Saturday, October 12, 2024

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates OCTOBER 13, 2024

0 comments

 

THE BIBLE VERSES
 SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
 
 
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates OCTOBER  13, 2024

——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------

Ang Sulat sa Filadelpia Pahayag Chapter 3:7-13
Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso Pahayag Chapter 2:1-7
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira  
Pahayag Chapter 2:18-29


 
 
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME:    "ANG MENSAHE NG 
PANGINOONG JESU CRISTO
SA SIMBAHAN|
 
"Nalalaman ko ang iyong mga gawa; alam kong kakaunti ang kakayanan mo, angunit sinunod o ang aking turo at tapat ka sa akin.  Kaya't binuksan ko ang isang pinto sa harapan mo, at walang sinumang makapagsasara nito.  Pakinggan mo!  Padudulugin ko sa iyo at payuyukurin sa harapan mo ang pangkat ni Satanas, na nagsisinungaling at nagapanggap na 
Judio, upang malaman nilang iniibig kita.  
 
Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiyaga, iingatan naman kita pagdating ng panahon ng pagsubok sa lahat ng tao sa buong ssanlibutan.  Daratomg ako sa lalong madaling panahon.  Ingatan mo ang katangiang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong korona.  Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya maalis duon magpakailanman.  Iuukit ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyo, at ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos,  Ouukit ko rin sa kanya ang aking bagpng pangalan."  Pahayag 3:8-12
 
Nalalaman ko ang ang mga ginawa mo, ang iyong pagpapagal at  pagtitiyaga.  alam kong namumuhi ka sa masasama.  Sinubok mo ang nagpapanggap na apostol, at napatunayan mong sila'y mga bulaan.  alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming kahirapan alang alang sa akin. at hindi nanlupaypay.  Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin hindi mo na ako mahal ngayon tulad ng dati.  alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa m nuong una.  Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.          
 
 Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng espiritu sa mga iglsya!  "Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga ng punungkahoy mg buhay na nasa halamanan ng Diyos." Pahayag  2:2-7

"Nalalaman ko ang ginawa mo, ang iyong pag-ibig, katapata, paglilingkod at pagtitiyaga.  Nalalaman kong higti kaysa nuong una ang ginagawa mo ngayon.  Ngunit ito ang masasabi ko laban sa iyo:  pinapayagan mo si Jezebel ang babaing nagpapanggap na sugo ng Diyos.  Nilinlang niya ang king mga lingkod, ibinulid sa kahalayan, at inudyukang kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyusn.  Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikdan ang mahalay na pamumuhay, ngunit ayaw niyang magbago.  Pakinggan mo: mararatay siya sa higaan, pati ang mga nakiapid sa kanya, Magdaranas sila ng matinding kahirapan kund hindi nila pagsisisihan ang kasamaang kanilang ginawa sa piling niya.  
 
"Ngunit ang ibng tiga Tiatira,  na hindi nakinig sa masamang turo ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na 'malalim na lihim ni Satanas ay hindi ko bibigyan ng pasanin.  Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko ang pamamahalang gaya ng tinanggap ko sa aking Ama; ang pamamahala sa mga bansa.  Mamamahala siya sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin niya ang mga bansa, gaya ng pagdurog sa mga palayok.  Ibibigay ko rin sa kanya ang tala sa umaga.      
 
    Kung may pandinig kayo, dinggin ninyo ang sinasabi ng Es[oritu sa mga Iglesya.!|  Pahayag 2:19-22. 24-29
 
 
 
 Pahayag
Chapter 3:7-13
Ang Sulat sa Filadelpia

3  7 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang binubuksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sinasarhan niya. 8 Alam ko ang mga ginagawa mo. Alam kong kaunti lamang ang iyong kakayahan ngunit sinunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman. 9 Tingnan mo! Palalapitin ko sa iyo at paluluhurin ang mga kampon ni Satanas na nagpapanggap na mga Judio ngunit hindi naman, at sa halip ay nagsisinungaling. Malalaman nilang minamahal kita. 10 Sapagkat tinupad mo ang aking utos na magtiis, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig! 11 Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo kung ano ang nasa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala. 12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos, at hinding-hindi na siya lalabas doon. Isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng kanyang lungsod. Ito ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Isusulat ko rin sa kanya ang aking bagong pangalan.
 
 13 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!” 
 

Pahayag
Chapter 2:1-7
Ang Sulat sa Iglesya sa Efeso

2 1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso: “Ito ang sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. 2 Alam ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapagal at matiyagang pagtitiis. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at napatunayan mong sila'y huwad. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una. 5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan. 6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo; kinapopootan mo ring tulad ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita.
 
 7 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya! “Sa magtatagumpay ay ibibigay ko ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Diyos.”
 
 
Pahayag
Chapter 2:18-29
Ang Sulat sa Iglesya sa Tiatira

2  18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira: “Ito ang sinasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Alam ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunit ito ang ayaw ko sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga bibigyan ko siya ng malubhang sakit, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan. 23 Papatayin ko ang kanyang mga anak upang malaman ng mga iglesya na sinisiyasat ko ang puso't isip ng mga tao at gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa. 
 
24 “Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi sumusunod sa katuruan ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo bibigyan ng ibang pasanin, 25 ngunit panghawakan ninyo kung anong mayroon kayo hanggang ako'y dumating. 26 Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok. 28 Ibinibigay ko ito kung paanong ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga magtatagumpay ang bituin sa umaga. 
 
29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
 
 
 

THE WISDOM BOOKS AND 
 EVANGELIZATIONS
 
 
Awit
Chapter 98:1-9
Coming of God

98 1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya: 2 Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas: ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa. 3 Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel: nakita ng lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios. 
 
4 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa. Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri. 5 Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri ng alpa; ng alpa at ng tinig na tugma. 6 Ng mga pakakak at tunog ng corneta magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon. 
 
7 Humugong ang dagat at ang buong naroon; ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon; 8 Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay; magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan; 9 Sa harap ng Panginoon, sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan.





FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
-------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 
Bible lights us all with the lights and 
miracles of Mother Mary"

"keep faith"




THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION


http://www.catholic.org/bible/

http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm



LINKS:

ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG


BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------

--------------------------
---
---

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail