THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 25, 2021
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Walang Matuwid Roma Chapter 3:9-20
Napagtagumpayan ko ang Sanlibutan Juan Chapter 16:25-33
Nanalangin si Jesus sa kanyang
mga Alagad Juan Chapter 17:1-26
Ang Kaligtasan ay para sa Lahat Roma Chapter 10:5-21 Ang Dati at Bagong Buhay Colosas Chapter 3:5-17
Mag-ibigan Tayo 1Juan Chapter 3:11-18
Lumapit Tayo sa Diyos Hebreo Chapter 10:19-39
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
MESSAGE OF GOD
"Pagkakaisa sa Pagpapalaya
sa Pagkakasala o Evilness"
"Ayon
sa nasusulat: Walang matuwid, kahit isa; Matulin ang kanilang paa sa
pagbububo ng dugo. Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan.
Hindi nila alalm ang daan sa kapayapaa." Ang Pagkatakot sa Diyos ay
walang pitak sa kanilang puso." Roma 3:10,15-18
"Sinasabi
ko ito sa inyo upang kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa pakikipagisa sa
akin. Mayroon kayong kapighatian dito sa sanlibutan;' ngunit lakasan
ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan"
Juan 16:33
"Maging
isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y
nasa iyo, gayon din naman maging isa sila sa atin, upang maniwala ang
sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin." Juan 17:21
"Sinasabi sa kasulatan hindi mabibigo ang sinumang nananalig sa kanya."
Roma 10:11
"At
higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ganap na
pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni
Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi
ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi." Colosas 3:14-15
"Dito
natin makikilala ang tunay na pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang
buhay dahil sa atin. Dapat din nating ialay ang ating buhay dahil sa
mga kapatid." Mga anak, huwag kayong umibig sa pamamagitan ng salita o
wika lamang. Ipakita natin ang tunay na pagibig sa pamamagitan ng
gawa."1Juan 3:16,18
"Kinakailangang kayo'y nagtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap nag kanyang ipinangako." Hebreo 10:36
Roma
Chapter 3:9-20
Walang Matuwid
3
9 Ano ngayon? Ang kalagayan ba nating mga Judio ay mas mabuti kaysa sa
mga Hentil? Hindi! Tulad nga ng aming napatunayan na ang lahat ng tao ay
nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, maging Judio o Hentil man. 10 Ayon sa nasusulat, “Walang matuwid, wala kahit isa.
11
Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. 12 Ang lahat ay lumihis
ng landas at nagpakasama. Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
13 “Parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y
pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.” 14 “Punô ng
pagmumura at masasakit na salita ang kanilang bibig.” 15 “Wala silang
atubili sa pagpatay ng kapwa. 16 Parang dinaanan ng salot ang kanilang
madaanan, 17 hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.” 18 “Hindi sila
marunong matakot sa Diyos.”
19
Alam natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasasakop
nito upang walang maidahilan ang sinuman, at dahil dito'y mananagot ang
lahat sa Diyos. 20 Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos
sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng
Kautusan ay ang ipaalam sa tao na siya'y nagkasala.
Juan
Chapter 16:25-33
Napagtagumpayan ko ang Sanlibutan
16 25
“Ang mga ito'y sinabi ko sa inyo nang patalinghaga. Subalit darating
ang panahong hindi na ako magsasalita sa inyo sa ganitong paraan;
tuwiran ko nang sasabihin sa inyo ang tungkol sa Ama. 26 Sa araw na iyon
ay hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan, at hindi ko sinasabing ako
mismo ang hihiling sa Ama para sa inyo. 27 Mahal kayo ng Ama sapagkat
ako'y minahal ninyo at naniwala kayo na ako'y nagmula sa Diyos. 28 Ako
nga'y nanggaling sa Ama at naparito sa sanlibutan; ngayo'y aalis na ako
sa sanlibutan at babalik na sa Ama.” 29 Sinabi ng kanyang mga alagad,
“Ngayon po'y tuwiran na ang inyong pangungusap sa amin at hindi na
patalinghaga! 30 Ngayon alam na po naming alam ninyo ang lahat ng bagay,
at hindi na kailangang tanungin pa kayo ninuman. Dahil dito, naniniwala
po kami na kayo'y mula sa Diyos.” 31 Sumagot si Jesus, “Talaga bang
naniniwala na kayo? 32 Darating ang oras, at ngayon na nga, na
magkakawatak-watak kayo. Magkakanya-kanya kayo ng lakad, at iiwan ninyo
ako. Gayunma'y hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. 33 Sinabi
ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo
ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit
tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!”
Juan
Chapter 17:1-26
Nanalangin si Jesus sa kanyang
mga Alagad
17
1 Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang
sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang
luwalhatiin ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa
lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng
ibinigay mo sa kanya. 3 At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala
ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4
Inihayag ko dito sa lupa ang iyong kaluwalhatian; natapos ko na ang
ipinapagawa mo sa akin. 5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon sa
iyong harapan ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain
ang sanlibutan.
6
“Ipinahayag ko na kung sino ka sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa
sanlibutan. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang
iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula
sa iyo; 8 dahil ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa
akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang ako'y tunay na galing sa iyo,
at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.
9
“Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko,
kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang
lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at
naluluwalhati ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako'y papunta na sa
iyo; iniiwan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan
pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong
ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 12 Habang kasama
nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong
pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at
walang napahamak sa kanila, maliban sa taong tiyak na mapapahamak, upang
matupad ang kasulatan. 13 Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at
sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng
aking kagalakan. 14 Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at
kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan,
tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalanging kunin mo
sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! 16 Hindi sila
taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. 17 Ibukod mo
sila para sa iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang
katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin
naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan. 19 At alang-alang sa kanila'y
itinalaga ko ang aking sarili para sa iyo, upang maitalaga rin sila sa
katotohanan.
20 “Hindi
lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin
dahil sa kanilang pahayag. 21 Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung
paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa
nawa sila sa atin upang ang sanlibutan ay maniwala na ikaw ang nagsugo
sa akin. 22 Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa
akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa: 23 ako'y
nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa.
Dahil dito, malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at sila'y
minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin. 24 “Ama, sila na
ibinigay mo sa akin ay nais kong makasama sa kinaroroonan ko upang
mapagmasdan nila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, sapagkat
minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig. 25 Makatarungang Ama,
hindi ka kilala ng sanlibutan, ngunit kilala kita, at alam rin ng mga
ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinahayag ko na sa
kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang
pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa
kanila.”
Roma
Chapter 10:5-21
Ang Kaligtasan ay para sa Lahat
10
1 Mga kapatid, ang pinakananais ng puso ko at idinadalangin ko sa Diyos
ay ang maligtas ang Israel. 2 Sapagkat saksi ako na sila'y masigasig na
maging kalugud-lugod sa Diyos. Hindi nga lamang batay sa tamang
kaalaman. 3 Dahil hindi nila kinilala ang pamamaraan ng Diyos upang
gawing matuwid ang tao, at nagsikap silang gumawa ng sarili nilang
pamamaraan; hindi sila nagpasakop sa pamamaraang itinakda ng Diyos. 4
Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang ituring na matuwid
ng Diyos ang sinumang sumasampalataya sa kanya. 5 Ganito ang isinulat ni
Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa
Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit ganito naman ang sinasabi
tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong
sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” upang pababain si
Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’”
upang muling buhayin si Cristo.
8
Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong
bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang
ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya.
9
Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso
kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10
Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa
gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa
pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng
kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.”
12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa
ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng
tumatawag sa kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang
lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”
14
Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya?
Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa
kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila?
15 At paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad
ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala
ng Magandang Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang
Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa
aming ibinalita?” 17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig,
at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y
nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang
tinig, ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.”
19
Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel?
Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man
lamang isang bansa upang kayo'y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang
hangal upang kayo'y galitin.”
20
Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi
naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa
akin.” 21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong
maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3 5
Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid,
karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang
kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito,
tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya]. 7
Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay
pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12 Kaya
nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa
kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon,
at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may hinanakit
kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng
Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama.
1Juan
Chapter 3:11-18
Mag-ibigan Tayo
3
11 Ito ang mensaheng narinig na ninyo sa simula pa: magmahalan tayo. 12
Huwag tayong tumulad kay Cain na kampon ng diyablo. Pinaslang niya ang
kanyang kapatid. Bakit? Sapagkat masama ang kanyang mga gawa, ngunit
matuwid ang mga gawa ng kanyang kapatid. 13 Kaya, mga kapatid, huwag
kayong magtaka kung kinapopootan kayo ng sanlibutan. 14 Nalalaman nating
lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang
mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. 15
Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid, at nalalaman ninyong ang
buhay na walang hanggan ay wala sa mamamatay-tao. 16 Dito natin
nalalaman ang pag-ibig: inialay ni Cristo ang kanyang buhay para sa
atin. Kaya't dapat din nating ialay ang ating buhay para sa mga kapatid.
17 Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na
nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y
umiibig sa Diyos? 18 Mga anak, huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng
salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.
Hebreo
Chapter 10:19-39
Lumapit Tayo sa Diyos
10
19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong
Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin
ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng
tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang
Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't
lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na
pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang
ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang
mag-alinlangan pa, sapagkat tapat ang nangako sa atin. 24 Sikapin din
nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa
paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga
pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw
ng Panginoon.
0 comments:
Post a Comment