TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGPAIRAL NG KAPAYAPAAN
AT HABAG"
"Gayon din naman, sila'y naging masuwayin ngayong kayo'y kinahabagan upang sila'y kahabagan din." Roma 11:31
"Hangga';t
maari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. Mga minamahal huwag
kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat. '
Akin ang paghiiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon." Sa halip,
"Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakanin mo; kung nauuhaw, painumin mo;
sa gayon mapapahiya siya sa kanyang sarili. Huwag kang padaig sa
masama kundi daigin mo ang masama sa pamamagitan ng mabuti." Roma 18-21
"Sapagkat ang Diyos ay hindi nalulugod sa kaguluhan kundi sa kapayapaan." 1Corinto 14:33
"Ang
Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa
ating mag buhay. Huwag tayong maging palalo, palayaway, at
mainggitin." Galacia 5:25-26
"Sa
halip kayo'y maging mabati at maawain sa isa't isa , at magpatawaran,
tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo." Efeso
4:32
"KInakailangang kayo'y magtiis upang masuno ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ang kanyang ipinangako." Hebreo 10:36
Roma
Chapter 11:25-32
Nahahabag ang Diyos sa Lahat
11 25
Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi
maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng
Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng
lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
26
Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat:
“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi
ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na
ang kanilang mga kasalanan.”
28
Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila'y naging
kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa
sila ang mga hinirang ng Diyos, sila'y mahal pa rin niya, alang-alang sa
kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos
tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. 30 Noon, kayong mga Hentil ay
hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon, kayo ay tumanggap ng habag ng
Diyos nang sumuway ang mga Judio. 31 Gayundin naman, dahil sa habag ng
Diyos na inyong naranasan, sinusuway naman ngayon ng mga Judio ang
Diyos, nang sa gayo'y maranasan din nila [ngayon] ang kanyang habag. 32
Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin sa pagsuway ang lahat ng tao
upang maipadama niya sa kanila ang kanyang habag.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
1Corinto
Chapter 14:26-40
Gawing May kaayusan ang Lahat ng Bagay
14
26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon
ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may
nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag
noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. 27
Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang dalawa o
tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang
sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang
bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. 29 Hayaang magsalita
ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na makapagsalita ng
mensahe mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang mga sinasabi nila.
30 At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap ng pahayag mula sa
Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. 31 Sapagkat kayong lahat ay
maaaring isa-isang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, upang matuto at
mapalakas ang loob ng lahat. 32 Ang kaloob na pagsasalita ng mensahe
mula sa Diyos ay dapat napipigil ng mga tumanggap ng kaloob na iyon,
33
sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.
Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos, 34
ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya.
Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang
magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan. 35
Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa
pagdating nila sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang
babae sa loob ng iglesya.
36
Inaakala ba ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang
ang tumanggap nito? 37 Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o
mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat
ko sa inyo ay utos ng Panginoon. 38 Ang ayaw kumilala nito ay huwag din
ninyong kilalanin. 39 Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na
makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong
ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40 Kaya lang, gawin
ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.
Galacia
Chapter 5:16-26
Ang Espritu Santo at Kalikasan ng Tao
5 16
Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo
pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng
laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu
ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya
napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung
pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19
Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot,
pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi
at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang
habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan:
ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng
Diyos.
22
Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na
sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu,
mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag
nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
Efeso
Chapter 4:17-32
Ang Bagong Buhay kay Cristo
4 17
Sa pangalan ng Panginoon, binabalaan ko kayo: huwag na kayong mamuhay
tulad ng mga hindi sumasampalataya. Walang kabuluhan ang kanilang
iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at
katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19
Sila'y naging alipin ng kahalayan at wala na silang kahihiyan. Wala na
silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20
Hindi ganyan ang natutunan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na
ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa
kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang
inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23
Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay
ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa
matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay
magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan.
26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag
ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong
bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang
magnakaw; sa halip, magtrabaho siya nang marangal para sa sariling
ikabubuhay at makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit
ng masasamang salita kundi iyong makapagpapalakas at angkop sa
pagkakataon upang makapagdulot ng mabuti sa mga nakakarinig. 30 At huwag
ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak
ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang
araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit;
huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng
kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa
isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Lumapit Tayo sa Diyos
10
19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong
Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin
ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng
tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang
Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't
lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na
pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang
ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang
mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din
nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa
paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga
pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw
ng Panginoon.
26
Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain pa rin
nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa
ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang naghihintay na lamang sa
atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na
tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan
ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang
pinapatay. 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa
taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa
tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang Espiritu? 30
Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang
magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang
kanyang bayan.”
31
Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy! 32 Alalahanin
ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding
hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33
Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla;
kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na
pinapahirapan nang gayon. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at
hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng ari-arian, sapagkat alam
ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo.
35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat
dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang
kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap
ninyo ang kanyang ipinangako. 37 Sapagkat, “Kaunting panahon na lamang,
hindi na magtatagal, at ang darating ay darating na. 38 Ang matuwid kong
lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit kung
siya'y tatalikod, hindi ko siya kalulugdan.” 39 Ngunit hindi tayo
kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga may
pananampalataya at naliligtas.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 103:1-22
Praise of God Divine Goodness
103 1
Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko
ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 2 Purihin mo ang
Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang
mabubuting gawa. 3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga
kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 4 Na
siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong
sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 5 Na siyang
bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa't ang iyong
kabataan ay nababagong parang agila.
6 Ang
Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na
ukol sa lahat na naaapi. 7 Kaniyang ipinabatid ang kaniyang mga daan
kay Moises, ang kaniyang mga gawa sa mga anak ni Israel. 8 Ang Panginoon
ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana
sa kagandahang-loob. 9 Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya
mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. 10 Siya'y hindi
gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng
ayon sa ating mga kasamaan.
11 Sapagka't
kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang
kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 12 Kung
gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga
pagsalangsang natin sa atin. 13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa
kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot
sa kaniya. 14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang
inaalaala na tayo'y alabok. 15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan
ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay
gayon siya. 16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako
niyaon ay hindi na malalaman. 17 Nguni't ang kagandahang-loob ng
Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa
nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga
anak ng mga anak; 18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa
nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin,
19
Itinatag ng Panginoon ang kaniyang luklukan sa mga langit; at ang
kaniyang kaharian ay nagpupuno sa lahat. 20 Purihin ninyo ang Panginoon,
ninyong mga anghel niya: ninyong makapangyarihan sa kalakasan na
gumaganap ng kaniyang salita, na nakikinig sa tinig ng kaniyang salita.
21 Purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na hukbo niya; ninyong mga
ministro niya, na nagsisigawa ng kaniyang kasayahan. 22 Purihin ninyo
ang Panginoon, ninyong lahat na mga gawa niya, sa lahat na dako na
kaniyang sakop; purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
0 comments:
Post a Comment