TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"HOLY WEEK"
"PALM SUNDAY"
"SALVATION OF HUMANITY
ON JESUS CHRIST CRUCIFIXION"
"Kumuha
sila ng mga palapa ng palma, at lumabas ng lunsod upang siya'y
salubungin. At ganito ang kanilang sigaw, "Hosanna! zzpurihin ang
dumarating sa ngalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!" Nakita
ni Jesus ang isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasuuslat:
"Huwsag kang matakot, lungsod ng Sion! Masdan mo dumarating ang iyong
Hari, nakasakay sa bisirong asno. " Juan 12:13-15
"Mula nuon ay ipinaalam ni Jesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang
magtungo sa Jerusalem at magbata ng maraing hirap sa kamay ng matatanda
ng bayan, ng mag punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang
ipapapatay siya. Ntunit sa ikatlong araw siya'y muling mabubuhay." Mateo 16:21
Tumindig
ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si
Jesus, "No ang masasabi mo sa paratang nila sa iyo? BAkit di ka
sumabot" Ntunit di umiim si Jesus; hinid siya nagsalita gaputok man.
Muli siyang tinanong ng pinakapunog saserdote : "Ikaw ba ang Mess\ias,
ang Anak ng kataastaasan, "Ako nga," sagot ni Jesus". At makikita
ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan sa lahat.
At makikita ninyong siya;y dumarating , nasa alapaap ng la ngit.
Winahak ng pinapunog saserdote ang saariling kasuutan, at sinabi, "Hindi
na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na nag nakarinig na kanyang
kalapastanganan sa Diyos@ Ano ang d[asya ninyo? Ang hatol nila lahat ay
kamatayan.
At niluran siya ng ilan, piniringan, at
pinagsusuntok, kasabay ng wikang "Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa
iyo:? At pinagsasampal siya ng mga batay."Marcos 14:60-65
"Si
Jesus ay dinala ng mga kawal sa pretoryo, ang tirahan ng gobernador, at
kanilang tinipon ang buong batalyon. Sinuutan nila si Jesus ng isang
balabal na purpura. Kumuha sila ng halamang matinik, ginawang korona at
ipinutong sa knya. At sila'y patuyang nagpugay at bumati sa kanya:
"Mabuhay ang Hari ng mga Judio! Siya'y pinaghahampas nila ng tambo sa
ulo, piinagluluran, at palibak na nilud-ludan. At matapos kutyain,
siya;y inalosan nila ng balabal sinuutan ng sariling damit, at inilabas
upang ipako sa krus." Marcos 15:16-20
"Kinuha
nga nila si Jesus. AT lumabas siya ng pasan ang kanyang krus, patungo
sa lugar na kung tawagi'y "Dako ng bungo" (sa wikang Hebreo'y Golgota.)
Pagdating duon, siyay ipinako nila sa krus, kasama ang dalawa pa isa sa
gawing kanan at isa sa kaliwa." Juan 19:16-18
Nang
magiikalabindalwa ng tanghali ay nagdilim sa buong lupain hanggang sa
ikatlo ng hapon; nawalan ng liwanag ang araw; at nawahak sa gitna ang
tabing templo. Sumigaw ng malakas si Jesus: "Ama sa kamay mo'y
ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!" At pagkasabi nito'y nalagot
ang kanyang hininga."Lucas 23:44-46
Juan
Chapter 12:12-19
Ang Matagumpay na
Pagpaskok sa Jerusalem
12 12 Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay papunta sa Jerusalem. 13 Kumuha sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lungsod upang siya'y salubungin. Sila'y sumisigaw, “Purihin ang Diyos. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!”
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasusulat, 15 “Huwag kang matakot, lungsod ng Zion! Masdan mo, dumarating ang iyong hari, nakasakay sa isang batang asno!”
16 Hindi ito naunawaan noon ng kanyang mga alagad. Ngunit matapos na si Jesus ay maluwalhating nabuhay muli, naalala nilang ganoon nga ang sinasabi sa kasulatan tungkol sa kanya, kaya't gayon nga ang nangyari.
17 Ang mga taong kasama ni Jesus noong tawagin niya si Lazaro mula sa libingan at muli niya itong binuhay ay nagpatotoo tungkol sa nangyari. 18 At ito ang dahilan kaya siya sinalubong ng napakaraming tao—nabalitaan nila ang himalang ginawa niya. 19 Kaya't nasabi ng mga Pariseo, “Nakikita ninyong walang nangyayari sa mga ginagawa natin. Tingnan ninyo, sumusunod sa kanya ang buong mundo!”
Mateo
Chapter 12:21-28
Unang Pahayag ni Jesus
Tungkol sa kanyang Kamatayan
16. 21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, “Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Ako'y papatayin, ngunit sa ikatlong araw ako'y muling mabubuhay.” 22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan, “Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanma'y hindi iyan mangyayari sa inyo.” 23 Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao.” 24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. 26 Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ang maibibigay ng isang tao kapalit ng kanyang buhay? 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo'y gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito. 28 Tandaan ninyo: may ilan sa inyong naririto na hindi mamamatay hangga't hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang hari.”
Marcos
Chapter 14:53-65
Si Jesus sa Harap ng Sanedrin
14 53 Dinala nila si Jesus sa bahay ng pinakapunong pari na kung saan ay nagkakatipon na doon ang lahat ng mga punong pari, mga pinuno ng bayan at mga tagapagturo ng Kautusan. 54 Si Pedro'y sumunod kay Jesus, ngunit malayo ang agwat niya sa kanya. Nagtuloy siya hanggang sa patyo ng pinakapunong pari at naupo upang magpainit sa tabi ng apoy. Katabi niya roon ang mga bantay. 55 Ang mga punong pari at ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio ay naghanap ng maipaparatang kay Jesus upang siya'y maipapatay, ngunit wala silang makita. 56 Maraming saksi ang nagsabi ng kasinungalingan laban sa kanya, ngunit hindi nagkatugma-tugma ang kanilang mga patotoo.
57 May ilang sumaksi ng kasinungalingan laban sa kanya na nagsasabi, 58 “Narinig naming sinabi ng taong iyan, ‘Gigibain ko ang Templong ito na gawa ng tao at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na di gawa ng tao.’” 59 Ngunit hindi rin nagkatugma-tugma ang kanilang mga patotoo tungkol dito.
60 Tumayo ang pinakapunong pari sa harap ng kapulungan at tinanong si Jesus, “Wala ka bang isasagot sa paratang nila sa iyo?” 61 Ngunit hindi umimik si Jesus at hindi sumagot ng anuman. Muli siyang tinanong ng pinakapunong pari, “Ikaw nga ba ang Cristo, ang Anak ng Kapuri-puri?” 62 Sumagot si Jesus, “Ako nga. Makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng kalangitan.” 63 Pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang kasuotan at sinabi, “Kailangan pa ba natin ng mga saksi? 64 Narinig ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos! Ano ang inyong pasya?” At nagkaisa silang lahat na hatulan siya ng kamatayan.
65 At siya'y sinimulan nilang pahirapan; dinuraan siya ng ilan, piniringan at pinagsusuntok. “Hulaan mo nga, sino ang sumuntok sa iyo?” sabi nila. At siya'y binugbog ng mga bantay.
Marcos
Chapter 15:16-20
Bilibak ng mga Kawal si Jesus
15 16 Dinala ng mga kawal si Jesus sa bakuran ng palasyo ng gobernador, at kanilang tinipon doon ang buong batalyon. 17 Sinuotan nila si Jesus ng balabal na kulay ube. Kumuha sila ng halamang matinik, ginawa iyong korona at ipinutong sa kanya. 18 Pagkatapos, sila'y pakutyang nagpugay at bumati sa kanya, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” 19 Siya'y pinaghahampas sa ulo, pinagduduraan at pakutyang niluhud-luhuran. 20 Matapos kutyain, hinubad nila sa kanya ang balabal na kulay ube, sinuotan ng sarili niyang damit, at inilabas upang ipako sa krus.
Juan
Chapter 19:16-27
I[inako si Jesus sa Krus
19 16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus. Kinuha nga nila si Jesus. 17 Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha sa wikang Hebreo. 18 Doon ay ipinako siya sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. 19 Gumawa si Pilato ng isang karatula at inilagay sa krus; ganito ang nakasulat: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” 20 Nakasulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lungsod ang dakong pinagpakuan kay Jesus. 21 Kaya't sinabi ng mga punong pari kay Pilato, “Huwag ninyong isulat, ang ‘Ang Hari ng mga Judio’, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’” 22 Ngunit sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko'y naisulat ko na.”
23 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-hati sa apat na bahagi, isa sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. 24 Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.” Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” 27 At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
Lucas
Chapter 23:44-49
Ang Pagkamatay ni Jesus
23 44 Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. 45 Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. 46 Sumigaw nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. 47 Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!” 48 Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang makita nila ang mga nangyari, umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib dahil sa lungkot. 49 Nakatayo naman sa di-kalayuan ang mga kasamahan ni Jesus, pati ang mga babaing sumama sa kanya mula sa Galilea. Pinagmasdan nila ang mga pangyayaring ito.
0 comments:
Post a Comment