TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
Ang Kapanganakan ng
Panginoong Cristo Jesus
"Manganganak
siya ng isang lalaki; at ito'y panganganlan mong Jesus, sapagkat suya
ang magliligtas ng kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan." Nangyari
ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng
propeta: "Maglilhi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki At
tatawain itong Emmanuel" (ang kahuluga'y "Kasama natin ang Diyos")" Mateo 1:21-23
"Paglapit
ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, kanyang binati ito. "Matuwa ka!
Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos," wika niy. "Sumainyo ang Panginoon!"
Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti
kung ano ang kahulungan niyon. Kaya't sinabi sa kanya ng anghel ,"Huwag
kang matakot, Maria, sapagkat kinalugdan ka ng Diyos. Makinig ka ikaw
ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya'y panganganlan mong
Jesus." Lucas 1:28-31
"Mula
sa Nazareth, Galilea, si Jose'y pumunta sa Betlehem, Judea , bayang
sinilangan ni Haring David, sapagkat siya ay mula sa angkan at lahi ni
David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang
magiging asawa na noo'y kagampan. Samantalang naroon sila, dumating ang
oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at
ito;y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang
sabsaban. sapagkat wala nang lugar para sa bahay panuluyan." Lucas 2:14-6
"ngunit sinabi sa kanila ng anghel, "Huag kayong matakot! Ako'y may
dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan
sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong
Tagapagligtas. ang Cristong Panginoon. Ito ang palatandaan;
matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga
sa sabsaban." Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo
ng kaalngitan, na nagpupuri sa Diyos: "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, At
sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!" Lucas 2:10:14
"Gayon
na lamang ang galak ng mga pantas ng makita nila ang tala Pagpasok sa
bahay, nakita nila ang sanggol sa piling ni Maria na kanyang ina;
nagpatirapa sila at siya'y sinamba. Binuksan nila ang kanilang mga
sisidlan at hinandugan siya ng ginto at kamanyang at mira."
Mateo 2:10-11
"Nawa'y
manahan si Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa
kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay
maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang kung gaano kadakila ang pag-ibig
ni Cristo. At nawa'y makilala ninyo ang di-matingkalang pag-ibig ng
ito, upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos." Efeso 3:17
Mateo
Chapter 1:18-25
Ang Pagkapanganak kay
Jesu-Cristo
1 18 Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim. 20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, 23 “Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel” (ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”). 24 Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.
Lucas
Chapter 1:26-34
Ipinahayag ang Panganganak
kay Jesus
1 26 Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elizabeth, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang bayan sa Galilea, upang kausapin ang 27 isang dalaga na ang pangala'y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni David. 28 Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!” 29 Naguluhan si Maria sa sinabi ng angel at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pagbati. 30 Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos. 31 Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus. 32 Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang 33 maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay walang katapusan.”
34 “Paano pong mangyayari ito gayong ako'y isang birhen?” tanong ni Maria. 35 Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos. 36 Hindi ba't ang kamag-anak mong si Elizabeth ay baog? Gayunma'y naglihi siya at ngayo'y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalang-tao kahit na siya'y matanda na, 37 sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” 38 Sumagot si Maria, “Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” Pagkatapos, umalis na ang anghel.
Lucas
Chapter 2:1-7
Isinilang si Jesus
2 1 Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. 2 Ang unang sensus na ito ay ginawa noong si Cirenio ang gobernador ng Siria. 3 Kaya't umuwi ang mga tao sa sarili nilang bayan upang magpatala.
4 Mula sa Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa Judea, sa Bethlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya'y mula sa angkan ni David. 5 Kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria na kanyang magiging asawa, na noon ay nagdadalang-tao. 6 Habang sila'y nasa Bethlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria. 7 Isinilang niya ang kanyang panganay, na isang lalaki. Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan.
LucasChapter 2:8-20
Ang mga Pastol at mga
Anghel
8 Doon ay may mga pastol na nasa parang at nagbabantay ng kanilang mga tupa nang gabing iyon. 9 At tumayo sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa kapaligiran nila ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ganoon na lamang ang kanilang pagkatakot. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit, 14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”
15 Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” 16 Nagmamadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at naroon ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. 17 Nang makita ng mga pastol ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol dito. 18 Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. 19 Tinandaan ni Maria ang mga bagay na ito, at ito'y kanyang pinagbulay-bulayan. 20 Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita, ayon sa sinabi sa kanila ng anghel. 21
Efeso
Chapter 14-20
Ang Pag-ibig ni Cristo
3 14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos.
20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21 sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.
0 comments:
Post a Comment