TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
GABAY NG DIYOS AT
SIMBAHAN SA MAG-ASAWA
AT PAMAHALAAN
HINGGIL SA DIBORSYO
"Sinasabi
rin naman, 'kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa, ito'y dapat
niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.' Ngunit ngayo'y sinasabi ko
sa inyo; kapag pinahiwalay ng isang lalaki ang kanyang asawa nang hindi
naman ito nangangalunya, at ito'y nag-asawang muli, ang lalaking iyo'y
nagkasala - itinulak niya ang kayang asawa sa pangangalunya. At
sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya." Mateo 5:31-32
"At
sinabi, 'Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at
magsasama sila ng kanyang asawa; at sila'y magiging isa.' Kaya't hindi
na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin
ng tao." Mateo 19:5-6
"Mga
lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng pag-ibig ni Cristo
sa igkesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para dito. " Efeso 5:25
"Mga
babae, pasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, sapagkat iyan ang
kalooban ng Panginoon. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa,
at huwag silang pagmalupitan." Colosas 3:18-19
"Dapat
tupdin ng lalaki ang tungkulin sa kanyang asawa, gayon din , ang
babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may kapangyarihan sa sariling
katawan kundi ang kanyang asawa; gayon din naman, hindi na ang lalaki
ang may kapangyarihan sa sariling katawan kundi ang kanyang asawa.
Huwag kayong magkait s isa't isa, maliban nang pagkasunduan ninyong
huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panaon sa panalangin. " 1Corinto 7:3-5
Mateo
Chapter 5:31-32
Ang Turo Tungkol sa Diborsyo
5 31 “Sinabi rin naman, ‘Kapag makikipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, ito'y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’ 32 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kapag nakipaghiwalay ang isang lalaki sa kanyang asawa, maliban kung ito ay nakikiapid, itinutulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya, at sinumang makipag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”
Mateo
Chapter 19:1-12
Ang Turo ni Jesus Tungkol
sa Paghihiwalay
19 1 Pagkatapos niyang ipangaral ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at doo'y pinagaling niya ang mga maysakit.
3 May ilang Pariseong lumapit sa kanya na humanap ng maipaparatang sa kanya. Tanong nila, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan?” 4 Sumagot si Jesus, “Hindi ba ninyo nabasa na sa pasimula'y nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? 5 At siya rin ang nagsabi, ‘Dahil dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila'y magiging isa.’ 6 Hindi na sila dalawa kundi iisa, kaya't ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” 7 Tinanong siya ng mga Pariseo, “Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya ito palayasin?” 8 Sumagot si Jesus, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. 9 Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niya'y nakikiapid, [itinutulak niya ang kanyang asawa na mangalunya] at siya'y mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya [at ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya].”
10 Sinabi naman ng mga alagad, “Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag nang mag-asawa.” 11 Sumagot si Jesus, “Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos. 12 Sapagkat may iba't ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay isinilang na may ganitong kapansanan; iba nama'y dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Hayaang tanggapin ang aral na ito ng may kakayahang tumanggap nito.”
Efeso
Chapter 5:21-33
Mga Tagubilin sa mga
Magasawa
5 21 Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.
22 Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. 23 Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siya ang Tagapagligtas nito. 24 Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang sariling asawa.
25 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito'y tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito'y para din sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.
Colosas
Chapter 3:18-25
Pagsasamahan na Nararapat
sa Pamumuhay
0 comments:
Post a Comment