Saturday, April 5, 2025

THE BIBLE VERSES - Updates APRIL 06, 2025

0 comments

 

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES 
PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates APRIL  06, 2025

——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------

Hindi Tinanggap si 
Jesus sa Nazareth
Lucas Chapter 4:16-19
 Paghatol sa Kawpa Lucas Chapter 6:37-42
Ang Awit ng 
Pagpupuri ni Maria
Lucas Chapter 1:46-56
 Ang Tapat at Di-tapat na Alipin 
Mateo Chapter 24:45-51
 
 

 
 
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: PAGPAPALAYA NG PANGINOONG JESU CRISTO
 SA PANGAAPI AT PANDARAHAS  
NG KAPWA TAO
 
"at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias.  Binuksan niya ang aklat sa dakong kinasusulatan ng ganito:  "sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagkat hiniang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.  Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, At sa mga bulag na sila;y makakikita; Upang bigyan ng kaluwagan ang mga sinisiil, At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon. 
Lucas 4:17-16
 
"Magbigy kayo, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.  Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring takalang gagamitin ng Diyos sa inyo." Lucas 6:38
 
:"Kinahahabagan niya ang may takot sa kanya , sa lahat ng sali;t saling lahi.  Ipinakikita niya ang lakas ng kanyang mga bisig.: Pinangalat niya ang mga palalo ang isipan." Lucas 1:50-51
 
"Ang matapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alipin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon.  Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayon pagbabalik ng kanyang panginoon.  Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari arian.  Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, 'Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginon, at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasenggo.  Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niy alam.  Buong higpit na parurusahan siya ng panginoon, at isasama sa mga mapagimbabaw.  Doo'y tatangis at mangangalit ang kanyang mga ngipin. " Mateo 24:45-51 
 
 

Lucas
Chapter 4:16-19
Hindi Tinanggap si 
Jesus sa Nazareth

4 16 Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito: 18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi, 19 at upang ipahayag ang panahon ng pagliligtas ng Panginoon.” 
 

Lucas
Chapter 6:37-42
Paghatol sa Kawpa

6  37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin. 38 Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.” 
 
39 Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon! 40 Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro. 
 
41 “Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata? 42 Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.”
 
 
Lucas
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng 
Pagpupuri ni Maria

1” 46 At sinabi ni Maria, “Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, 
 
47 at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, 
 
48 sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong pinagpala; 
 
49 dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Banal ang kanyang pangalan! 
 
50 Ang kanyang kahabagan ay para sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.
 
 51 Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, nilito niya ang mga may palalong isip. 
 
52 Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
 
 53 Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad, at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman. 
 
54 Tinulungan niya ang Israel na kanyang lingkod, at hindi niya kinalimutang kahabagan ito.
 
 55 Tulad ng kanyang ipinangako sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa lahi nito, magpakailanman!” 56 Nanatili si Maria kina Elizabeth nang may tatlong buwan bago siya umuwi.

 
Mateo
Chapter 24:45-51
Ang Tapat at Di-tapat na Alipin

24  45 “Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? 46 Pinagpala ang aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat na naglilingkod sa pagbabalik ng kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa inyo, gagawin siyang tagapamahala ng kanyang panginoon sa lahat ng mga ari-arian nito. 48 Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon.’ 49 Kaya't sisimulan niyang bugbugin ang kanyang kapwa alipin, at makikipagkainan at makikipag-inuman sa mga lasenggo. 50 Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. 51 Bibigyan siya ng kanyang panginoon ng matinding parusa, at pagkatapos ay isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y tatangis siya at magngangalit ang ngipin.”




THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS

Awit
Chapter 75:1-11
God the Judge of the World
 
 75 1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. 2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. 3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) 4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: 
 
5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. 6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. 7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa. 8 Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
 
 9 Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob. 10 Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.





FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
-------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 
Bible lights us all with the lights and 
miracles of Mother Mary"

"keep faith"




THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION


http://www.catholic.org/bible/

http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm



LINKS:

ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG


BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------

--------------------------
-
-----

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail