"HAPPINESS IN SPIRITUAL LIFE
FAITH IN GOD THRU JESUS CHRIST"
"Magalak
kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko magalak kayo. Ipadama ninyo sa
lahat ang inyong kagandahang loob. Malapit namg dumating ang
Panginoon."Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay
hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagaitn ng
panalnging may pasasalamat." Filipos 4:4-5
"Magalak
kayong lagi; maging matiyaga sa pananalangin. Ipagpasalamat ninyo sa
pangalan ni Cristo Jesus ang lahat ng pangyayari , sapagkat yaon ang
ibig ng Diyos." 1Tesalonica 5:16
"Aliwin
nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos at Ama na
umibig sa atin at sa kanyang habag ay nagbigay sa atin ng walang
pagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. Bigyan nawa kayo ng
matatag na kalooban upang maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti." 2Tesalonica 2:16-17
"Sapagkat
kayo'y sumasampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos
samantalang hinihintay inyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa
katapusan ng mga panahon. Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagama't
maaring magdanas muna kayo ng ibat ibang pagsubok sa loob ng maikling
panahon."Pedro 1:5-6
"Hindi
na kayo kailangang magtanong sa akin sa araw na iyon. Tandaan ninyo:
anumang hingin ninyo sa Ama sa aing pangalan ay ibibigay niya sa inyo.
Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihingi sa kanya sa panalgan ko;
humingi kayo, at kayoyo'y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan." Juan 16:23-24
"Bilang mga anak, sundin ninyo ang Diyos at huwag ang masasamang hilig
tulad ng ginagawa ninyo noong kayo'y wala pang tunay na pagkaunawa." 1Pedro 1:14
Filipos
Chatper 4:1-9
Magalak kayo sa Panginoon
4 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!
5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
1Tesalonica
Chapter 5:12-28
Pangwakas na Tagubilin at Pagbati
5 12 Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.
14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
19 Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag ninyong baleiwalain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at panghawakan ang mabuti. 22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito. 25 Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami. 26 Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang mga minamahal na kapatid kay Cristo. 27 Inaatasan ko kayo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid. 28 Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
0 comments:
Post a Comment