THEME: PANGANGALAGA NG PANGINOONG DIYOS
SA KALUSUGAN AT MAY SAKIT SA PAMAMAGITAN
NG PANGINOONG JESU CRISTO
"Paglubog
ng araw, ang lahat ng maysakit anuman ang karamdaman ay dinala ng
kanilang mga kaibigan kay Jesus, Ipinatong niya ang kanyang mg kamay sa
bawa't isa sa kanila at pinagaling sila." Lucas 4:39
"Nagdatingan
ang mga napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pipi, at
marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Jesus at
kanyang pinagaling sila. Namangha ang mga tao upang makita nilang
nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na
ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa
Diyos. " Mateo 15:30-31
"Nahahabag
ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila
at wala na silang makain. Kung sila'y pauuwiin ko nang gutom, mahihilo
sila sa daan galing pa naman sa malayo ang ilan sa kanila. Ang mga
tao'y pinaupo ni Jesus sa lupa. Kinuha niya nag pitong tinapay, at
nagpasalamat sa Diyos. Pinagpira-piraso niya ang mag iyon at ibiniay sa
mga alagad upag ipamahagi sa mga tao. Gayon na nga nag ginagawa ng mga
alagad. Mayroon din silang ilang maliit na isda. Muli siyang
nagpasalamat sa Diyps, at iiutos niyang ibigay iyon sa mga tao. Kumain
ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga pira-pirasong tinapay
na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki. At may 4,000
ang kumain, pinayaon ni Jesus ang mga tao, saka siya sumakay sa bangka,
kasama ng kanyang mga alagad, at nagtungo sa lupain ng Dalmanuta."
Marcos 8:2-3, 6-10
"Mayroon
bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng iglesya, upang
inapalangin siya at pahiran ng langis, sa ngalan ng Pnaginoon. At
pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya.
Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya ay nagkasala."
Santiago 5:14-15
Lucas
Chapter 4:38-41
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao
(Mt. 8:14-17; Mc. 1:29-34)
38 Si Jesus ay umalis sa sinagoga at nagpunta sa bahay ni Simon. Nagkataong ang biyenan ni Simon ay may mataas na lagnat kaya't nakiusap sila kay Jesus na ito'y pagalingin. 39 Tumayo si Jesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na mawala ang lagnat, at ito'y nawala nga. Kaagad namang tumayo ang babae at naglingkod sa kanila.
40 Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng mga kasamahan nilang maysakit, anuman ang karamdaman ng mga ito. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa bawat isa, at silang lahat ay gumaling. 41 Lumabas sa marami ang mga demonyo, na sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Jesus at hindi pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila na siya ang Cristo.
Mateo
Chapter 15:19-31
Maraming Pinagaling si Jesus
15 29 At umalis si Jesus doon, at naparoon sa tabi ng dagat ng Galilea; at umahon sa bundok, at naupo doon. 30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya: 31 Ano pa't nangagtaka ang karamihan, nang mangakita nilang nangagsasalita ang mga pipi, nagsisigaling ang mga pingkaw, at nagsisilakad ang mga pilay, at nangakakakita ang mga bulag: at kanilang niluwalhati ang Dios ng Israel.
Marcos
Chapter 8:1-10
Ang Pagpapakain sa Limang libo
8 1 Nang mga araw na yaon, nang magkaroong muli ng maraming tao, at wala silang mangakain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, 2 Nahahabag ako sa karamihan, sapagka't tatlong araw nang sila'y nangatira sa akin, at walang mangakain: 3 At kung sila'y pauwiin kong nangagugutom sa kanilang mga tahanan, ay magsisipanglupaypay sila sa daan; at nagsipanggaling sa malayo ang ilan sa kanila. 4 At nagsisagot sa kaniya ang kaniyang mga alagad, Paanong mabubusog ninoman ang mga taong ito ng tinapay dito sa isang ilang na dako? 5 At kaniyang tinanong sila, Ilang tinapay mayroon kayo? At sinabi nila, Pito.
6 At iniutos niya sa karamihan na magsiupo sa lupa; at kinuha niya ang pitong tinapay, at pagkapagpasalamat, ay pinagputolputol niya, at ibinigay sa kaniyang mga alagad, upang ihain sa kanila; at inihain nila sa karamihan. 7 At mayroon silang ilang maliliit na isda: at nang mapagpala ang mga ito, ay ipinagutos niya na ihain din naman ang mga ito sa kanila. 8 At sila'y nagsikain, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pinagputolputol, na pitong bakol na puno. 9 At sila'y may mga apat na libo: at pinayaon niya sila. 10 At pagdaka'y lumulan siya sa daong na kasama ang kaniyang mga alagad, at napasa mga sakop ng Dalmanuta.
Santiago
Chapter 5:7-20
Pagtitiyaga at Pananalangin
5 7 Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang maaga at huli. 8 Mangagtiis din naman kayo; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.
9 Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto. 10 Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon. 11 Narito, tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon. 12 Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol.
13 Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? awitin niya ang mga pagpupuri. 14 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: 15 At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya. 16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid. 17 Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.
18 At muli siyang nanalangin; at ang langit ay nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga. 19 Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman; 20 Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.
0 comments:
Post a Comment