THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay Marcos Chapter 10:1-12
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay Mateo Chapter
10 1 Pag-alis doon, si Jesus ay nagpunta sa lupain ng Judea at tumawid sa ibayo ng Ilog Jordan. Muling dumagsa ang maraming tao at tulad ng kanyang palaging ginagawa, sila'y kanyang tinuruan.
19 1 Pagkatapos niyang ipangaral ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at doo'y pinagaling niya ang mga maysakit.
7 1 Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang tao na huwag makipagtalik. 2 Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. 3 Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 4 Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. 5 Huwag ninyong ipagkait ang inyong sarili sa isa't isa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong huwag munang magsiping sa maikling panahon upang maiukol ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, muli kayong magsiping upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil. 6 Ang sinabi ko'y hindi utos kundi pag-unawa sa inyong kalagayan. 7 Nais ko sanang ang bawat isa ay makatulad ko. Ngunit ang bawat tao'y may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.
3 18 Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon. 19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. 20 Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. 21 Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob. 22 Mga alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan lamang ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. 25 Ang mga gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanilang ginawa, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.
3 1 Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5 Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan. 7 Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.
4 7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. 11 Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. 12 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig. 13 Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. 14 Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. 15 Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananatili sa kanya. 16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. 17 Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't panatag ang ating kalooban para sa Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito. 18 Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. 19 Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. 20 Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.
5 38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. 41 Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42 Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”
2 22 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. 23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. 24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. 25 At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.
Updates FEBRUARY 09, 2020
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay Marcos Chapter 10:1-12
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay Mateo Chapter
Mga Sulirann Ukol sa Pag-aasawa 1Corinto Chapter 7:1-16
Pagsasamahang Nararapat sa Baong Buhay na Ito
Colosas Chapter 3:18-25
Sa mga Magasawa 1Pedro Chapter 3:1-7
Ang Diyos ay Pag-ibig 1Juan Chapter 4:7-21
Ang Turo Tungko sa Pagpaparaya Mateo Chapter 5:38-42

TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GABAY NG DIYOS AT
PANGINOONG KRISTO HESUS
SA MGA PAG-AASAWA AT PAGPAPAMILYA"
"Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." Marcos 10:9
"Sumagot
si Jesus, " Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan na sa pasimula'y
nilalang sila ng Maykapal, lalaki at babae? At sinabi, "Dahil dito iiwan
ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa; at
sila'y magigIng isa." kaya hindi na sila dalawa kundi isa. Ang
pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao." Mateo 19:4-6
"Dapat
tupdin ng lalaki ang tungkulin sa kanyang pagaasawa, gayon din, ang
babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may kapangyarihan sa sariling
katawan kundi ang kanyang asawa; gayon din naman, hindi na ang lalaki
ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang kanyang asawa." 1Corinto 7:3-4
"Mga
babae, pasakop kayo sa mga inyu-inyong asawa sapagkat iyan ang kalooban
ng Panginoon." Mga lalaki , ibigin nnyo ang inyu-inyong asawa, at
huwag silang pagmalupitan." Colosas 3:18-19
"Kayo
namang mga lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyu-inyong asawa,
sapagkat sila'y mahihina, at tulad ninyo'y may karapatan din sa buhay na
walang hanggang kaloob ng Diyos. At kung magkagayo'y walang magiging
sagabal sa inyong panalangin." 1Pedro 3:7
"Mga
minamahal, mag-ibigan tayo, sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang
bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos, Ang hindi
umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig." 1Juan 4:7
"Narinig
inyo sinasabi, 'Mata sa mata at ngipin sa ngipin.' Ngunit ngayo'y
sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may
sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila." Mateo 5:38-39
Marcos
Chapter 10:1-12
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay
10 1 Pag-alis doon, si Jesus ay nagpunta sa lupain ng Judea at tumawid sa ibayo ng Ilog Jordan. Muling dumagsa ang maraming tao at tulad ng kanyang palaging ginagawa, sila'y kanyang tinuruan.
2
May ilang Pariseong gustong subukin si Jesus; kaya't lumapit sila at
nagtanong, “Naaayon po ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang
asawa?” 3 Sumagot siya, “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?” 4 Sumagot
naman sila, “Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng
kasulatan ng paghihiwalay bago niya hiwalayan at palayasin ang kanyang
asawa.” 5 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon
dahil sa katigasan ng inyong ulo. 6 Subalit simula pa nang likhain ng
Diyos ang sanlibutan, nilalang niya ang tao na lalaki at babae. 7 ‘Dahil
dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, [magsasama sila ng
kanyang asawa] 8 at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa
kundi isa. 9 Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”
10
Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus
tungkol sa bagay na ito. 11 Sinabi niya sa kanila, “Kapag hiniwalayan ng
isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala
ng pangangalunya sa kanyang asawa. 12 Gayon din naman, ang babaing
humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng
pangangalunya.”
Mateo
Chapter
Ang Turo ni Jesus Tungkol sa Paghihiwalay
19 1 Pagkatapos niyang ipangaral ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at doo'y pinagaling niya ang mga maysakit.
3
May ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa
kanya. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang
kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” 4 Sumagot si Jesus, “Hindi ba
ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at
babae? 5 At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang
kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging
isa.’ 6 Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos
ay huwag paghiwalayin ng tao.” 7 Tinanong siya ng mga Pariseo, “Kung
gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng
isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya ito palayasin?” 8 Sumagot si
Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa
dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. 9
Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang
asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang
kanyang asawa na mangalunya] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala
ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala
rin ng pangangalunya].”
10
Sinabi naman ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa
kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” 11 Sumagot si Jesus,
“Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na
pinagkalooban ng Diyos. 12 Sapagkat may iba't ibang dahilan kung bakit
may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay isinilang na may
ganitong kapansanan; iba nama'y dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon
namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Hayaang
tanggapin ang aral na ito ng may kakayahang tumanggap nito.”
1Corinto
Chapter 7:1-16
Mga Sulirann Ukol sa Pag-aasawa
7 1 Tungkol naman sa inyong sulat, ganito ang masasabi ko: Mabuti sa isang tao na huwag makipagtalik. 2 Ngunit dahil sa lumalaganap na pakikiapid, bawat lalaki o babae ay dapat magkaroon ng sariling asawa. 3 Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. 4 Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. 5 Huwag ninyong ipagkait ang inyong sarili sa isa't isa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong huwag munang magsiping sa maikling panahon upang maiukol ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, muli kayong magsiping upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil. 6 Ang sinabi ko'y hindi utos kundi pag-unawa sa inyong kalagayan. 7 Nais ko sanang ang bawat isa ay makatulad ko. Ngunit ang bawat tao'y may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos at ang mga ito'y hindi pare-pareho.
8
Ito naman ang masasabi ko sa mga walang asawa at sa mga biyuda: mabuti
pa sa kanila ang manatiling katulad ko na walang asawa. 9 Ngunit kung
hindi sila makapagpigil sa sarili, mag-asawa na lang sila; mas mabuting
mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa.
10
Sa mga may asawa, ito ang iniuutos ng Panginoon, hindi ako: huwag
makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa. 11 Ngunit kung siya'y
hihiwalay, manatili siyang walang asawa, o kaya'y muling makipagkasundo
sa kanyang asawa. At huwag din namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang
asawa.
12
Sa iba naman, ito ang sinasabi ko, ako ang nagsasabi at hindi ang
Panginoon: kung ang isang lalaking mananampalataya ay may asawang
di-mananampalataya at nais nitong patuloy na makisama sa kanya, huwag
niya itong hiwalayan. 13 Kung ang isang babaing sumasampalataya ay may
asawang hindi sumasampalataya at nais ng lalaking magpatuloy ng
pakikisama sa kanya, huwag siyang makipaghiwalay. 14 Sapagkat ang
lalaking hindi pa sumasampalataya ay itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan
ng kanyang asawa, at ang babaing hindi pa sumasampalataya ay
itinatalaga sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang asawa. Kung hindi gayon
ay magiging marumi sa paningin ng Diyos ang kanilang mga anak; ngunit
ang totoo, ang mga ito ay itinatalaga sa Diyos.
15
Kung nais namang humiwalay ng asawang di-mananampalataya sa kanyang
asawang sumasampalataya, hayaan ninyo siyang humiwalay. Sa gayong mga
pagkakataon, ang naturang kapatid ay malaya. Tinawag kayo ng Diyos upang
mamuhay nang mapayapa. 16 Anong malay ninyo, mga babae, baka kayo ang
maging kasangkapan sa ikaliligtas ng inyong asawa? At kayong mga lalaki,
anong malay ninyo, baka kayo ang maging kasangkapan sa ikaliligtas ng
inyong asawa?
Colosas
Chapter 3:18-25
Pagsasamahang Nararapat sa Baong Buhay na Ito
3 18 Mga babae, pasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang naaangkop sa mga nakipag-isa sa Panginoon. 19 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, at huwag kayong maging malupit sa kanila. 20 Mga anak, sundin ninyong lagi ang inyong mga magulang, sapagkat iyan ang nakalulugod sa Panginoon. 21 Mga magulang, huwag ninyong pagagalitan nang labis ang inyong mga anak at baka masiraan sila ng loob. 22 Mga alipin, sa lahat ng bagay ay sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa. May nakakakita man o wala, maglingkod kayo hindi upang kalugdan lamang ng mga tao, kundi dahil sa kayo'y tapat at may takot sa Panginoon. 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. 25 Ang mga gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanilang ginawa, sapagkat ang Diyos ay walang kinikilingan.
1Pedro
Chapter 3:1-7
Sa mga Magasawa
3 1 Kayo namang mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa. Sa gayon, kung mayroon sa kanila na hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, mahihikayat din silang sumampalataya dahil sa inyong magandang asal. Kahit hindi na kayo magpaliwanag pa sa kanila, 2 sapat nang makita nila ang inyong maka-Diyos at malinis na pamumuhay. 3 Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas lamang tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit. 4 Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa paningin ng Diyos. 5 Iyan ang pagpapagandang ginawa noong unang panahon ng mga babaing banal na umasa sa Diyos. At sila'y nagpasakop sa kanilang mga asawa. 6 Tulad ni Sara, sinunod niya at tinawag na panginoon ang asawa niyang si Abraham. Kayo rin ay mapapabilang sa kanyang mga anak kung matuwid ang inyong mga gawa, at kung wala kayong anumang kinatatakutan. 7 Kayo namang mga lalaki, unawain ninyo at pakitunguhang mabuti ang inyong asawa, sapagkat sila'y mas mahina. At sila'y kasama ninyong tatanggap ng buhay na kaloob ng Diyos. Gawin ninyo ito upang walang maging sagabal sa inyong mga panalangin.
1Juan
Chapter 4:7-21
Ang Diyos ay Pag-ibig
4 7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. 11 Mga minamahal, kung ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan. 12 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit kung tayo'y nagmamahalan, nasa atin ang Diyos at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig. 13 Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. 14 Nakita namin at pinapatotohanang isinugo ng Ama ang kanyang Anak upang iligtas ang sanlibutan. 15 Ang nagpapahayag na si Jesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama'y nananatili sa kanya. 16 Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. 17 Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't panatag ang ating kalooban para sa Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito. 18 Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang takot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. 19 Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. 20 Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21 Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.
Mateo
Chapter 5:38-42
Ang Turo Tungko sa Pagpaparaya
5 38 “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ 39 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong gumanti sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. 40 Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. 41 Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya, pasanin mo iyon ng dalawang milya. 42 Bigyan mo ang nanghihingi sa iyo at huwag mong tanggihan ang nanghihiram sa iyo.”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Genesis
Chapter 2:22-25
The Story of Creation
2 22 At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. 23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. 24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. 25 At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:
Post a Comment