Saturday, March 23, 2019

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates MARCH 24, 2019

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MARCH 24, 2019
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus Lucas Chapter 1:26-38
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria Lucas Chapter 1:46-56
Mga Bukal na Nagbibigay-buhay Juan Chapter 7:37-39
Sa Bato o sa Buhanginan? Mateo Chapter 7:24-27



TEACHING OF GOSPEL
 TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD

"Papuri sa Banal na
Santa Maria"
Awit ng Pagpupuri ni Maria
Aral ng Panginoong Kristo Hesus

"Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito.  "Matuwa ka! Ikaw ay kalugod lugod sa Diyos," wika niya.  " Sumasaiyo ang Panginoon."  Lucas 1:28

"Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, At nagagalak ang aking espiritu Diyos na aking tagapagligtas." Lucas 1:46-47

"Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon , ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi," Lucas 1:48

"Dahil sa Dakilang bagay na ginawa sa aking ng Makapangyarihan Banal ang kanyang pangalan!" Lucas 1:19

Sa huli  at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at malakas na sinabi: " Ang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.  Ayon sa sinabi ng Kasulatan, 'Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay buhay."Juan 7:37-38

"Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato." Mateo 7:24



Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Pagsilang ni Jesus


26Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang 27isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni Haring David. 28Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”

29Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap. 30Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”

34“Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria.

35Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36Hindi ba't alam ng lahat na ang kamag-anak mong si Elisabet ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.”

38Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.



Lucas
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria


46At sinabi ni Maria,

“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,

47at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,

48sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!

Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;

49dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.

Siya'y banal!

50Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao

at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.

51Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,

nilito niya ang mga may palalong isip.

52Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,

at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.

53Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,

at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.

54Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,

at naalala ito upang kanyang kahabagan.

55Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,

kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

56Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.


Juan
Chapter 7:37-39
Mga Bukal na Nagbibigay-buhay

37Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin, 38at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’” 39Ang tinutukoy niya'y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Sapagkat hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa muling nabuhay at niluwalhati.


Mateo
Chapter 7:24-27
Sa Bato o sa Buhanginan?
(Lu. 6:47-49)

24“Kaya't ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay maitutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay na ang pundasyon ay bato. 25Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo iyon sa bato. 26Ang bawat nakikinig ng aking salita ngunit hindi naman nagsasagawa ng mga aral na ito ay maitutulad naman sa isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa may buhanginan. 27Umulan nang malakas, bumaha at binayo ng malakas na hangin ang bahay. Ito ay bumagsak at lubusang nawasak.”




THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Awit
Chapter 136:1-9
Awit ng Pagpapasalamat


1Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

2Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

3Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

4Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

5Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

6Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

7Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

8Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!

9At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.

Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!







FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail