TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MGA KABATAAN
PAGLINGKURAN ANG DIYOS
SUMUNOD SA KANYANG ARAL"
"Sumagot
si Jesus, "Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?
Tmugon siya, "'Ibigin mo ang Panginoon mong diyos nang buong puso at
nang buong kaluluwa, atnang buong lakas, at nang buong pag-iisip'; at , '
Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili,,'" "Tama ang sagot mo,
wika ni Jesus, "Gawin mo iyan at mabubuhay ka. Sino ngayon sa palagay mo
ang nagpakita ng kanyang pagiging kapwa sa taong hinarang ng mga
tulisan?" tanong ni Jesus. "Ang nagpakita ng habag sa kanya," tugon ng
eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus, "Humayo ka't gayon din ang gawin
mo." Lucas 10:26-28, 36-37
"At
sinabi sa kanila ni Jesus, "Tandaan ninyo ito walang taong nag-iwan ng
tahanan, asawa, mga kapatid, mga magulang, o mga anak, dahil sa
paghahari ng Diyos, na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito,
at ng buhay na walang hanggan sa panahong darating." Lucas 18:29-30
"Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungjkol kay Cristo." Roma 10:17
Makapagsalita
man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel, kung wala naman akong
pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw. Ang pag-ibig ay
matiyaga at magandang loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o
nagmmamataas, hindi magaspang ang paguugali, hindi makasarili, hindi
magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi nito ikinatutuwa ang gawang
msama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata,
mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas." 1Corinto 13:1, 4-7
"Kaya;t
ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng
matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng
daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng
mabuti. huwag kayong hangal; unawaain ninyo kung ano ang kalooban ng
Diyos." Efeso 5:15-17
"Sapagkat
ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa
ang kanyang kalooban. Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol
at pagtatalo, upang kayo;y maging ulirang mga anak ng Diyos, malinis at
walang kapintasan sa gitna ng mga taong liko at masasama. Sa gayon,
kayo'y magsisilbing ilaw sa kanila, tulad ng talang nagniningning sa
kalangitan, samantalang inihahatid ninyo sa kanila ang balita ng
kaligtasan. Pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki ko kayo sapagkat hindi
nawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal." Fiiipos 2:13-16
"Huwag
mong bigyang daan na hamakin ka ninuman dahil sa iyong kabataan. Sa
halip, pagsikapan mong maging huwaran ka ng mga sumasampalataya: sa
pananalita, ugali, pag-ibig, pananampalataya, at kabanalan. iukol mo
ang iyong panahon sa pagbabasa ng kasulatan sa madla, sa pangangaral at
pagtuturo hanggang ako'y dumating." 1Timoteo 4:12-13
Lucas
Chapter 10:25-37
Ang Mabuting Smaritano
10
25 Isang dalubhasa sa Kautusan ang lumapit kay Jesus upang siya'y
subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na
walang hanggan?” tanong niya. 26 Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat
sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?” 27 Sumagot ang lalaki,
“‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa
mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’” 28 Sabi ni Jesus, “Tama ang
sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
29
Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki,
“Sino naman ang aking kapwa?” 30 Sumagot si Jesus, “May isang taong
naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga
tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong
dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay,
lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang
Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at
nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33 Ngunit may isang Samaritanong
naglalakbay na napadaan doon. Nang makita niya ang biktima, siya'y
naawa. 34 Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat
at binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at
dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. 35 Kinabukasan,
binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang
iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko.’” 36 At nagtanong si
Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng
taong hinarang ng mga tulisan?” 37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon
ng dalubhasa sa kautusan. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon,
humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”
LucasChapter 18:18-30
Ang Lalaking Mayaman
18
18 May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, “Mabuting Guro,
ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang
hanggan?” 19 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang
Diyos lamang ang mabuti! 20 Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang
mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang
tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at
ina.’” 21 Sinabi ng lalaki, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula
pa sa pagkabata.” 22 Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa
ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at
ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan
sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.” 23
Nalungkot ang lalaki nang marinig iyon, sapagkat siya'y napakayaman.
24
Nakita ni Jesus na nalulungkot ang lalaki kaya't sinabi niya,
“Napakahirap para sa mga mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!
25 Mas madali pang makaraan sa butas ng karayom ang isang kamelyo kaysa
makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman.” 26 Nagtanong ang mga
taong nakarinig nito, “Kung gayon, sino ang maliligtas?” 27 “Ang mga
bagay na hindi kayang gawin ng tao ay kayang gawin ng Diyos,” tugon ni
Jesus.
28
Sinabi naman ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang aming mga
tahanan at sumunod sa inyo.” 29 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan
ninyo: kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, asawa, mga kapatid, mga
magulang, o mga anak alang-alang sa kaharian ng Diyos, 30 tatanggap
siya ng higit pa sa panahong ito. At sa panahong darating, tatanggap
siya ng buhay na walang hanggan.”
Roma
Chapter 10:5-21
Ang Kaligtasan ay para sa Lahat
10
5 Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa
Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit
ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa
pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat
sa langit?’” upang pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino
ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo.
8
Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong
bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang
ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng
iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na
siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat
sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay
itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan
ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan,
“Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't
walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon
ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa
kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng
tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” 14 Paano naman sila tatawag sa
kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung
wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila
makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paanong
makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat,
“O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang
Balita!” 16 Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng
sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?” 17
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig
naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y
nakapakinig! Sapagkat nasusulat, “Abot sa lahat ng dako ang kanilang
tinig, ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.” 19
Ito pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel?
Noon pa man ay sinabi na ni Moises, “Gagamitin ko ang mga taong di man
lamang isang bansa upang kayo'y inggitin, gagamitin ko ang isang bansang
hangal upang kayo'y galitin.”
20
Buong tapang namang ipinahayag ni Isaias, “Natagpuan ako ng mga hindi
naghanap sa akin. Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa
akin.” 21 Subalit tungkol naman sa Israel ay sinabi niya, “Buong
maghapon akong nanawagan sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”
0 comments:
Post a Comment