TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Bumangon at Umasa sa Diyos sa pamamagitan ng
Panginoong Cristo Jesus"
"Ang
tatlong ito'y nanatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig;
ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig." 1Corinto 13:13
"Kayo'y
aalalayan niya hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan
sa Araw ng ating Panginoong Jesu Cristo. Tapat ang Diyos an tumawag sa
inyo upang makipagisa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating
Panginoon," 1Corinto 1:8-9
"Subalit
kailangang kayo'y manatiling tapat at matatag sa inyong pananampalataya
at huwag bayaang mawala ang pagasang dulot ng Mabuting Balita na inyong
narinig. Niloob ng Diyos na akong si Pablo ay maging tagapangaral ng
Mabuting Balitang ito na ipinapahayag sa mga tao." Colosas 1:23
"Idinadalangin
din naming kayo'y patatagin niya sa tulong ng kanyang kapangyarihan
upang masaya ninyong mapagtiisan ang lahat ng bagay." Colosas 1:11
"Kayat
ituwid ninyo ang inyong lupaypay na katawan at tipunin ang nalalabi
pang lakas! Lumakad kayo sa daang matuwid upang hindi kayo tuluyang
mapilay, kundi gumaling ang paang nalinsad." Hebreo 12:12-13
"Gaya
ng sinasabi sa kasulatan: "Siya'y namudmod sa mga dukha; Ang kanyang
kabutihan ay walang hanggan." Ang Bukas palad ninyong pagbibigay ay
magpapatunay sa kanila na matapat ninyong tinatalima ang Mabuting Balita
ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos." 2Corinto 9:9,13
"Sapagkat
kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyong
nakaya; hindi niya hinihintay na magbigay kayo nang hindi ninyo kaya." 2Corinto 8:12
1Corinto
Chapter 13;1-13
Ang Pag-ibig
13 1
Kung ako'y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
datapuwa't wala akong pagibig, ay ako'y naging tanso na tumutunog, o
batingaw na umaalingawngaw. 2 At kung magkaroon ako ng kaloob na
panghuhula, at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga
kaalaman; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya, na ano pa't
mapalipat ko ang mga bundok, datapuwa't wala akong pagibig, ay wala
akong kabuluhan. 3 At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga
tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking
katawan upang sunugin, datapuwa't wala akong pagibig, ay walang
pakikinabangin sa akin.
4
Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pagibig ay hindi
nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. 5
Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi
nayayamot, hindi inaalumana ang masama; 6 Hindi nagagalak sa kalikuan,
kundi nakikigalak sa katotohanan; 7 Lahat ay binabata, lahat ay
pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.
8
Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man: kahit maging mga hula, ay
mangatatapos; maging mga wika, ay titigil: maging kaalaman, ay mawawala.
9 Sapagka't nangakakakilala tayo ng bahagya, at nanganghuhula tayo ng
bahagya; 10 Datapuwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay
matatapos.
11
Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam
akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang
aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. 12 Sapagka't
ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni't pagkatapos
ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'y nakikilala ko ng bahagya, nguni't
pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.
13
Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang
pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang
pagibig.
1Corinto
Chapter 1:4-9
Ang Pagpapala Mula kay Cristo
1
4 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo, dahil sa
biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus; 5
Na kayo ay pinayaman sa kanya, sa lahat ng mga bagay sa lahat ng
pananalita at sa lahat ng kaalaman; 6 Gaya ng pinagtibay sa inyo ang
patotoo ni Cristo: 7 Ano pa't kayo'y hindi nagkulang sa anomang kaloob;
na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo; 8
Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag
kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo. 9 Ang
Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng
kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.
Colosas
Chapter 1:15-23
Ang Kalikasan at Gawain ni Cristo
1
15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng
mga nilalang; 16 Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay,
sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang
mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga
pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa
pamamagitan niya at ukol sa kaniya; 17 At siya'y una sa lahat ng mga
bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. 18 At
siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang
pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay
magkaroon siya ng kadakilaan. 19 Sapagka't minagaling ng Ama na ang
buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; 20 At sa pamamagitan niya ay
pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa
pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko,
maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. 21 At
kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong
pagiisip sa inyong mga gawang masasama. 22 Gayon ma'y pinakipagkasundo
niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan,
upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan
sa harapan niya: 23 Kung tunay na
kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di
makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa
lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay
ginawang ministro.
Hebreo
Chapter 2:12-29
Mga Babala at Tagubilin
12
12 Kaya't itaas ninyo ang mga kamay na nakababa, ang mga tuhod namang
nanginginig; 13 At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga
paa, upang huwag maligaw ang pilay, kundi bagkus gumaling.
14
Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal
na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon: 15 Na
pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka
kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil
dito'y mahawa ang marami; 16 Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid, o
mapaglapastangan, gaya ni Esau, na sa isang pinggang pagkain ay
ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. 17 Sapagka't nalalaman
ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala,
siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng
pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na
lumuluha.
18
Sapagka't hindi kayo nagsilapit sa bundok na nahihipo, at nagliliyab sa
apoy, at sa kapusikitan, at sa kadiliman, at sa unos, 19 At tunog ng
pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay
nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita;
20 Sapagka't hindi matiis ang iniuutos, Kahit ang isang hayop kung
tumungtong sa bundok ay babatuhin; 21 At totoong kakilakilabot ang
napanood, ano pa't sinabi ni Moises, Ako'y totoong nasisindak at
nanginginig:
22
Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na
buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng
mga anghel, 23 Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na
nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng
mga taong ganap na pinasakdal, 24 At kay Jesus na tagapamagitan ng
bagong tipan, at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa
dugo ni Abel.
25
Pagingatan ninyong kayo'y huwag tumanggi sa nagsasalita. Sapagka't kung
hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng
lupa, ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa
nagbabalitang buhat sa langit: 26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig
noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang
yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit. 27 At itong
salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay
na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi
niyanig.
28
Kaya't pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw, ay magkaroon
tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may
paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios: 29
Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw.
2Corinto
Chapter 9:1-15
Tulong sa mga Kapatid
9
1 Sapagka't tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal, ay
kalabisan na sa akin ang isulat ko pa. 2 Sapagka't nakikilala ko ang
inyong sikap, na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga
Macedonia, na ang Acaya ay nahahandang isang taon na; at ang inyong
pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila. 3 Datapuwa't
sinugo ko ang mga kapatid, upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay
huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito; na, ayon sa aking sinabi,
kayo'y mangakapaghanda: 4 Baka sakaling sa anomang paraan kung
magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo'y maratnang
hindi nangahahanda, kami (upang huwag sabihing kayo) ay mangapahiya sa
pagkakatiwalang ito. 5 Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga
kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong
abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy,
at hindi gaya ng sapilitan.
6
Datapuwa't sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang
bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. 7
Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag
mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang
nagbibigay na masaya. 8 At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya
ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa
lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa: 9 Gaya ng nasusulat,
Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay
nananatili magpakailan man.
10
At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na
pinakapagkain, ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang
ihasik, at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran: 11 Yamang
kayo'y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng
kagandahang-loob, na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat
sa Dios. 12 Sapagka't ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi
lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal, kundi naman umaapaw sa
pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios; 13 Palibhasa'y sa
pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati
nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni
Cristo, at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa
lahat; 14 Samantalang sila rin naman, sa panalanging patungkol sa inyo,
ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo. 15
Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi.
2Corinto
Chapter 8:1-24
Paano Dapat Magbigay ang
Isang Cristiano?
8 1
Bukod dito, mga kapatid, ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng
Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia; 2 Kung paanong sa
maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at
ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang
kagandahang-loob. 3 Sapagka't ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako
at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,
4 Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa
pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal: 5 At ito, ay
hindi ayon sa aming inaasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang
sarili sa Panginoon, at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios. 6
Ano pa't namanhik kami kay Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una,
ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito. 7 Datapuwa't yamang
kayo'y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at
pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa
amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.
8
Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, kundi gaya ng sumusubok sa
pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig. 9
Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo,
na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang
sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo.
10
At sa ganito'y ibinibigay ko ang aking pasiya: sapagka't ito'y
nararapat sa inyo, na naunang nangagpasimula na may isang taon na, hindi
lamang sa paggawa, kundi naman sa pagnanais. 11 Datapuwa't ngayo'y
tapusin din naman ninyo ang paggawa; upang kung paanong nagkaroon ng
sikap ng pagnanais, ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa
inyong kaya. 12 Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa
tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.
13 Sapagka't hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at
kayo'y mabigatan; 14 Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay: ang inyong
kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan,
upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong
kailangan; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay. 15 Gaya ng nasusulat,
Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis; at ang nagtipon ng kaunti ay
hindi kinulang.
16
Datapuwa't salamat sa Dios, na naglalagay sa puso ni Tito niyaong
masikap na pagiingat sa inyo. 17 Sapagka't tunay na tinanggap niya ang
aming pamanhik, nguni't palibhasa'y lubha siyang masikap, ay napariyan
sa inyo sa kaniyang sariling kalooban. 18 At sinugo naming kasama niya
ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa lahat ng mga
iglesia; 19 At hindi lamang gayon, kundi siya naman ang inihalal ng mga
iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito, na
pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon, at upang ipamalas
ang aming sikap:
20
Na iniilagan ito, na sinoma'y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na
ito na aming pinangangasiwaan: 21 Sapagka't iniisip namin ang mga bagay
na kapuripuri, hindi lamang sa paningin ng Panginoon, kundi naman sa
paningin ng mga tao.
22
At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid, na aming nasubok na
madalas na masikap sa maraming bagay, datapuwa't ngayon ay lalo nang
masikap, dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo. 23 Kung may
magsiyasat tungkol kay Tito, siya'y aking kasama at kamanggagawa sa
pagpapagal sa inyo; o sa aming mga kapatid, sila'y mga sugo ng mga
iglesia, at kaluwalhatian ni Cristo. 24 Inyo ngang ipakita sa kanila sa
harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig, at ng aming
pagmamapuri dahil sa inyo.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 121:1-8
The Lord My Guardian
121 1
Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling
ang aking saklolo? 2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
na gumawa ng langit at lupa. 3 Hindi niya titiising ang paa mo'y
makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 4 Narito, siyang
nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. 5 Ang Panginoon ay
tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. 6 Hindi
ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. 7 Iingatan ka ng
Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. 8
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa
panahong ito at sa magpakailan pa man.
0 comments:
Post a Comment