"PAKINGGAN ANG MGA SULAT
SA IGLESIA"
"Alam
kong matiyaga ka, nagtitiis ng maraming kahirapan alang alang sa akin,
at hindi nanlulupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo:
nanlalamig ka na sa akin -- hindi mo na ako mahal ngayon tulad ng dati.
Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo'y talikdan ang
iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang ginagawa mo nuong una.
Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang
iyojng ilawan. Nguit ito nama nang napupuri ko sa iyo: kinapopootan mo
dring tulad ko ang ginagawa ng mga Nicolaita. "Kung may pandinig kayo,
dinggin ninyo ang sinasabi ng ESpiritu sa mga iglesya! "Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain sng bunga ng punungkahoy ng buhay na nasa Halamanan ng Diyos." Pahayag 2:3-7
"Huwag
mong katakutan ang mga paguusig na malapit mo nang dansain. Pakinggan
mo ipabibilanggo ng Diyablo ang ilan sa inyo bilang isang pagsubok;
magtitiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapatt hanggang
kamatayan at ipagkakaloob ko sayo ang putong ng buhay. "Kung may
pandinig kayo, dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! "Ang magtatagumpay ay hindi magdaranas ng pangalwang kamatayan." Pahayag 2:10-11
"May
ilan din sa inyo na sumusunod sa aral ng Nicolaita. kaya nga
pagsisihan ninyo at talikdan ang inyong kasalanan! Kung hindi'y
paririyan ako sa lalong madaling panahon pupuksain ko ang mga taong iyon
sa pamamagitan ng tabak na lumalabas s aking bibig." "kung may
pandinig kayo dinggin ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
"Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang nakatagong pagkain sa langit.
Bibigyan ko rin ang bawat isa sa kanila ng puting bato na kinasusulatan
ng ng isang bagong pangalan, na walang sinumang makaaalam maliban sa
tatanggap niyon." Pahayag 2:15:17
""Sa
magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko ang
pamamahalang gaya ng tinaggap ko sa aking Ama: Ang pamamahala sa mga
bansa. Mamahala siya sa pamamagaitan ng kamay na bakal at dudurugin
niya ang mga bansagaya ng pagdurog sa palayok. Ibibigay ko rin sa knaya
ang tala sa umaga.. " Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi
ng Espiritu sa mga iglesya! Pahayag 2:26-29
"Alalahanin
mo kung paano mong tinanggap ang mga aral na iyong narinig; isagawa mo
ang mga yaon, pagsisihan mo't talikdan ang iyong kasamaan. Kung hindi
ka gigising, paririyan akong gaya ng magnanakaw hindi mo malalaman ang
oras ng aking pagdating. GAyunman, may ilan diyan sa Sardis na
naiingatang malinis ang kanilang damit. kaya't magiging kasama sama ko
silang nakasuot ng puti, sapagkat sila'y karapat-dapat. Ang
magtatagumpay ay daramtan din ng puti, athinid ko aalisin sa aklat ng
buhay ang kanyang pangalan. kikilanlin ko siya sa harapan ng aking Ama
at ng kanyang mga anghel."Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! " Pahayag 3:3-5
"Sapagkat
tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating
ng pagsubok sa lahat ng tao sa sanlibutan. Darating ako sa lalong
madaling panahon. Ingatan mo ang mga katangiang nasa iyo upang hindi
maagaw ninuman ang iyong korona. Ang magtatagumpay ay gagawing kong
haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya maalis duon
magpakailanman. iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang
pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula
sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kanya ang aking bagong
pangalan. .Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! Pahayag 3:10-13
Tinuturan ko't sinusupil ang lahat ng aking iniibig. Kaya nga magsikap
ka; pagsisiha't talikdan mo ang iyong kasalanan. Tingnan mo, nakatayo
ako sa labas ng pintuan at tumutuktok' kung diringgin ninuman ang aking
tinig at bubuksan ang pinto, ako'y papasok sa kanyang tahanan at
magkkasalo kaming kakain. Ang magtatagumpay uupng katabi ko sa aking
luklukan, kung paanong ako;y nagtagumpay, at nakaupo ngayon sa tabi ng
aking Ama sa kanyang luklukan. Kung may pandinig kayo dinggin niyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! " Pahayag 3:19-22
Pahayag
Chapter 2:1-29
Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso
2
1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang sinasabi ng may
hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng
pitong ilawang ginto. 2 Alam ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga
pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang
masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at
napatunayan mong sila'y huwad. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng
maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may
isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una. 5
Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang
iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una.
Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan
ang iyong ilawan. 6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo;
kinapopootan mo ring tulad ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita. 7 “Ang
lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga ng
punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Esmira
8
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna: “Ito ang sinasabi sa iyo ng
simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay. 9 Alam ko ang mga
kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y
mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga
nagpapanggap na mga Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni
Satanas. 10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang
danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang
pagsubok; magdurusa kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat
hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay. 11 “Ang
lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay hindi masasaktan ng pangalawang kamatayan.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Pergamo
12
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: “Ito ang sinasabi ng may
hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. 13 Alam ko kung
saan ka nakatira, sa kinaroroonan ng trono ni Satanas. Gayunma'y
nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong
pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay
patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa lugar na tinitirhan ni Satanas. 14
Subalit may ilang bagay na ayaw ko sa iyo: may ilan sa inyo na
sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang
mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing
inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. 15 May ilan din sa inyong
sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita. 16 Kaya magsisi na kayo't
talikuran ang inyong mga kasalanan! Kung hindi, pupunta ako diyan sa
lalong madaling panahon at pupuksain ko ang mga taong iyon sa
pamamagitan ng tabak na lumalabas sa aking bibig. 17 “Ang lahat ng may
pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Ang
magtatagumpay ay bibigyan ko ng nakatagong pagkain. Bibigyan ko rin siya
ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang
sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira
18
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: “Ito ang sinasabi ng Anak
ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang
kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Alam ko ang mga ginagawa mo:
ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman
kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito
ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap
na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid
at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko
siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang
pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang
sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng
matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang
kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin ko ang
kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat ko ang
puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa
inyong mga gawa. 24 “Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi
sumusunod sa katuruan ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na
‘malalalim na lihim ni Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko
kayo bibigyan ng ibang pasanin, 25 ngunit panghawakan ninyo kung anong
mayroon kayo hanggang ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng
ipinapagawa ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa
mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at
dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay ko ito
kung paanong ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga
magtatagumpay ang bituin sa umaga.
29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Pahayag
Chapter 3:1-22
Ang Sulat sa Iglesya Sardis
3
1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Sardis: “Ito ang sinasabi ng
nagtataglay ng pitong espiritu ng Diyos at ng pitong bituin. Alam ko ang
ginagawa mo; ang alam ng marami, ikaw ay buháy, ngunit ang totoo, ikaw
ay patay. 2 Kaya't gumising ka! Palakasin mo ang nalalabi pa sa iyo
upang hindi ito tuluyang mamatay. Sapagkat nakita kong hindi ganap sa
paningin ng aking Diyos ang mga nagawa mo. 3 Kaya nga, alalahanin mo ang
mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon;
pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising,
pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang
oras ng aking pagdating. 4 “Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na
napanatiling walang dungis ang kanilang damit, kaya't kasama ko silang
maglalakad na nakasuot ng puting damit sapagkat sila'y karapat-dapat. 5
Ang magtatagumpay ay dadamitan ng puti, at hindi ko kailanman buburahin
sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng
aking Ama at ng kanyang mga anghel.
6 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Ang Sulat sa Iglesya sa Filadelfia
7
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng
banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang
makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng
anumang sinasarhan niya. 8 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti
lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at
naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto
na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin ko sa iyo at
paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio
ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang
minamahal kita. 10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis,
iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao
sa buong daigdig! 11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't
ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong
gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo
ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa
kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod.
Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking
Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan
. 13 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
Ang Sulat sa Iglesya sa Laodicea
14
“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Laodicea: “Ito ang sinasabi niya na
ang pangalan ay Amen, ang tapat at tunay na saksi, at siyang pinagmulan
ng lahat ng nilalang ng Diyos. 15 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong
hindi ka malamig ni mainit. Mabuti pa sana kung ikaw ay malamig o
mainit. 16 Ngunit dahil ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig,
isusuka kita! 17 Sinasabi mong ikaw ay mayaman, sagana sa lahat ng bagay
at wala nang kailangan pa, ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa,
kahabag-habag, dukha, bulag at hubad. 18 Kaya nga, ipinapayo kong bumili
ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman.
Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang iyong isuot at matakpan ang
nakakahiya mong kahubaran. Bumili ka rin sa akin ng gamot na ipapahid sa
iyong mata upang ikaw ay makakita. 19 Sinasaway ko't pinapalo ang lahat
ng aking minamahal. Kaya't maging masigasig ka! Pagsisihan mo't
talikuran ang iyong mga kasalanan. 20 Tingnan mo! Nakatayo ako at
kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan
ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya. 21 Ang
magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking
trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa
kanyang trono.
22 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
THE WISDOM BOOKS AND Awit
Chapter 51:1-21
The Miserere:
The Prayer of Repentance
51 1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa
karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga
pagsalangsang. 2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo
ako sa aking kasalanan. 3 Sapagka't kinikilala ko ang aking mga
pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko. 4 Laban
sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong
paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging
malinis pag humahatol ka. 5 Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa
kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, 6 Narito, ikaw ay nagnanasa ng
katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong
ipakikilala sa akin ang karunungan. 7 Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y
magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa
nieve. 8 Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga
buto na iyong binali ay mangagalak. 9 Ikubli mo ang iyong mukha sa aking
mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. 10 Likhaan
mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang
matuwid na espiritu sa loob ko. 11 Huwag mo akong paalisin sa iyong
harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
0 comments:
Post a Comment