THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
8 19 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya't may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; nais nilang makita kayo.” 21 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”
2 22 Nang sumapit ang araw ng kanilang pagtupad sa seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, pumunta sila sa Jerusalem. Dinala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, 23 sapagkat ganito ang nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Bawat panganay na lalaki ay itatalaga sa Panginoon.” 24 Nag-alay din sila ng handog ayon sa nakasaad sa Kautusan ng Panginoon: magkapares na ibong batu-bato, o kaya'y dalawang inakay na kalapati.
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
12 1 Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan: isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan, at ang ulo'y may koronang binubuo ng labindalawang (12) bituin. 2 Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap. 3 Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang napakalaking pulang dragon. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. 4 Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo ang dragon sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. 5 Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. 6 Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng isang libo, dalawandaan at animnapung (1,260) araw.
1 12 Nagbalik sa Jerusalem ang mga apostol buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo sa lungsod. 13 Pagdating sa bahay na kanilang tinutuluyan, umakyat sila sa silid sa itaas. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. 14 Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.
2 13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat. 16 Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.
1 1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 2 Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus. 3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. 4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas kayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos. 5 Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; 6 sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; 7 sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig. 8 Kung ang mga katangiang ito ay taglay ninyo at pinagyayaman, ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mawawalan ng kabuluhan at kapakinabangan. 9 Ngunit kung wala sa inyo ang mga ito, kayo ay parang bulag at hindi nakakakita, at nakalimot na nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan. 10 Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod. 11 Sa ganitong paraan, kayo'y malugod na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 12 Kaya, kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito. 13 Minabuti kong sariwain ito sa inyong isipan habang ako'y nabubuhay pa. 14 Alam kong malapit ko nang iwan ang katawang ito, ayon sa ipinahayag sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya't gagawin ko ang lahat upang maalala pa rin ninyong lagi ang mga bagay na ito kahit ako'y pumanaw na. 16 Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi namin ibinatay sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan ng aming mga mata ang kanyang kadakilaan 17 nang tanggapin niya mula sa Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito'y nangyari nang marinig namin ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng langit na nagsabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” 18 Narinig namin ito mula sa langit sapagkat kami'y kasama niya nang ito'y maganap sa banal na bundok. 19 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. 20 Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, 21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
10 19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
65 1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata. 2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman. 3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo. 4 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo. 5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat: 6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: 7 Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan.
Updates AUGUST 18, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus Lucas Chapter 8:19-21
Dinala si Jesus sa Templo Lucas Chapter 2:22-38

Ipinahayag ang Panganganak kay Jesus Lucas Chapter 1:26-38
Ang Babae at Dragon Payahag Chapter 12:1-18
Ang Kahalili ni Judas Gawa Chapter 1:12-26
Hinirang upang Iligtas 2Tesalonica Chapter 2:13-17
Mga Saksi Kadakilaan ni Cristo 2Pedro Chapter 1:16-21
Lumapit sa Diyos Hebreo Chapter 10:19-36
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
GUIDANCE OF MOTHER MARY
IN SPIRITUAL FAITH TO
GOD AND JESUS CHRIST
KINALUGDAN NG DIYOS ANG BANAL NA SANTA MARIA
POWER OF GOD IN MOTHER MARY
POWER OF GOD IN MOTHER MARY
"Ngunit sinabi sa kanila, "Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad nito ang siya kong ina at mga kapatid." Lucas 8:21
""Kayat mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan ang puso mo'y para na ring tinarakan ng isang balaraw." Lucas 2:35
"Paglapit
ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito. "Matuwa ka!
Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," wika niya. "Sumasaiyo ang Panginoon".
Lucas 1:28
"Sumagot
ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng
kapangyarihan ng kataas-taasan. Kaya't banal ang ipanganganak mo at
tatawaging Anak ng Diyos." sapagkat walang hindi mapangyayari ang
Diyos." Lucas 1:35, 37
"Sa
galit ng dragon sa babae, binalingan niya ang nalalabing lahi nito
upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at
nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus." Payahag 12:17
"Lagi
silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si
Mariang ina ni Jesus, gayon din ang mga kapatid ni Jesus." Gawa 1:14
"Tinawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
2Tesalonica 2:14
"ipinagkaloob
sa kanya ng Diyos Ama ang karangalan at kapurihan. Ito'y nangyari ng
marinig ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng langit: "Ito ang
pinakamamahal kong Anak; siya ang lubos kong kinalulugdan." 2Pedro 1:17
"Kayat
lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay ng
pananalig sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nalinis na ang ating mga puso at nahugasan na ng dalisay na tubig ang
ating mga katawan." Hebreo 10:22
Lucas
Chapter 8:19-21
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus
8 19 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya't may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; nais nilang makita kayo.” 21 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid.”
Lucas
Chapter 2:22-38
Dinala si Jesus sa Templo
2 22 Nang sumapit ang araw ng kanilang pagtupad sa seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises, pumunta sila sa Jerusalem. Dinala nila ang sanggol upang iharap sa Panginoon, 23 sapagkat ganito ang nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Bawat panganay na lalaki ay itatalaga sa Panginoon.” 24 Nag-alay din sila ng handog ayon sa nakasaad sa Kautusan ng Panginoon: magkapares na ibong batu-bato, o kaya'y dalawang inakay na kalapati.
25
May isang tao noon sa Jerusalem na ang pangala'y Simeon, isang lalaking
matuwid, may takot sa Diyos at naghihintay sa katubusan ng Israel. Nasa
kanya ang Espiritu Santo. 26 Ipinahayag ng Espiritu Santo sa kanya na
hindi siya mamamatay hangga't hindi niya nakikita ang Cristo na
ipinangako ng Panginoon. 27 Sa patnubay ng Espiritu, si Simeon ay
pumasok sa Templo. At nang dalhin doon nina Jose at Maria ang sanggol na
si Jesus upang tuparin ang ayon sa itinatakda ng Kautusan, 28 kinarga
ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Diyos,
29
“Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang inyong abang
alipin ayon sa inyong pangako. 30 Yamang nakita na po ng aking mga mata
ang inyong pagliligtas, 31 na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng
bansa. 32 Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil at
magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.”
33
Namangha ang mga magulang ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol
sa bata. 34 Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo,
ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa
Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutuligsain siya ng
marami, 35 kaya't mahahayag ang
kanilang iniisip. Dahil dito, magdaranas ka ng matinding kapighatiang
parang isang patalim na itinarak sa iyong puso.”
36
Naroon din sa Templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana,
anak ni Fanuel at mula sa lipi ni Asher. Siya'y napakatanda na. Pitong
taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 37 at ngayo'y walumpu't
apat na taon na siyang biyuda. Lagi siya sa Templo at araw-gabi'y
sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. 38 Nang
oras na iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos.
Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa
pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.
Lucas
Chapter 1:26-38
Ipinahayag ang Panganganak kay Jesus
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria. 35
Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa
kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y
banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang
kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y
ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda
na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38
Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Payahag
Chapter 12:1-18
Ang Babae at Dragon
12 1 Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan: isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan, at ang ulo'y may koronang binubuo ng labindalawang (12) bituin. 2 Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap. 3 Isa pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang napakalaking pulang dragon. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. 4 Kinaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo ang dragon sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. 5 Ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, na nakatakdang maghari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal. Ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. 6 Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng isang libo, dalawandaan at animnapung (1,260) araw.
7
Pagkaraan nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit. Si Miguel at ang
kanyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. 8
Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at hindi na sila pinayagang
manatili sa langit. 9 Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang
ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong
sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga
kampon.
10
At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,
“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang
lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan!
Sapagkat itinapon na mula sa langit ang nagpaparatang sa mga kapatid
natin, araw at gabi, sa harapan ng Diyos. 11 Nagtagumpay ang mga ito
laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng
kanilang pagpapatotoo sa salita ng Diyos; at buong puso nilang inialay
ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. 12 Kaya't magalak ang
kalangitan at lahat ng naninirahan diyan! Ngunit kalagim-lagim ang
daranasin ninyo, lupa at dagat, sapagkat ang matinding poot ng diyablo
ay babagsak sa inyo! Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi
sa kanya.”
13
Nang makita ng dragon na itinapon siya sa lupa, hinabol niya ang
babaing nagsilang ng sanggol na lalaki. 14 Ngunit ang babae ay binigyan
ng dalawang pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang.
Doon siya aalagaan sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa
pananalakay ng ahas. 15 Mula sa kanyang bibig ang ahas ay naglabas ng
tubig na parang ilog upang tangayin ang babae. 16 Subalit tinulungan ng
lupa ang babae. Bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na inilabas ng
dragon mula sa kanyang bibig. 17
Sa galit ng dragon sa babae, binalingan niya ang nalalabing mga anak
nito upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa mga utos ng Diyos at
nananatiling tapat sa pagpapatotoo kay Jesus. 18 At ang dragon ay tumayo
sa dalampasigan.
Gawa
Chapter 1:12-26
Ang Kahalili ni Judas
1 12 Nagbalik sa Jerusalem ang mga apostol buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo sa lungsod. 13 Pagdating sa bahay na kanilang tinutuluyan, umakyat sila sa silid sa itaas. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. 14 Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.
15
Makalipas ang ilang araw, nang nagkakatipon ang may isandaan at
dalawampung mga kapatid, tumayo sa harap nila si Pedro at nagsalita, 16
“Mga kapatid, kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan na ipinahayag
ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni David tungkol kay Judas na nanguna
sa mga dumakip kay Jesus. 17 Si Judas ay kabilang sa amin at naging
kasama namin sa paglilingkod.”
18 Ang kabayaran sa kanyang pagtataksil ay ibinili niya ng lupa. Doon
siya nahulog nang patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang
kanyang bituka. 19 Nabalita iyon sa buong Jerusalem, kaya nga't ang
lupang iyon ay tinawag na Akeldama sa kanilang wika, na ang kahulugan ay
Bukid ng Dugo.
20
Sinabi pa ni Pedro, “Nasusulat sa Aklat ng mga Awit, ‘Ang tirahan
niya'y tuluyang layuan, at huwag nang tirhan ninuman.’ Nasusulat din,
‘Gampanan ng iba ang kanyang tungkulin.’
21
- 22 “Kaya't dapat pumili ng isang makakasama namin bilang saksi sa
muling pagkabuhay ni Jesus. Kailangang siya'y isa sa mga kasa-kasama
namin sa buong panahong kasama kami ng Panginoong Jesus, mula nang
bautismuhan ni Juan si Jesus hanggang sa siya ay iniakyat sa langit.” 23
Kaya't iminungkahi nila ang dalawang lalaki, si Matias at si Jose na
tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo. 24 Pagkatapos,
sila'y nanalangin, “Panginoon, alam ninyo kung ano ang nasa puso ng
lahat ng tao. Ipakita po ninyo sa amin kung sino sa dalawang ito ang
inyong pinili 25 upang maglingkod bilang apostol kapalit ni Judas na
tumalikod sa kanyang tungkulin nang siya'y pumunta sa lugar na nararapat
sa kanya.” 26 Nagpalabunutan sila at si Matias ang napili. Kaya't siya
ay idinagdag sa labing-isang apostol.
2Tesalonica
Chapter 2:13-17
Hinirang upang Iligtas
2 13 Mga kapatid na minamahal ng Panginoon, dapat kaming magpasalamat palagi sa Diyos dahil sa inyo. Kabilang kayo sa mga unang pinili niya upang pagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng inyong pananalig sa katotohanan. 14 Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Magandang Balita na ipinahayag namin sa inyo upang makasama kayo sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at panghawakan ninyo ang mga katuruang ipinasa namin sa inyo, sa pamamagitan man ng aming sinabi o isinulat. 16 Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo mismo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at magandang pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban para sa lahat ng mabuting gawa at salita.
2Pedro
Chapter 1:16-21
Mga Saksi Kadakilaan ni Cristo
1 1 Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami'y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 2 Sumagana nawa sa inyo ang kagandahang-loob at kapayapaan ng Diyos sa pamamagitan ng inyong pagkakilala sa kanya at sa ating Panginoong Jesus. 3 Tinanggap natin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos ang lahat ng bagay na magtuturo sa atin upang tayo'y mamuhay na maka-Diyos. Ito'y dahil sa ating pagkakilala kay Jesus, na siya ring tumawag sa atin upang bahaginan tayo ng kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. 4 Sa paraang ito ay binigyan niya tayo ng mga dakila at napakahalagang pangako upang makaiwas kayo sa nakakasirang pagnanasa sa sanlibutang ito at upang makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Diyos. 5 Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; 6 sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos; 7 sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig. 8 Kung ang mga katangiang ito ay taglay ninyo at pinagyayaman, ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay hindi mawawalan ng kabuluhan at kapakinabangan. 9 Ngunit kung wala sa inyo ang mga ito, kayo ay parang bulag at hindi nakakakita, at nakalimot na nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan. 10 Kaya nga, mga kapatid, lalo kayong maging masigasig upang matiyak ninyo na kayo ay tinawag at pinili ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, hindi kayo matitisod. 11 Sa ganitong paraan, kayo'y malugod na papapasukin sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 12 Kaya, kahit na alam na ninyo ang katotohanang inyong tinanggap at matatag na kayo rito, lagi ko pa rin kayong paaalalahanan tungkol dito. 13 Minabuti kong sariwain ito sa inyong isipan habang ako'y nabubuhay pa. 14 Alam kong malapit ko nang iwan ang katawang ito, ayon sa ipinahayag sa akin ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 15 Kaya't gagawin ko ang lahat upang maalala pa rin ninyong lagi ang mga bagay na ito kahit ako'y pumanaw na. 16 Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa kapangyarihan at muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi namin ibinatay sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan ng aming mga mata ang kanyang kadakilaan 17 nang tanggapin niya mula sa Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito'y nangyari nang marinig namin ang tinig mula sa dakilang kaluwalhatian ng langit na nagsabing, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” 18 Narinig namin ito mula sa langit sapagkat kami'y kasama niya nang ito'y maganap sa banal na bundok. 19 Kaya naman lalong tumibay ang aming paniniwala sa ipinahayag ng mga propeta. Makakabuti na ito'y pag-ukulan ninyo ng pansin, sapagkat tulad ito sa isang ilaw sa kadiliman na tumatanglaw sa inyo hanggang sa sumikat ang araw ng Panginoon at magliwanag sa inyong mga puso ang bituin sa umaga. 20 Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, 21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Hebreo
Chapter 10:19-36
Lumapit sa Diyos
10 19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.
26
Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin
nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa
ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang naghihintay na lamang sa
atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na
tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan
ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang
pinapatay. 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa
taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa
tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? 30
Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang
magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang
kanyang bayan.”
31 Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!
32
Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis
ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo
nagpadaig. 33 Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap
ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo
na pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at
hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam
ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo.
35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat
dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang
kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap
ninyo ang kanyang ipinangako.
37
Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang, hindi na magtatagal, at ang
darating ay darating na. 38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa
pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung siya'y tatalikod, hindi ko
siya kalulugdan.”
39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga may pananampalataya at naliligtas.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 65:1-7
Thanksgiving for Godsblessings
65 1 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata. 2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman. 3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo. 4 Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo. 5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat: 6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan: 7 Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:
Post a Comment