TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
UNITY OF RELIGION
IN FAIR JUSTICE
"Huwag kayong humatol ayn sa anyo; humatol kayo ng matuwid." Juan 7:10-24
"Hindi
maikakaila ang mga gawa ng laman: pangangalunya, karima-rimarim na
pamumuhay, kahalayan, pagsamba sa diyus diyusan, pangkukulam, pagkapoot,
pagkagalit, paninibugho, kasakiman, pagkakabaha-bahagi,
pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing walang taros na pagsasaya, at
iba pang tulad nito. Binabalaan ko kayo tylad nuong una: hindi
tatanggapin sa kaharian ng Diyos ang gumagawa ng gayong bagay." Galacia 5:19-21
"Yamang
kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos tularan ninyo siya. Mamuhay
kayong puspos ng pag--ibig tulad ni Cristo; dahil sa pag-ibig sa atin,
inihandog niy ang kanyang buhay, bilang mahalimuyak na hain sa diyos." Efeso 5:1-2
"Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang inyong sarili." Filipos 2:4
sapagkat
ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa
ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang laht ng bagay nang walang tutol
at pagtatalo, upang kayo'y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at
walang kapintasan sa gitna ng mga taong liko at masasama. Sa gayon,
kayo'y magsisilbing ilaw sa kanila, tulad ng talang nagniningning sa
kalangitan. Fillipos 2:13-15
"Magpaumanhinan
kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa't isa Pinatawad
kayo ng Panginoon kaya't magpatawad din kayo. Higit sa lahat, mg-ibigan
kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa." Colosas 3:12-13
"Ngunit
ang may karunungan mula sa Diyos, una sa lahat ay may malinis na
pamumuhay. Siya'y maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay,
mahabagin, at masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi
nagpapakunwari. At ag binhin ng kapayapaan na inihahasik ng taong
maibigain sa kapayapaan ay namumunga ng katuwiran."
Santiago 3:13-18
Juan
Chapter 7:10-24
Pumunta sa si Jesus sa
pista ng Tolda
7 10 Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista. 11 Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?” tanong nila. 12 Pabulong na pinag-uusapan siya ng marami. “Siya'y mabuting tao,” sabi ng ilan. “Hindi, inililigaw niya ang mga tao,” sabi naman ng iba. 13 Ngunit walang nangahas magsalita nang hayagan tungkol sa kanya dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio.
14 Nang kalagitnaan na ng pista, pumasok si Jesus sa Templo at nagturo. 15 Nagtaka ang mga Judio at naitanong nila, “Saan kaya nakakuha ng karunungan ang taong ito gayong hindi naman siya nakapag-aral?” 16 Kaya't sinabi ni Jesus, “Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin. 17 Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin. 18 Ang nagtuturo ng galing sa sarili niya ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi nagsisinungaling. 19 Hindi ba't ibinigay sa inyo ni Moises ang Kautusan? Bakit wala ni isa man sa inyo ang tumutupad nito? Bakit nais ninyo akong patayin?” 20 Sumagot ang mga tao, “Sinasapian ka ng demonyo! Sino ba ang gustong pumatay sa iyo?” 21 Sumagot si Jesus, “Isang bagay pa lamang ang ginawa ko'y nagtataka na kayong lahat. 22 Ibinigay sa inyo ni Moises ang utos tungkol sa pagtutuli bagaman hindi ito nagmula sa kanya kundi sa inyong mga ninuno, at ginagawa ninyo ito kahit Araw ng Pamamahinga. 23 Kung tinutuli ang isang sanggol na lalaki kahit Araw ng Pamamahinga para masunod ang utos ni Moises, bakit kayo nagagalit sa akin dahil nagpagaling ako ng isang tao sa Araw ng Pamamahinga? 24 Huwag kayong humatol batay sa anyo, kundi humatol kayo batay sa matuwid na pamantayan.”
Galacia
Chapter 5:14-26
Ang Espiritu Santo at
Kalikasan ng Tao
5 16 Sinasabi ko sa inyo, mamuhay kayo ayon sa Espiritu at hindi ninyo pagbibigyan ang mga pagnanasa ng laman. 17 Sapagkat ang mga pagnanasa ng laman ay laban sa kagustuhan ng Espiritu, at ang kagustuhan ng Espiritu ay laban sa mga pagnanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito kaya napipigilan kayo sa paggawa ng nais ninyong gawin. 18 Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19 Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, [pagpatay] paglalasing, walang habas na pagsasaya, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ganito. 24 At ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang laman at ang masasamang hilig nito. 25 Kung binigyan tayo ng buhay ng Espiritu, mamuhay rin tayo ayon sa Espiritu. 26 Huwag tayong maging palalo, huwag nating galitin ang isa't isa, at huwag rin tayong mainggit sa isa't isa.
Efeso
Chapter 5:1-20
Mamuhay bilang mga
Taong Na;iwanagan
5 1 Kayo nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal; 2 At magsilakad kayo sa pagibig, gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3 Nguni't ang pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal; 4 O ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat. 5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway. 7 Huwag kayong makibahagi sa kanila; 8 Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: 9 (Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan), 10 Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon; 11 At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; 12 Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. 13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan. 14 Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong; 16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama. 17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18 At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu; 19 Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; 20 Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;
0 comments:
Post a Comment