Saturday, August 29, 2026

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates August 30, 2026

0 comments

 

 THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES  PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates  August 30, 2026
——————————————-------------------------———–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
---------------------------------------------------------------------


Ang Kaligtasan ay para sa Lahat Roma Chapter 10:1-21
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-13
Pananampalataya at Karunungan Santiago Chapter 1:2-7: 
 Ipanalangin Ninyo Kami2Tesalonica Chapter 3:1-5
Pakikinig at Pagsasagawa Santiago Chapter 1:2-7:



 
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME:  ANG PROTEKSYON
NG DIYOS SA TUMATAWAG SA KANYA 
 
 "Sapagka't sinasbi sa kasulatan, "Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon." Roma 10:13

At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak.  Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo ssa pangalan ko." Juan 14:13-14
 
"Subalit ang humihingi'y dapat manalig at huwag magalin;langan; sapagkat ang nagaalinlangan ay parang alon sa Dagat na itinataboy ng hangin kahit saan..  Huwag umasang tatanggap ng anumang mula sa Panginoon ang taong pabagu-bagu ang isip at di alam kung ano ang talagan ibig."  Santiago 1:7  
 
"Idalangin din niyo na kami'y maligtas sa mga buktot at masasamang tao; sapagkat hindi lahat ay naniniwala sa salita ng Diyos.   Tapat ang Panginoon, Bibigyam niya kayo ng lakas at ililigtas sa Diyablo."  2Tesalonica 3:2-3
 
"Kaya't talikdan ninyo ang inyong marurunming mga gawa at masasamang asal, at buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na natanim sa inyong puso. Ito ang makapagliligtas sa inyo." Santiago 1:21    
 
 
 
 
 Roma
Chapter 10:1-21
Ang Kaligtasan ay para sa Lahat

10 5 Ganito- ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit- ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” upang pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo. 8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi- nga ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, 13 dahil- sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.”
 
14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 At- paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng Magandang Balita!” 16 Ngunit- hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?” 17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

18 Subalit- ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat,

“Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo ng daigdig.”

19 Ito- pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,

“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansa
upang kayo'y inggitin,

gagamitin ko ang isang bansang hangal
upang kayo'y galitin.”

20 Buong- tapang namang ipinahayag ni Isaias,
“Natagpuan ako ng mga hindi naghanap sa akin.
Nagpahayag ako sa mga hindi nag-usisa tungkol sa akin.”
21 Subalit- tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,
“Buong maghapon akong nanawagan
sa isang suwail at mapaghimagsik na bayan!”


 
 
 Juan
Chapter 14:1-13
Si Jesus ang Daan

141 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.”

5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?”

6 Sumagot- si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo,+ kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”

8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”
 
 

 Santiago
Chapter 1:2-7:
Pananampalataya at Karunungan

1 2 Mga- kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.

5 Ngunit- kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.





2Tesalonica
Chapter 3:1-5
Ipanalangin Ninyo Kami

3 1 Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at parangalan ng lahat, tulad ng ginawa ninyo. 2 Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga taong mapaminsala at masasama, sapagkat hindi lahat ay may pananampalataya sa Diyos.

3 Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama. 4 Dahil sa Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na sinusunod ninyo at patuloy na susundin ang mga itinuro namin sa inyo.

5 Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang lalo ninyong maunawaan ang pag-ibig ng Diyos at ang katatagang nagmumula kay Cristo.



 
 
 Santiago
Chapter 1:2-7:
Pakikinig at Pagsasagawa

19 Mga- kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit. 20 Dahil ang galit ng tao ay hindi nakakatulong upang magawa kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos. 21 Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabang tanggapin ninyo ang salitang itinanim sa inyong puso. Ito ay may kakayahang magligtas sa inyo.

22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumitingin sa salamin, 24 at pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at kinakalimutan ang kanyang anyo. 25 Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi siya katulad ng nakikinig lamang at pagkatapos ay nakakalimot.

26 Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. 27 Ang relihiyon na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ito: pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.




 
THE WISDOM BOOKS AND
EVANGELIZATIONS
 
Awit
Chapter 54:1-6
Comfodemt Prayer in Great Perol
 
54 1 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan. 2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. 3 Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah) 4 Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa. 5 Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan. 6 Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti. 7 Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.
 

Awit
Chapter 103:11-18:
Praise of Divine Goodness

an. 11 Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. 13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. 14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok. 15 Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya. 16 Sapagka't dinadaanan ng hangin, at napaparam; at ang dako niyaon ay hindi na malalaman. 17 Nguni't ang kagandahang-loob ng Panginoon ay mula ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan sa nangatatakot sa kaniya, at ang kaniyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak; 18 Sa gayong nagiingat ng kaniyang tipan, at sa nagsisialaala ng kaniyang mga utos upang gawin, 19





 

FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
-------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

---------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 
Bible lights us all with the lights and 
miracles of Mother Mary"

"keep faith"




THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION


http://www.catholic.org/bible/

http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm



LINKS:

ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG


BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

----------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------

--------------------------
------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail