BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates SEPTMBER 01, 2024
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
TEACHING OF FAITH
"Ani Jesus, "Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama ako'y iibigin ninyo, sapagkat nagmula ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa ganang sarili ko lamang kundi sinugo niya ako. Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Sapagkat hindi ninyo matanggap ang iniaaral ko. Ang diyablo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong ginagawa, Siya'y mamamatay tao na sa simula pa. at kalaban ng katotohanan, at di matagpuan sa kanya ang katotohanan kahit kailan. Kung siyay nagsisinungaling, iya'y likas sa kanya, sapagkat siya'y sinungaling at Ama ng kasinungalingan. Ngunit ang sinasabi ko'y katotohanan, kaya hindi ninyo ako pinaniniwlaan.
Ang mula sa Diyos ay nakikinig ng Salita ng Diyos, Ngunit hindi kayo mula sa Diyos kaya hindi ninyo pinakikinggan ang salita ng Diyos."
Juan 5:42-47
"Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang marami. Ang kasama'y lalaganap anupa't manlalamig ang pag-ibig ng marami. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito'y makilala ng lahat ng bansa. Saka darating ang wakas." Mateo 24:11-14
Sapagkat ang sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos; at walang sukat ang kanyang pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay sa kanya ang lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumalima sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay mananatili sa kanya ang poot ng Diyos." Juan 3:34-36
"Sumagot si Jesus, "Ang umiibig sa akin ay tutupad sa aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Ang salitang narinig ninyo ay hindi akin, kundi sa amang nagsugo sa akin.. Juan 14:23-24
24 1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng isa pang bato. Lahat ay iguguho!” 3 Habang si Jesus ay nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?” 4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. 7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
14 15 “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. 16 Dadalangin ako sa Ama, upang kayo'y bigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. 17 Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya'y nasa inyo at siya'y mananatili sa inyo. 18 “Hindi ko kayo iiwang mga ulila; babalik ako sa inyo.
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
2THESSALONIANS 2:2-14
---------------------------------------------------------------------------------
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
LINKS:
TAGALOG VERSION
https://live.bible.is/bible/TGLTAB/PSA/
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------
0 comments:
Post a Comment