THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JUNE 20, 2021
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Tungkulin sa mga Pinuno ng Bayan Roma Chapter 13:1-7
Ang Tapat at Di Tapat na Alipin Lucas Chapter 12:41-48
Magsisi o Mapahamak Lucas Chapter 13:1-6Ang Talinghaga Tugkol sa
Babaging Balo at sa Hukom Lucas Chapter 18L1-8
Babala Laban sa Pagtatangi Santiago Chapter 2:1-13Pamumuhay Cristiano Roma Chapter 12:1-21Gawing May kaayusan ang
Lahat ng Bagay 1Corinto Chapter 14:26-40Ang Panalangin ni Pablo Efeso Chapter 1:15-23
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Pamamahala at
Patas na Hustisya at Karapatan"
"Ang
bawat tao'y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan. Sapakat walang
pamahalaan hindi mula sa Diyos at ang mga pamahalaang umiiral ay
itinatag ng Diyos. Sila'y mga lingkod ng Diyos sa ikakabuti mo. Ngunit
matakot ka kung gumagawa ka ng masama, sapagkat sila'y talagang may
kapangyarihang magparusa." Roma 13:1,4
""Tumugon
ang Panginoon: "Sino nga ang matapat at matalinong alipin? Hindi ba
siya ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang
magbigay sa ibang alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon?
Ngunit kung sabihin sa sarili ng aliping iyon, ' Matatagalan pa bago
magbalik ang aking panginoon, 'at simulan niyang ang ibang mga aliping
lalaki at babae, at kumain at uminom, at maglasing, darating ang
panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na
hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at
isasama sa mga di tapat. At ang nakaaalaam ng kalooban ng kanyang
panginoon ngunit hindi naghanda ni sumunod sa kalooban nito ay tatanggap
ng mabigat na parusa." Lucas 12:42, 45-47
"Ngunit
sinasabi ko sa imuo: kapag hindi nimyo pinagsisihan at tinalikdan ang
inyong ,mga kasalnan, mapapahamak din kayong lahat." Lucas 13:5
"Winika ng Panginoon, "Narinig ninyo ang sinabi ng
masamang hukom . Hindi niya ipinagkait ng Diyos ang katarungan sa
kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi, baganat tila
nagtatagal yaon." Lucas 18:6
"Walang habag na hahatulan ng Diyos ang
di marunong mahabag; ngunit ang mahabagi'y walang dapat ikatakot sa oras
ng paghatol." Santiago 2:13
"Huwag
kayong gumanti ng masama sa masama. Sikapin ninyong mamuhay ng
marangal sa paningin ng lahat, Hanggat maari makisama kayong mabuti sa
lahat ng tao." Roma 12:17-18
"Sapagkat ang Diyos ay di nalulugod sa kaguluhan kundi sa kapayapaan." 1Corinto 14:33
"Kayat
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari,
kapamhalaan, kapangyarihan, at pamunuan. HIngi ang kanyang pangalan
kaysa sa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi sa
darating." Efeso 1:21
Roma
Chapter 13:1-7
Tungkulin sa mga Pinuno ng Bayan
13 1
Ang bawat tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat
walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga
pamahalaang umiiral. 2 Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay
lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at sila'y nararapat sa parusa. 3 Ang
mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga
gumagawa lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa
mga namumuno, gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4 Sila'y mga
lingkod ng Diyos para sa ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng
masama, dapat kang matakot dahil sila'y may kapangyarihang magparusa.
Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. 5
Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang hindi kayo
maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6
Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga
pinuno ng pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang
tungkulin. 7 Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad
kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan;
igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan.
Lucas
Chapter 12:41-48
Ang Tapat at Di Tapat na Alipin
12
41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang
talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” 42 Sumagot ang
Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang
katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang
magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? 43
Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng
kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang
panginoon sa lahat ng ari-arian nito. 45 Ngunit kung sasabihin ng
aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking
panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae,
at siya'y kakain, iinom at maglalasing, 46 darating ang kanyang
panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam.
Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga
suwail.
47
“Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit
nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang
mabigat. 48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang
panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan
lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng
marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin
ng lalong marami.”
Lucas
Chapter 13:1-6
Magsisi o Mapahamak
13
1 Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni
Pilato ang ilang mga taga-Galilea habang ang mga ito'y naghahandog sa
Diyos. 2 Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, dahil sa sinapit nilang
iyon, higit silang masama kaysa sa ibang mga taga-Galilea? 3 Hindi!
Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong
mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila. 4 At ang
labing-walong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba
ninyo'y higit silang makasalanan kaysa sa ibang naninirahan sa
Jerusalem? 5 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't
talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila.”
Lucas
Chapter 18L1-8
Ang Talinghaga Tugkol sa
Babaging Balo at sa Hukom
18
1 Isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na
dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa. 2 Sinabi
niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at
walang iginagalang na tao. 3 Sa lungsod ding iyon ay may isang biyuda.
Lagi siyang pumupunta sa hukom at sinasabi, ‘Bigyan po ninyo ako ng
katarungan sa aking usapin.’ 4 Tinanggihan siya ng hukom sa loob ng
mahabang panahon, ngunit nang magtagal ay sinabi ng hukom sa sarili,
‘Kahit ako'y walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao, 5
ibibigay ko na ang katarungang hinihingi ng biyudang ito, sapagkat lagi
niya akong ginagambala at baka mainis pa ako sa kapupunta niya rito.’” 6
At nagpatuloy ang Panginoon, “Pakinggan ninyo ang sabi ng masamang
hukom na iyon. 7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa
kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y
paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang
ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao,
may daratnan pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”
Santiago
Chapter 2:1-13
Babala Laban sa Pagtatangi
2
1 Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo na ating
maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa
lahat ng tao. 2 Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking
may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon
ang isang dukha na gusgusin ang damit, 3 at inasikaso ninyong mabuti
ang nakadamit ng magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi
naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya'y, “Sa sahig
ka na lang umupo,” 4 nagtatangi na kayo at humahatol nang mali. 5 Mga
kapatid kong minamahal, makinig kayong mabuti! Hindi ba't pinili ng
Diyos ang mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa
pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga
umiibig sa kanya? 6 Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba't ang
mayayaman ang umaapi sa inyo at sila ang kumakaladkad sa inyo sa
hukuman? 7 Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang
ibinigay sa inyo ng Diyos?
8
Mabuti ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos ng Diyos na
ating hari, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng
pag-ibig mo sa iyong sarili.” 9 Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao,
kayo'y nagkakasala, at batay sa Kautusan, dapat kayong parusahan. 10 Ang
lumalabag sa isang utos, kahit tumutupad sa iba pa, ay lumalabag sa
buong Kautusan, 11 sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang
mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi
ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin
ang Kautusan. 12 Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pagkilos at pananalita,
sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpapalaya sa inyo. 13
Walang awang hahatulan ang di-marunong maawa; ngunit mangingibabaw ang
awa sa paghatol.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3 Dahil sa
kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo,
huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa
halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa
sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba
ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo
tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't
isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng
Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating
kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa
sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob,
maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8
Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung
pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung
pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang
inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14 Idalangin
ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15
Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16
Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay
makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na kayo'y
napakarunong.
17 Huwag
ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang
marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo
ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman
19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa
galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
1Corinto
Chapter 14:26-40
Gawing May kaayusan ang
Lahat ng Bagay
14
26 Ganito ang ibig kong sabihin, mga kapatid. Kung sa inyong pagtitipon
ay may umaawit, may nagtuturo, may naghahayag ng kalooban ng Diyos, may
nagsasalita sa iba't ibang mga wika, at mayroon namang nagpapaliwanag
noon, gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. 27
Kung may magsasalita sa iba't ibang mga wika, sapat na ang dalawa o
tatlo, salit-salitan sila, at kailangang may magpapaliwanag ng kanilang
sinasabi. 28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang
bawat isa at makipag-usap nang sarilinan sa Diyos. 29 Hayaang magsalita
ang dalawa o tatlong tao na tumanggap ng kaloob na makapagsalita ng
mensahe mula sa Diyos, at timbangin naman ng iba ang mga sinasabi nila.
30 At kung ang isa sa mga nakaupo roon ay tumanggap ng pahayag mula sa
Diyos, tumigil muna ang nagsasalita. 31 Sapagkat kayong lahat ay
maaaring isa-isang magsalita ng mensahe mula sa Diyos, upang matuto at
mapalakas ang loob ng lahat. 32 Ang kaloob na pagsasalita ng mensahe
mula sa Diyos ay dapat napipigil ng mga tumanggap ng kaloob na iyon,
33
sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.
Gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos, 34
ang mga babae ay kailangang manahimik sa mga pagtitipon sa iglesya.
Sapagkat hindi ipinapahintulot sa kanila sa ganoong mga pagtitipon ang
magsalita; kailangang sila'y pasakop, gaya ng sinasabi ng Kautusan. 35
Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kanilang asawa
pagdating nila sa bahay; sapagkat kahiya-hiyang magsalita ang isang
babae sa loob ng iglesya.
36
Inaakala ba ninyong sa inyo nagmula ang salita ng Diyos, o kayo lamang
ang tumanggap nito? 37 Kung inaakala ninuman na siya'y propeta, o
mayroong espirituwal na kaloob, dapat niyang kilalanin na ang isinusulat
ko sa inyo ay utos ng Panginoon. 38 Ang ayaw kumilala nito ay huwag din
ninyong kilalanin. 39 Kaya, mga kapatid ko, hangarín ninyo na
makapagsalita ng mensahe mula sa Diyos, ngunit huwag naman ninyong
ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40 Kaya lang, gawin
ninyo ang lahat ng bagay sa wasto at maayos na paraan.
Efeso
Chapter 1:15-23
Ang Panalangin ni Pablo
1 15
Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa
Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal,
16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko
nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo
ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos
ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso
upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung
gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal,
19 at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin
na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang
muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa
kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila
ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi
maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat
ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na
siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng
bagay.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 59:1-10
Complaints Against Blood
Thisty Enemies
59 1
Iligtas mo ako sa aking mga kaaway, Oh Dios ko: ilagay mo ako sa mataas
sa kanila na nagsisibangon laban sa akin. 2 Iligtas mo ako sa mga
manggagawa ng kasamaan, at iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao. 3
Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa; ang mga
makapangyarihan ay nagpipisan laban sa akin: hindi dahil sa aking
pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon. 4 Sila'y
nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala: ikaw ay gumising na
tulungan mo ako, at masdan mo. 5 Sa makatuwid baga'y ikaw, Oh Panginoong
Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel, ikaw ay bumangon upang iyong
dalawin ang lahat ng mga bansa: huwag kang maawa sa kanino mang masamang
mananalangsang. (Selah) 6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, sila'y
nagsitahol na parang aso, at nililigid ang bayan. 7 Narito, sila'y
nanunungayaw ng kanilang bibig; mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
sapagka't sino, sabi nila, ang nakikinig? 8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon,
tatawa sa kanila; iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa. 9 Dahil sa
kaniyang kalakasan, didinggin kita; sapagka't ang Dios ay aking matayog
na moog. 10 Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay
sasalubong sa akin: ipakikita ng Dios sa akin ang aking nasa sa aking
mga kaaway.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
-------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
0 comments:
Post a Comment