"MAG-HANAPBUHAY"
"Pinigyan
niya ng salapi ang bawa't isa ayon sa kanya-kanyang kakayanan: Binigyan
niya ang isa ng P5,000, ang isa namay P2,000, at isa pa'y P1,000".
Pagkatapos ay umalis. lumapit ang tumanggap ng P5,000. Wika niya,
'Panginoon, heto po ang P5,000 na bigay ninyo sa akin. Heto po ang
P5,000 na tinubo ko, 'Magaling! Tapat at mabuting alipin! Ymang tapat ka
sa sa kaunting halaga, pamamahalain kita sa malaking halaga. At
lumaptit naman ang tumanggap ng P1,000. ' alam ko pong kayo'y mahigpit,
'aniya; 'gumapas kayo sa hindi ninyo tinamnan, at nagani sa hindi ninyo
hinsikan. Natakot po ako, kaya't itinago ko sa lupa ang inyong salapi.
"Masama
at tamad na alipin! tugon ng kanyang panginoon. 'Alam mo palang
gumagapas ak osa hindi ko tinamnan at nagaani sa hindi ko hinasikan!
Bakit hindi mo inilagak iyan sa bangko, di sana'y mayroon akong nakuhang
tubo ngayon? kunin nin yo sa kanya ang P1,000 at ibigay sa may
P10,000. Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang
wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. " Mateo 25:15-29
"alam
naman ninyo na dapat ninyong tularan ang aming ginawa. Hindi kami
nahihiyang magtrabaho nang kami'y naririyan pa. Hindi kami tumatanggap
ng anumang bagay kaninuman nang hindi namin binabayaran. Nagpagal kami
araw at gabi upang hindi maging pasanin ng sinuman sa inyo. Binaggit
namin ito sapagka't nabalitaan naming may ilan sa inyo na namumuhay sa
katamaran at walang inatupag kundi panghihimasok sa buhay ng may buhay.
Sa pangalan ng Panginoong Jesu Cristo, mahigpit naming
ipinagtattgubilin sa mga taong ito na sila'y maghanapbuhay at mamuhay ng
maayos. "
2Tesalonica 3:7-8, 11-12
"Pagsikapan
ninyong mamuhay ng tahimik. Ang inyong harapin ay ang sarili ninyong
gawain. Magpagal kayo para sa inyong ikabubuhay tulad ng sinabi namin
sa inyo." 1Tesalonica 4:11
"Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang inyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Cristo." Filipos 2:4-5
"Sumisigaw
laban sa inyo ang upa na hindi ninyo ibinigay sa mga gumagapas sa
inyong bukirin. Umabot sa langit, sa pandinig ng Panginoong
Makapangyarihan sa lahat, ang mga hinaing ng mga mangaanoi na inyong
inapi! Santiago 5:4 "
"Ang
nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag
ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sapagkat
ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa
paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at
nasadlak sa paghihirap ng kalooban.""
1Timoteo 6:9
Mateo
Chapter 25:14-30
Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping
Pinagkakatiwalaan ng Salapi
25 14 “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya't tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian. 15 Binigyan niya ng salaping ginto ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis. 16 Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto. 17 Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto. 18 Ngunit ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.
19 “Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at sila'y pinag-ulat. 20 Lumapit ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Panginoon, ito po ang limanlibong salaping ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping ginto na tinubo nito.’ 21 “Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’ 22 “Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto at ang sabi, ‘Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.’ 23 “Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya't pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!’ 24 “Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. 25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.’ 26 “Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik, 27 bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano'y may tinubo sana ito! 28 Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. 29 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa 30 Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”
0 comments:
Post a Comment