Saturday, October 20, 2018

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates OCTOBER 21, 2018

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates OCTOBER 21, 2018

 
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ang Pinakadakila Marcos Chapter 9:33-37
Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata Marcos Chapter 10:13-16
Si Jesus at ang Babaing Taga-Samaria Juan Chapte 4:1-42

Ang Talinhaga ng Ubasan at sa mga Katiwala Luke Chapter 20:9-18
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos
1Corinto Chapter 1:1-31
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo
Efeso Chapter 1:3-14





TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"UNITY IN FAITH IN GOD
THRU JESUS CHRIST GOSPEL"
"HEAR GOD WISDOM"

"Naupo si Jesus , tinawag niya ang labindalawa at sinabi, "Ang sinumang nagnanais maging una ay maging huli sa lahat, maging lingkod ng lahat." Marcos 9:35

 "Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa pinaghaharian niya." Marcos 10:15

"Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan."  Juan 4:24

"Tinitigan sila ni Jesus at tinanong." Kung gayon ano ang ibig sabihin ng talatang ito sa kasulatan? 'Ang batong itinakwil ng tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan. Ang bawat bumagsak sa batong ito ay magkakaluray-luray at ang mabagsakan nito ay magkakadurug durog." Lucas 20:17-18

"Ngunit alinmang bayan ang hindi tumanggap sa inyo, lumabas kayo sa lansangan at sabihin ninyo, Pati alikabok ng inyong bayan, na dumikit sa aming mga paa, ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo.  Ngunit pakatandaan ninyo na nalapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos! Sinasabi ko sa inyo sa Araw ng paghuhukom ay higit na mabigat ang kaparusahan sa mga tao sa bayang yaon kaysa dinanas ng taga-Sodoma! Lucas 10:10-12

"Ang nakikinig sa inyo'y nakikinig sa akin; ang nagtatakwil sa inyo'y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwi sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sakin." Lucas 10:16

"Sapagkat nasusulat:  "Sisirain ko ang karunungan ng marurunong, At pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino." Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi itinulot na siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito.  Sa halip, minarapat niya na ang mga nananalig sa kanya'y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral, ngunit palagay ng sanlibutan ay isang kahangalan." iCorinto 1:19,21

"Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal, dahil sa ating pakikipagisa kay Cristo." Efeso 1:3

"Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at gayo'y ipinatawad na ang taing mga kasalanan.  Gayon kadakila ang pag-ibig na ipinadama niya sa atin! Binigyan niya tayo ng karunungan at kabatiranupang lubos nating maunawaan ang kanyang lihin na panukala na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo pagdating ng takdang panahon.  Ang panukalang ito ay pag-isahin kay Cristo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa." Efeso 1:7-10




Marcos
Chapter 9:33-37
Ang Pinakadakila
(Mt. 18:1-5; Lu. 9:46-48)

33Dumating sila sa Capernaum. Nang sila'y nasa bahay na, tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?” 34Hindi sila makasagot sapagkat ang pinagtatalunan nila'y kung sino sa kanila ang pinakadakila.

35Naupo si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” 36Tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanyang mga alagad, 37“Ang sinumang tumatanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap kundi pati na rin ang nagsugo sa akin.”


Marcos
Chapter 10:13-16
Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata
(Mt. 19:13-15; Lu. 18:15-17)

13May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15Tandaan ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.” 16Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.




Juan
Chapte 4:1-42
Si Jesus at ang Babaing Taga-Samaria

1Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan. 2Ngunit ang totoo'y hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad. 3Nang ito'y malaman ni Jesus, siya'y umalis sa Judea at bumalik sa Galilea 4ngunit kailangang sa Samaria siya dumaan.

5Dumating siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. 6Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil siya'y napagod sa paglalakbay, umupo si Jesus sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon.

7May isang Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, “Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom?” 8Wala noon ang kanyang mga alagad dahil sila'y bumibili ng pagkain sa bayan.

9Sinabi sa kanya ng babae, “Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?” Sinabi niya iyon sapagkat hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano.

10Sumagot si Jesus, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka naman niya ng tubig na nagbibigay-buhay.”

11Nagsalita ang babae, “Ginoo, malalim ang balong ito at wala ka namang panalok. Saan ka kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay? 12Ang balong ito ay pamana pa sa amin ng aming ninunong si Jacob. Dito siya uminom, gayundin ang kanyang mga anak at mga hayop. Higit ka pa ba sa kanya?”

13Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”

15Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok muli.”

16“Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa,” wika ni Jesus.

17“Wala akong asawa,” sagot ng babae.

Sinabi ni Jesus, “Tama ang sinabi mong wala kang asawa 18sapagkat lima na ang iyong naging asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo nga ang sinabi mo.”

19Sinabi ng babae, “Ginoo, isa kang propeta, hindi nga ba? 20Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga ninuno, ngunit sinasabi ninyong mga Judio na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.”

21Sinabi naman ni Jesus, “Maniwala ka sa akin, darating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. 23Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama. 24Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

25Sinabi ng babae, “Nalalaman ko pong darating ang Mesiyas, ang tinatawag na Cristo. Pagdating niya, siya ang magpapahayag sa amin ng lahat ng bagay.”

26“Ako na kausap mo ngayon ang iyong tinutukoy,” sabi ni Jesus.

27Dumating ang kanyang mga alagad nang sandaling iyon, at nabigla sila nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ngunit isa man sa kanila'y walang nagtanong sa babae, “Ano ang kailangan ninyo?” Wala ring nagtanong kay Jesus, “Bakit ninyo siya kinakausap?”

28Iniwanan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon, 29“Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?”

30Kaya't lumabas ng bayan ang mga tao at nagpunta kay Jesus.

31Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Guro, kumain na kayo.”

32Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.”

33Kaya't nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”

34Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin.

35“Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin. 36Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't kapwa nagagalak ang nagtatanim at ang umaani. 37Totoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’ 38Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang naghirap dito at kayo naman ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

39Maraming Samaritano sa bayang iyon ang nanalig kay Jesus dahil sa patotoo ng babae, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.” 40Kaya't pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw.

41At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya. 42Pagkatapos, sinabi nila sa babae, “Naniniwala kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin siya. Alam na naming siya nga ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.”



Luke
Chapter 20:9-18
Ang Talinhaga ng Ubasan at sa mga Katiwala
(Mt. 21:33-46; Mc. 12:1-12)

9Nangaral muli siya sa mga tao at isinalaysay ang talinhagang ito. “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Iniwan niya iyon sa mga katiwala at siya'y nangibang-bayan sa loob ng mahabang panahon. 10Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta niya sa ubasan ang isa niyang alipin upang kunin ang kanyang kaparte. Ngunit binugbog ng mga katiwala ang alipin at pinauwing walang dala. 11Nagsugo siyang muli ng isa pang alipin at ito rin ay binugbog, hinamak at pinauwing walang dala. 12Nagsugo pa siya ng ikatlo, subalit sinugatan din ito at ipinagtabuyan. 13Napag-isip-isip ng may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti pa yata'y ang minamahal kong anak ang papupuntahin ko. Tiyak na siya'y igagalang nila.’ 14Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak ng may-ari ng ubasan, nag-usap-usap sila at ang sabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ 15Siya'y inilabas nga nila sa ubasan at pinatay.

“Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan?” tanong ni Jesus. 16“Pupunta siya roon at papatayin ang mga katiwalang iyon, at ipagkakatiwala niya sa iba ang ubasan.”

Pagkarinig nito, sinabi ng mga tao, “Huwag nawa itong ipahintulot ng Diyos!” 17Tiningnan sila ni Jesus at tinanong, “Kung gayon, ano ang kahulugan ng talatang ito sa kasulatan,

‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong-panulukan’?

18Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.”


1Corinto
Chapter 1:1-31
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos

18Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas. 19Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan ng matatalino.” 20Ano ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang. 21Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y makilala ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng Magandang Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang kahangalan. 22Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego. 23Ngunit ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan. 24Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. 25Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. 26Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. 27Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. 28Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29Kaya't walang sinum ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.”

Efeso
Chapter 1:3-14
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo

3Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo.
4Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.

11Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.

13Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!






THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Mga Awit
Chapter 29:1-11
Ang Tinig ni Yahweh sa Gitna ng Unos
Awit ni David.

1Purihin ninyo si Yahweh, mga nilikha sa kalangitan,

kilalanin ang kanyang lakas at kanyang kaluwalhatian.

2Purihin ang kanyang maluwalhating pangalan,

sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.

3Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat,

ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat,

umaalingawngaw at naririnig ng lahat.

4Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan,

at punung-puno ng kadakilaan.

5Maging mga punong sedar ng Lebanon,

sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon.

6Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon,

parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon.

7Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit.

8Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig;

inuuga niya pati ang ilang ng Kades.

9Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak,

at nakakalbo pati ang mga gubat,

lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!”

10Si Yahweh'y naghahari sa mga kalaliman,

nakaupo sa trono, bilang hari kailanman.

11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan,

at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.




FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail