Saturday, December 22, 2018

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates DECEMBER 23, 2018

0 comments


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates DECEMBER 23, 2018

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------


Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus Lucas Chapter 1:26-38
Ang mga Pastol at ang mga Anghel Lucas Chapter 2:8-20
Ang Pag-ibig ng Diyos Roma Chapter 8:31-39

Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21
Pangwakas na Pananalita 1Corinto Chapter 16:13-24




TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAG-IBIG AT PANANALIG SA DIYOS
SA PAGSILANG NG PANGINOONG
KRISTO HESUS"

"Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito.  "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod lugod sa Diyos," wika niya. " Sumainyo ang Panginoon!" Kayat sinabi sa kanya ng anghel, " Makinig ka ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y pangangalanlan mong Jesus."  Lucas 1:28-31

"Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa tao.  Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon." Lucas 2:10-11

"ang kataasan, ang kalaliman, o ang alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos--pag-ibig na ipinadama niya sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."  Romans 8:39

"Naway manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay maunawaan ninyo, kasama ang mga hiniran, kung gaano kadakila ng pag-ibig ni Cristo." Efeso 3:17

"Ang lahat ng ginagawa ninyo ay gawin ninyong may pag-ibig"
1Corinto 16:14





Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus

26Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang 27isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni Haring David. 28Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”

29Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap. 30Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”

34“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.

35Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36Hindi ba't alam ng lahat na ang kamag-anak mong si Elisabet ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

38Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.


Lucas
Chapter 2:8-20
Ang mga Pastol at ang mga Anghel

8Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon. 9Lumapit at tumayo sa kalagitnaan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang nakakasilaw na kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”

13Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,

14“Papuri sa Diyos sa kaitaasan,

at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

15Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17Isinalaysay ng mga pastol ang sinabi ng anghel tungkol sa sanggol. 18Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-bulayan.

20Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel.


Roma
Chapter 8:31-39
Ang Pag-ibig ng Diyos

31Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay? 33Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin. 35Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36Ayon sa nasusulat,

“Dahil po sa inyo'y buong araw kaming pinapatay,

turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay.”

37Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.


Efeso
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo

14Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama, 15na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. 17Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig 18upang lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig. 19At nawa'y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo'y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.

20Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin; 21sa kanya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus magpakailanman! Amen.


1Corinto
Chapter 16:13-24
Pangwakas na Pananalita

13Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay, 14at ang lahat ng ginagawa ninyo'y gawin ninyo nang may pagmamahal.

15Mga kapatid, alam ninyong ang sambahayan ni Estefanas ang unang nakakilala sa Panginoon sa Acaya, at itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod para sa mga hinirang ng Diyos. Nakikiusap ako sa inyo na 16kayo'y pasakop sa mga tulad nila at sa sinumang kasama nilang nagpapakahirap sa paglilingkod.

17Nagagalak ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ginagawa nila ang hindi ninyo magawâ para sa akin. 18Sila ang nagpasigla sa akin, gayundin sa inyo. Pahalagahan ninyo ang ganitong uri ng mga tao.

19Kinukumusta kayo ng mga iglesya sa Asia. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila, at ng mga kapatid na nagtitipon sa kanilang bahay sa pangalan ng Panginoon. 20Kinukumusta rin kayo ng lahat ng kapatid dito.

Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.

21Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito.

22Sumpain ang sinumang walang pag-ibig sa Panginoon!

Marana tha—Dumating ka nawa, Panginoon namin!

23Sumainyo nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesus.

24Sumainyong lahat ang aking pagmamahal sa pangalan ni Cristo Jesus.





THE WISDOM BOOKS AND

EVANGELIZATIONS

Mga Awit
Chapter 65:1-5
Pagpupuri at Pagpapasalamat


1Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan,

dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,

2pagkat yaong panalangin nila'y iyong dinirinig.

Dahilan sa kasalanan, lahat sa iyo ay lalapit.

3Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig,

gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.

4Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,

silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan!

Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal,

dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

5Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,

sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.

Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan,

may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.



FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


--------------------------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION



LINKS:
ENGLISH






TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail