THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MAY 17, 2020
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang mga Tatak Pahayag Chapter 6:1-17
6 1 Nakita kong inalis ng Kordero ang una sa pitong selyo, at narinig kong sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang, sa tinig na sinlakas ng kulog, “Halika!” 2 At nakita ko ang isang kabayong puti na ang nakasakay ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona at siya'y umalis upang patuloy na manakop.
9 1 Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta at nakita kong nahulog sa lupa ang isang bituin; ibinigay rito ang susi sa bukana ng napakalalim na hukay. 2 Binuksan ng bituin ang napakalalim na hukay at may lumabas na makapal na usok, tulad ng usok ng malaking hurno, kaya't nagdilim ang araw at ang himpapawid. 3 Mula sa usok ay may naglabasang mga balang na kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang tulad ng sa mga alakdan. 4 Ipinagbilin sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Ang mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa noo ang maaari nilang saktan. 5 Hindi pinahintulutan ang mga balang na patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lamang sa loob ng limang buwan. Parang kagat ng alakdan ang kirot na dulot ng mga balang na ito. 6 Sa loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito matatagpuan. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito. 7 Ang anyo ng mga balang ay tulad sa mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sa kanilang ulo ay may parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha. 8 Parang buhok ng babae ang kanilang buhok at parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. 9 Natatakpan ng parang mga baluting bakal ang kanilang dibdib at ang pagaspas ng kanilang pakpak ay parang dagundong ng maraming karwaheng hila ng mga kabayong lulusob sa labanan. 10 Sila ay may mga buntot na may tulis gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan. 11 Ang pinuno nila'y ang anghel na bantay sa napakalalim na hukay. Ang kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon, at sa wikang Griego'y Apolion. 12 Nakaraan na ang unang lagim; dalawa pang lagim ang darating. 13 Hinipan ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta at nakarinig ako ng tinig mula sa mga sulok ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. 14 Iniutos nito sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa tabi ng malaking Ilog Eufrates.” 15 At pinalaya ang apat na anghel upang patayin nila ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan; talagang inihanda sila para sa oras, araw, buwan at taóng ito. 16 Narinig ko na ang bilang ng hukbong nakakabayo ay dalawandaang milyon (200,000,000). 17 Sa aking pangitain ay nakita ko ang mga kabayo, at ang mga dibdib ng mga sakay nito ay may mapulang baluti na gaya ng apoy, asul na gaya ng safiro, at dilaw na parang asupre. Ang mga ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon, at ang kanilang bibig ay bumubuga ng apoy, usok at asupre. 18 Ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay pinatay ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok at asupre na nagmula sa bibig ng mga kabayo. 19 Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang kanilang mga buntot ay parang ahas na may ulo, na siyang ginagamit nila sa pananakit ng tao. 20 Ang natira sa sangkatauhan na hindi namatay sa mga salot na ito ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod ni tumigil man sa pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyosang ginawa ng kanilang kamay, mga larawang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy, na di nakakakita, nakakarinig o nakakalakad man. 21 Ni hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pangkukulam, pakikiapid at pagnanakaw.
14 6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!”
15 1 Nakita ko rin sa langit ang isa pang kakaiba at kagila-gilalas na palatandaan: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos. 2 May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos. 3 Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga paraan! 4 Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo, sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.” 5 Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan. 6 Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian at may gintong pamigkis sa dibdib. 7 Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman. 8 Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.
16 1
Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa
pitong anghel, “Humayo na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng
pitong mangkok ng poot ng Diyos.”
21 1 Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila. 4 At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”
Ang Pitong Trumpeta Pahayag Chapter 8:1-13
Ang Pitong Trumpeta Pahayag Chapter 9:1-27
Ang Panghuling mga Salot Pahayag Chapter 15:1-8
Ang mga Mangkok na Poot ng Diyos Pahayag Chapter 16:1-21
Ang Pitong Trumpeta Pahayag Chapter 9:1-27
Ang Tatlong Anghel/ Ang Pagaani
Pitong Angel Pahayag Chapter 14:6-20Ang Panghuling mga Salot Pahayag Chapter 15:1-8
Ang mga Mangkok na Poot ng Diyos Pahayag Chapter 16:1-21
Bagong Langit Bagong Lupa
Bagong Jerusalem Pahayag Chapter 21:1-27 22-1-5
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MGA DARANASIN SA PAGHUHUKOM"
AT TAGUMPAY NA MAKAKAMIT"
"At
sinira ng Kordero ang panganim na tatak. Lumindol nang malakas, ang
araw ay naging itim tulad ng damit na panluksa, naging kasimpula ng Dugo
ang Buwan. Nalaglag mula sa langit ang mga bituin, gaya ng pagkalaglag
ng mga bubot na bunga ng igos kung binabayo ng malakas na hangin." Pahayag 6:12
"Nang
hipan ng ikatlong angel ang kanyag trompeta, nahulog mula sa langit ang
isang malaking bituing nagliliyab na parang sulo at bumagsak sa
ikatlong bahagi ng mga ilog at bukal." Ang bituin ay tinawag na
Kapaitan, Pumait ang ikatlong bahagi ng tubig at maraming tao ang
namatay pagkainom nito. Nang hipan ng ikaapat na anghel ang kanyang
trompeta, napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at mga
bituin, kayat nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim
ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi
ng magdamag" Pahayag 8:10-12
"At
pinalaya ang apat na anghel upang patayin ang ikatlong bahagi ng
sangkatuhan; talagang inihanda sila para sa oras, araw, at buwan ng
taong ito. tatlong salot na pumapatay sa ikatlong bahagi ng
sangkatauhan. " Pahayag 9:15
"Ang
nalabi sa sangkatuhan yaong hindi namatay sa nga salot na ito ay hindi
nagsisi. Hindi sila tumalikod at tumigil sa ng pagsamba sa mga demonyo
at sa mga diyus-diyusang likha ng kanilang kamay mga larawang ginto,
pilak, tanso, bato, at kahoy, na di nakakakita, nakaririnig, o
nakalalakad. Ni hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay,
pandaraya at pakikiapid o pagnanakaw." Pahayag 9:20-21
"Sumunod
sa dalawa ang ikatlong anghel na malakas na nagsasabi: "Sinumang
sumamba sa halimaw at sa larawan nito, at tumanggap ng tatak sa kanyang
kamay at noo, ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, na ibinuhos na walang
halo sa saro ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa
harapan ng Kordero at mga banal na mga anghel." Payahag 14:9-10
"Kayat kailangang magpaklatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga
sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus." Pahayag 14:12
"Nakita
ko ang isa pang kagila0 gilalas na pangitain sa langit: pitong anghel
na may dalang pitong salot. Ito ang pangunahing mga salot sapagkat dito
magwawakas ang poot ng Diyos." Pahayag 15:1
"Matatagpuan
sa lunsod ang trono ng Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng
kanyang mga lingkod. Makikita nila ang kanyang mukha, at masusulat sa
kanilang noo ang kanyang pangalan. Doo'y walang gabi, at hindi na sila
mangangailangan ng ilawan o liwanag ng araw, pagkat ang Panginoong Diyos
ang magiging ilaw nila, at maghahari sila magpakailanman."Payahag
22:3-5
Pahayag
Chapter 6:1-17
Ang mga Tatak
6 1 Nakita kong inalis ng Kordero ang una sa pitong selyo, at narinig kong sinabi ng isa sa apat na buháy na nilalang, sa tinig na sinlakas ng kulog, “Halika!” 2 At nakita ko ang isang kabayong puti na ang nakasakay ay may hawak na pana. Binigyan siya ng korona at siya'y umalis upang patuloy na manakop.
3
Nang alisin ng Kordero ang pangalawang selyo, narinig kong sinabi ng
pangalawang buháy na nilalang, “Halika!” 4 Isa namang kabayong pula ang
lumitaw na ang nakasakay ay binigyan ng kapangyarihang magpasimula ng
digmaan sa lupa upang magpatayan ang mga tao. Binigyan siya ng isang
malaking tabak. 5 Nang alisin ng Kordero ang pangatlong selyo, narinig
kong sinabi ng pangatlong buháy na nilalang, “Halika!” Isang kabayong
itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito. 6 May
narinig akong parang isang tinig na nagmumula sa kinaroroonan ng apat na
buháy na nilalang, na nagsabi, “Isang takal na trigo lamang ang
mabibili ng sahod sa maghapong trabaho at tatlong takal na harina lamang
ang mabibili sa ganoon ding halaga. Ngunit huwag mong pinsalain ang
langis ng olibo at ang alak!”
7
Nang alisin ng Kordero ang pang-apat na selyo, narinig kong sinabi ng
pang-apat na buháy na nilalang, “Halika!” 8 Isang kabayong maputla ang
nakita ko at ang pangalan ng nakasakay dito ay Kamatayan. Nakasunod sa
kanya ang Daigdig ng mga Patay. Ibinigay sa mga ito ang kapangyarihan sa
ikaapat na bahagi ng lupa upang pumatay sa pamamagitan ng digmaan,
taggutom, salot, at mababangis na hayop sa lupa.
9
Nang alisin ng Kordero ang panlimang selyo, nakita ko sa ilalim ng
dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at
dahil sa pagpapatotoo nila rito. 10 Sumigaw sila nang malakas, “O
Panginoong Makapangyarihan, banal at tapat! Gaano pa katagal bago ninyo
hatulan at parusahan ang mga tao sa daigdig na pumatay sa amin?” 11
Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa
kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang
bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa mga lingkod, na papatayin ding
tulad nila.
12
Nang alisin ng Kordero ang pang-anim na selyo, lumindol nang malakas,
ang araw ay nagdilim na kasing itim ng damit panluksa at ang buwan ay
naging kasimpula ng dugo. 13 Nalaglag mula sa langit ang mga bituin na
parang mga bubot na bunga ng igos kapag hinahampas ng malakas na hangin.
14 Naglaho ang langit na parang kasulatang inirolyo, at nawala sa
kanilang dating kinalalagyan ang mga bundok at mga isla. 15 Nagtago sa
mga yungib na bato ang mga hari sa lupa, ang mga gobernador, ang mga
pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, at lahat ng tao,
alipin man o malaya. 16 At sinabi nila sa mga bundok at sa mga bato,
“Tabunan ninyo kami at ikubli ninyo kami sa mukha ng nakaupo sa trono,
at sa poot ng Kordero! 17 Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na
araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap
nito?”
8 1 Nang alisin ng Kordero ang ikapitong selyo, nagkaroon ng katahimikan sa langit sa loob ng halos kalahating oras. 2 Pagkatapos nito'y nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harapan ng Diyos at binigyan ng trumpeta ang bawat isa sa kanila. 3 Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos. 4 Mula sa kamay ng anghel ay tumaas sa harapan ng Diyos ang usok ng insenso kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos. 5 Pagkatapos, kinuha ng anghel ang sunugan ng insenso, pinuno ito ng apoy mula sa dambana, at inihagis sa lupa. Biglang kumulog, dumagundong, kumidlat at lumindol. 6 At humanda ang pitong anghel na may pitong trumpeta upang hipan ang mga ito. 7 Hinipan ng unang anghel ang kanyang trumpeta at umulan ng batong yelo at apoy na may halong dugo. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa, ang ikatlong bahagi ng mga punongkahoy at lahat ng sariwang damo. 8 Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta at bumagsak sa dagat ang isang parang malaking bundok na nasusunog. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, 9 namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na naroon at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga sasakyang-dagat. 10 Hinipan ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituing nagliliyab na parang sulo, at bumagsak sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal. 11 Ang bituin ay tinatawag na Kapaitan. Pumait ang ikatlong bahagi ng tubig, at maraming tao ang namatay pagkainom nito. 12 Hinipan ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta at napinsala ang ikatlong bahagi ng araw, ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, kaya't nawala ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nagdilim ang ikatlong bahagi ng maghapon, at walang tumanglaw sa ikatlong bahagi ng magdamag. 13 Pagkatapos ay nakita ko ang isang agilang lumilipad sa kalawakan, at narinig ko itong sumisigaw, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim! Talagang kalagim-lagim ang sasapitin ng lahat ng nasa lupa pagtunog ng mga trumpetang hihipan ng tatlo pang anghel!”
Pahayag
Chapter 8:1-13
Ang Pitong Trumpeta

Chapter 9:1-27
Ang Pitong Trumpeta
9 1 Hinipan ng ikalimang anghel ang kanyang trumpeta at nakita kong nahulog sa lupa ang isang bituin; ibinigay rito ang susi sa bukana ng napakalalim na hukay. 2 Binuksan ng bituin ang napakalalim na hukay at may lumabas na makapal na usok, tulad ng usok ng malaking hurno, kaya't nagdilim ang araw at ang himpapawid. 3 Mula sa usok ay may naglabasang mga balang na kumalat sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihang tulad ng sa mga alakdan. 4 Ipinagbilin sa kanila na huwag sirain ang mga damo, punongkahoy o anumang halaman. Ang mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa noo ang maaari nilang saktan. 5 Hindi pinahintulutan ang mga balang na patayin ang mga taong ito, kundi pahirapan lamang sa loob ng limang buwan. Parang kagat ng alakdan ang kirot na dulot ng mga balang na ito. 6 Sa loob ng panahong iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi ito matatagpuan. Nanaisin nila ang kamatayan ngunit lalayuan sila nito. 7 Ang anyo ng mga balang ay tulad sa mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sa kanilang ulo ay may parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha. 8 Parang buhok ng babae ang kanilang buhok at parang ngipin ng leon ang kanilang mga ngipin. 9 Natatakpan ng parang mga baluting bakal ang kanilang dibdib at ang pagaspas ng kanilang pakpak ay parang dagundong ng maraming karwaheng hila ng mga kabayong lulusob sa labanan. 10 Sila ay may mga buntot na may tulis gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan. 11 Ang pinuno nila'y ang anghel na bantay sa napakalalim na hukay. Ang kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon, at sa wikang Griego'y Apolion. 12 Nakaraan na ang unang lagim; dalawa pang lagim ang darating. 13 Hinipan ng ikaanim na anghel ang kanyang trumpeta at nakarinig ako ng tinig mula sa mga sulok ng gintong dambana na nasa harapan ng Diyos. 14 Iniutos nito sa ikaanim na anghel na may trumpeta, “Kalagan mo ang apat na anghel na nakagapos sa tabi ng malaking Ilog Eufrates.” 15 At pinalaya ang apat na anghel upang patayin nila ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan; talagang inihanda sila para sa oras, araw, buwan at taóng ito. 16 Narinig ko na ang bilang ng hukbong nakakabayo ay dalawandaang milyon (200,000,000). 17 Sa aking pangitain ay nakita ko ang mga kabayo, at ang mga dibdib ng mga sakay nito ay may mapulang baluti na gaya ng apoy, asul na gaya ng safiro, at dilaw na parang asupre. Ang mga ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon, at ang kanilang bibig ay bumubuga ng apoy, usok at asupre. 18 Ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan ay pinatay ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok at asupre na nagmula sa bibig ng mga kabayo. 19 Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang kanilang mga buntot ay parang ahas na may ulo, na siyang ginagamit nila sa pananakit ng tao. 20 Ang natira sa sangkatauhan na hindi namatay sa mga salot na ito ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod ni tumigil man sa pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyosang ginawa ng kanilang kamay, mga larawang ginto, pilak, tanso, bato at kahoy, na di nakakakita, nakakarinig o nakakalakad man. 21 Ni hindi rin nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pangkukulam, pakikiapid at pagnanakaw.
Pahayag
Chapter 14:6-20
Ang Tatlong Anghel/ Ang Pagaani
Pitong Angel
14 6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!”
8
Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak
na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa
ng alak ng kanyang kahalayan!”
9
At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw, “Sinumang
sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o
sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na
ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. 11 Ang usok
mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas
magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga
sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng
kanyang pangalan.”
12
Ito'y panawagan na magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga
sumusunod sa mga utos ng Diyos at nananatiling tapat kay Jesus.
13
At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo:
Mula ngayon, pinagpala ang mga namamatay na naglilingkod sa Panginoon!”
At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga silang pinagpala! Magpapahinga na
sila sa kanilang mga pagpapagal; sapagkat sinusundan sila ng kanilang
mga gawa.”
14
Tumingin uli ako, at nakita ko ang isang puting ulap, at nakaupo rito
ang isang kamukha ng anak ng tao, may suot na koronang ginto at may
hawak na isang matalim na karit. 15 Isa pang anghel ang lumabas mula sa
templo at nagsalita nang malakas sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang
iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa
lupa!” 16 Ginamit nga ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas
niya ang anihín sa lupa.
17 At isa pang anghel ang nakita kong lumabas mula sa templo sa langit; may hawak din itong matalim na karit.
18 Lumabas naman mula sa dambana ang isa pang anghel. Siya ang
namamahala sa apoy sa dambana. Sinabi niya sa anghel na may matalim na
karit, “Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa
lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na ang mga ito!” 19 Kaya't
ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa
pisaan ng matinding poot ng Diyos. 20 Pinisa sa labas ng lungsod ang mga
ubas at mula sa pisaan ay bumaha ng dugo. Ang lawak ng baha ay umabot
hanggang tatlong daang (300) kilometro, at limang talampakan ang lalim.
Pahayag
Chapter 15:1-8
Ang Panghuling mga Salot
15 1 Nakita ko rin sa langit ang isa pang kakaiba at kagila-gilalas na palatandaan: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos. 2 May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos. 3 Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa! O Hari ng mga bansa, matuwid at totoo ang iyong mga paraan! 4 Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon? Sino ang hindi magpupuri sa iyong pangalan? Ikaw lamang ang banal! Lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa iyo, sapagkat nakita ng lahat ang matuwid mong mga gawa.” 5 Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan. 6 Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian at may gintong pamigkis sa dibdib. 7 Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman. 8 Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.
Pahayag
Chapter 16:1-21
Ang mga Mangkok na Poot ng Diyos
2
Kaya umalis ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala
niyang mangkok. At nagkaroon ng mahahapdi at nakakapandiring pigsa ang
mga taong may tatak ng halimaw at sumamba sa larawan nito. 3 Ibinuhos ng
ikalawang anghel ang laman ng kanyang mangkok sa dagat. Ang tubig nito
ay naging parang dugo ng patay na tao, at namatay ang lahat ng nilikhang
may buhay na nasa dagat.
4 Ibinuhos naman ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang mangkok sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo rin ang mga ito.
5
At narinig kong sinabi ng anghel na namamahala sa mga tubig, “Ikaw ang
Matuwid, na nabubuhay ngayon at noong una, ang Banal, sapagkat hinatulan
mo ang mga bagay na ito. 6 Ang mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang
ng Diyos at ng mga propeta ay binigyan mo ng dugo upang kanilang inumin.
Iyan ang nararapat sa kanila!”
7
At narinig ko ang isang tinig mula sa dambana na nagsasabi, “Panginoong
Diyos na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga
hatol mo!”
8 At ibinuhos din ng ikaapat na anghel ang laman ng dala niyang mangkok
sa araw. At ito'y binigyan ng kapangyarihang pasuin ang mga tao sa
tindi ng init nito. 9 Napaso nga sila, ngunit sa halip na magsisi at
talikuran ang kanilang mga kasalanan at magpuri sa Diyos, nilapastangan
pa nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihang magpadala ng ganoong
mga salot.
10
Ibinuhos naman ng ikalimang anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa
trono ng halimaw, at nagdilim ang kaharian nito. Napakagat-dila sa
kirot ang mga tao, 11 at sinumpa nila ang Diyos ng langit dahil sa
kanilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at
tumalikod sa masasama nilang gawain.
12
At ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa
malaking Ilog Eufrates. Natuyo ang ilog upang magkaroon ng landas para
sa mga haring mula sa silangan. 13 At nakita kong lumalabas mula sa
bunganga ng dragon, sa bunganga ng halimaw, at sa bunganga ng huwad na
propeta, ang tatlong karumal-dumal na espiritung mukhang palaka. 14 Ang
mga ito'y mga espiritu ng mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan.
Pinuntahan nila ang lahat ng hari sa daigdig upang tipunin para sa
labanan sa dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
15
“Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang
nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad
na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”
16 At ang mga hari ay tinipon ng mga espiritu sa lugar na tinatawag sa wikang Hebreo na Armagedon.
17
Pagkatapos nito, ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng hawak niyang
mangkok sa himpapawid. At may nagsalita nang malakas mula sa tronong
nasa templo, “Naganap na!” 18 Kumidlat, kumulog, at lumindol nang
napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang
tao dito sa lupa. 19 Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lungsod, at
nawasak ang lahat ng lungsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa
parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak
mula sa kopa ng kanyang matinding poot. 20 Umalis ang lahat ng mga pulo
at nawala ang lahat ng mga bundok. 21 Umulan ng malalaking batong yelo
na tumitimbang ng halos limampung (50) kilo bawat isa, at nabagsakan ang
mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa
nakakapangilabot na salot na iyon.
Pahayag
Chapter 21:1-27 22-1-5
Bagong Langit Bagong Lupa
Bagong Jerusalem
21 1 Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila. 4 At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”
5
Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Pagmasdan ninyo, ginagawa
kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo,
sapagkat maaasahan at totoo ang mga salitang ito.” 6 Sinabi rin niya sa
akin, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas.
Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng tubig na walang bayad mula sa
bukal na nagbibigay-buhay. 7 Ito ang makakamtan ng magtatagumpay: ako'y
magiging Diyos niya at siya nama'y magiging anak ko. 8 Subalit para
naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na
bagay, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba
sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi
nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang
kamatayan.”
9
Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na punô ng pitong
huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa
iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero.” 10 Napasailalim ako sa
kapangyarihan ng Espiritu, at ako'y dinala ng anghel sa ibabaw ng isang
napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal na
Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. 11 Nagliliwanag ito
dahil sa kaluwalhatian ng Diyos; kumikislap na parang batong hiyas,
gaya ng jasper, at sinlinaw ng kristal. 12 Ang pader nito'y makapal,
mataas at may labindalawang (12) pinto, at sa bawat pinto ay may isang
anghel. Nakasulat sa mga pinto ang mga pangalan ng labindalawang (12)
lipi ng Israel, isang pangalan bawat pinto. 13 May tatlong pinto ang
bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at
tatlo sa kanluran. 14 Ang pader ng lungsod ay may labindalawang (12)
pundasyon at nakasulat sa mga ito ang mga pangalan ng labindalawang (12)
apostol ng Kordero.
15
Ang anghel na nagsalita sa akin ay may hawak na gintong panukat upang
sukatin ang lungsod, gayundin ang mga pinto at ang pader nito. 16
Parisukat ang ayos ng lungsod, kung ano ang haba, ganoon din ang luwang.
Sinukat ng anghel ang lungsod, at ang lumabas na sukat ng lungsod ay
dalawang libo apatnaraang (2,400) kilometro ang haba at ang luwang,
gayundin ang taas. 17 Sinukat din niya ang pader at animnapu't limang
(65) metro naman ang taas nito, ayon sa panukat na dala ng anghel. 18
Batong jasper ang pader, at ang lungsod ay lantay na gintong kumikinang
na parang kristal. 19 Ang saligan ng pader ay punô ng lahat ng uri ng
mamahaling bato. Jasper ang una, safiro ang ikalawa, kalsedonia ang
ikatlo, esmeralda ang ikaapat, 20 onise ang ikalima, kornalina ang
ikaanim, krisolito ang ikapito, berilo ang ikawalo, topaz ang ikasiyam,
krisopraso ang ikasampu, hasinto ang ikalabing-isa, at amatista ang
ikalabindalawa. 21 Perlas ang labindalawang (12) pinto, bawat pinto ay
yari sa iisang perlas. Purong ginto ang lansangan ng lungsod at
kumikinang na parang kristal.
22
Wala akong nakitang templo sa lungsod sapagkat ang nagsisilbing templo
roon ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero.
23 Hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang
lungsod, sapagkat ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagbibigay ng liwanag
doon at ang Kordero ang siyang ilawan. 24 Sa liwanag nito'y lalakad ang
lahat ng tao, at dadalhin doon ng mga hari sa lupa ang kanilang
kayamanan. 25 Hindi isasara ang mga pinto ng lungsod sa buong maghapon,
at hindi na sasapit doon ang gabi. 26 Dadalhin sa lungsod ang yaman at
dangal ng mga bansa, 27 ngunit hindi makakapasok doon ang anumang bagay
na marumi, ni ang mga gumagawa ng kasuklam-suklam, ni ang mga
sinungaling. Ang mga tao lamang na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng
buhay na iniingatan ng Kordero ang makakapasok sa lungsod.22 1
Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay.
Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng
Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa
magkabilang panig ng ilog ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ito'y
namumunga ng labindalawang (12) uri ng bunga, isang uri sa bawat buwan.
Nakapagpapagaling sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito. 3 Wala roong
makikitang anumang isinumpa ng Diyos. Makikita sa lungsod ang trono ng
Diyos at ng Kordero, at sasambahin siya ng kanyang mga lingkod. 4
Makikita nila ang kanyang mukha, at isusulat sa kanilang noo ang kanyang
pangalan. 5 Doo'y wala nang gabi, kaya't hindi na sila mangangailangan
pa ng mga ilawan o ng liwanag ng araw, sapagkat ang Panginoong Diyos ang
magiging liwanag nila, at maghahari sila magpakailanman.