TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
Manalig upang pagkalooban
ng kababalaghan at pagpapala
"At
anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang
maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang
hiliongin nyo sa pangalan ko." Juan 14:13-14
Sumagot
si Jesus, "Manalig kayo sa Diyos. Tandaaan ninyo ito: Kung sabihin
ninuman sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan; tumaloin ka sa dagat,' na
hindi siya nagaalinlangan, kundi nananalig na mangyari ang sinabi niya.
ito'y gagawin ng Diyos para sa Kanya. Kayat sinasabi ko sa inyo,
anuman ang hilingin ninyo sa pananalangin, manalig kayong natanggap na
ninyo ito. Kapag kayo'y mananalangin, patawarin muna ninyo ang sinumang
nagkasala sa inyo upang ipataawd din naman sa inyo ng inyong Amang
nasa langit ang inyong pagkaksasala. Marcos 11:22-25
Maraming
himala at kababalaghan ang ginawa ng mga apostol, at ito'y nasaksihan
ng mga tao. Nagtipon tipon sa Portiko ni Solomon ang lahat ng
sumasampalataya. Gawa 5:12
"Subali't
ang humihingi'y dapat manalig at huwag mag-alinlangan; sapagkat ang
Diyos ay saganang magbigay at di nanunumbat. Subali't ang humihingi'y
dapat manalig at huwag magalinlangan; sapagkat ang nagaalinlangan ay
parang alon sa dagat na itinatabo'y ng hangin kahit saan. Huwag umasang
tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabagu-bago ang isip at
di alam kung ano ang talagang ibig" Santiago 1:6-7
Juan
Chapter 14:1-14
Si Jesus and Daan
14 1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”
8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.” 9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”
Marcos
Chapter 11:20-26
Aral Mula sa Namatay na
Puno ng Igos
11 20 Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. 21 Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus, “Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo.” 22 Sumagot si Jesus, “Manalig kayo sa Diyos. 23 Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,’ at ito nga ay mangyayari. 24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [ 26 Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama na nasa langit.]”
Gawa
Chapter 5:12-16
Mga Himala
5 12 Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Sa Portiko ni Solomon nagtitipon ang mga mananampalataya, 13 ngunit natatakot sumama sa kanila ang mga di mananampalataya, kahit na pinupuri sila ng mga ito. 14 Samantala, parami nang parami ang mga lalaki at babaing sumasampalataya sa Panginoon. 15 Dinadala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilalagay sa mga papag at banig upang pagdaan ni Pedro ay matamaan man lamang ng kanyang anino ang ilan sa kanila. 16 Dumating din ang maraming tao mula sa mga karatig-bayan ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.
Santiago
Chapter 1:2-8
Pananampalataya at
Karunungan
1 2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 50:14-15
The Acceptable Sacrifice
50 14 Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan: 15 At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
0 comments:
Post a Comment