninyo ang inyong tulong, gaya ng sinabi ko. 4Baka kami mapahiya, huwag nang sabihing pati kayo, kung may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at makita nilang hindi pala kayo handa. 5Kaya't pinakiusapan ko ang mga kapatid na mauna riyan, upang maihanda ang tulong na ipinangako ninyo. Sa gayon, makikita na talagang kusang-loob ang pagbibigay ninyo at hindi sapilitan.

6Tandaan ninyo ito: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman ng marami ay aani ng marami. 7Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. 8Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9Tulad ng nasusulat,

“Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;

ang kanyang katuwiran ay walang hanggan.”

10Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13Ang bukás-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!


1Timoteo
Chapte 6:3-10
Mga Huwad na Guro at ang Tunay na Kayamanan

Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito. 3Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagdebate tungkol sa mga salita, mga bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at pagbibintang. 5Mahilig din siyang makipagdebate sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang akala ng mga ganitong tao ay paraan ng pagpapayaman ang relihiyon.

6Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan. 7Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot. 9Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.


Santiago
Chapter 1:9-11
Ang Mahirap at ang Mayaman

9Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos, 10at gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. 11Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.

Mga Gawa
Chapter 4:32-37
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya

32Nagkakaisa ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuturing ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. 34Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan 35ay dinadala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

36Ganoon ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus, na tinawag ng mga apostol na Bernabe, na ang ibig sabihi'y “Anak na Matulungin.” 37Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.






THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Kawikaan
Chapter 22:22
Sayings of the Wise


9Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain,
at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

16Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman
ay mauuwi rin sa karalitaan.

22Huwag mong samantalahin ang kahinaan ng mahihirap, ni pagmalabisan ang dukha sa harap ng hukuman.

23Sapagkat ipagtatanggol sila ni Yahweh, at aagawan niya ang nang-agaw sa mga iyon.





FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
--

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail