THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
32“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”
Luke
14Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
15Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”
16Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. 17Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. 18Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
John
18Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas.
1Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
2ay makakapagsabi kay Yahweh:
“Muog ka't kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,
at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;
iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
5Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
6Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.
7Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
8Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,
iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.
9Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
10Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
12Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.
13Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.
14Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
15Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
16Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
Updates JULY 01, 2018
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Pagpapatotoo kay Cristo Luke Chapter 12:8-9
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria Luke Chapter 1:46-56

Naging Tao ang Salita John Chapter 1:14-16
Ang Salita ng Buhay John Chapter 1:1-13
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos
1Corinthians Chapter 1:18-31
Maging mga Alipin ng Diyos 1 Peter Chapter 11:17
Ang Dalawang Halimaw Revelations Chapter 13:1-18
Ang Layunin ng mga Talinhaga MateoChapter 13:10-17

TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GOD'S CREATIONS
AND FREE WILL"
"GODS BUILT'S KINGDOM""
Luke
Chapter 12:8-9
Pagpapatotoo kay Cristo
32“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. 33Ngunit ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”
Mateo
Chapter 8:16-4
Hiningan ng Tanda si Jesus
Hiningan ng Tanda si Jesus
1Lumapit
kay Jesus ang ilang Pariseo at Saduseo. Upang siya'y subukin, humingi
sila sa kanya ng isang himala mula sa langit. 2Ngunit sinabi ni Jesus sa
kanila, “Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, ‘Magiging maganda ang
panahon bukas dahil maaliwalas ang langit.’ 3At kapag umaga nama'y
sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon dahil madilim ang langit.’ Nakakabasa kayo
ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan
ng kasalukuyang panahon. 4Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap
kayo ng palatandaan, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang
nangyari kay Jonas!”
Pagkatapos nito, umalis si Jesus.
Pagkatapos nito, umalis si Jesus.
Luke
Chapter 1:46-56
Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria
46At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon,
47at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,
48sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin!
Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;
49dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan.
Siya'y banal!
50Ang kanyang kahabagan ay para sa mga tao
at sa lahat ng salinlahing may takot sa kanya.
51Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
nilito niya ang mga may palalong isip.
52Tinanggal sa kanilang luklukan ang mga may kapangyarihan,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
53Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,
at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.
54Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
at naalala ito upang kanyang kahabagan.
55Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
56Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan bago siya umuwi.

Chapter 1:14-16
Naging Tao ang Salita
14Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
15Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang darating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”
16Dahil siya'y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. 17Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. 18Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
Chapter 1:1-13
Ang Salita ng Buhay
1Nang
pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang
Salita ay Diyos. 2Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. 3Nilikha ang
lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi
sa pamamagitan niya. Ang nilikha 4sa kanya ay may buhay, at ang buhay
ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at
hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
6At naparito si Juan na isinugo ng Diyos 7upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito. 8Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw. 9Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.

1 Corinthians
Chapter 1:18-31
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos
18Ang mensahe tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan para sa mga taong naliligaw ng landas, ngunit ito'y kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga naliligtas.
19Sapagkat nasusulat, “Sisirain ko ang karunungan ng marurunong at gagawin kong walang saysay ang katalinuhan ng matatalino.”
20Ano
ngayon ang kabuluhan ng marurunong, ng mga tagapagturo ng Kautusan, ng
mahuhusay na debatista sa kapanahunang ito? Ipinapakita ng Diyos na ang
karunungan ng sanlibutang ito ay pawang kahangalan lamang.
21Sapagkat
ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya pinahintulutang siya'y makilala
ng tao sa pamamagitan ng kanilang karunungan. Sa halip, minarapat
niyang iligtas ang mga nagpapasakop sa kanya sa pamamagitan ng Magandang
Balita na aming ipinapangaral, na sa tingin ng iba'y isang kahangalan.
22Ang mga Judio'y humihingi ng himala bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griyego.
23Ngunit
ang ipinapangaral namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para sa mga
Judio ay isang katitisuran at para sa mga Hentil ay isang kahangalan.
24Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio o maging Griyego, si Cristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos.
25Sapagkat
ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa
karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay
kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao.
26Mga
kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng
Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan
at maharlika sa paningin ng tao.
27Subalit
pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain
ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain
ang malalakas.
28Pinili
niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa
sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan.
29Kaya't walang sinum ang makakapagmalaki sa harap ng Diyos.
30Sa
kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo
kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din
niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng
Diyos.
31Kaya nga, tulad ng nasusulat, “Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.”
1 Peter
Chapter 11:17
Maging mga Alipin ng Diyos
Revelations
11Mga
minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang
naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang masasamang
hilig ng katawan na naghihimagsik laban sa inyong kaluluwa. 12Mamuhay
kayo nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na pinaparatangan
nila kayo ng masama, kapag nakita nila ang inyong mabubuting gawa ay
magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang paghuhukom.
13Alang-alang sa Panginoon, pasakop kayo sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan, sa Emperador, na siyang pinakamataas na kapangyarihan, 14at sa mga gobernador, na isinugo niya upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. 15Nais ng Diyos na sa pamamagitan ng inyong wastong pamumuhay ay mapatigil ninyo ang mga hangal sa kanilang kamangmangan. 16Mamuhay kayong tulad ng mga taong malaya. Huwag ninyong gawing panakip sa paggawa ng masama ang kalayaang ito, subalit mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. 17Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Cristo. Mamuhay kayo nang may takot sa Diyos at may paggalang sa Emperador.

Chapter 13:1-18
Ang Dalawang Halimaw
Mateo
1Pagkatapos
ay nakita kong umahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at
sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay
nakasulat ang mga pangalang lumalait sa Diyos. 2Ang halimaw ay parang
leopardo, ngunit ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang
bibig ay parang bunganga ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang
kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3Ang isa sa
mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na halos ikamatay nito, ngunit
ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at
nagsisunod sila sa halimaw. 4Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat
ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila
ang halimaw. “Sino ang makakatulad sa halimaw? Sino ang makakalaban sa
kanya?” sabi nila.
5Pinahintulutang magyabang ang halimaw, manlait sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. 6Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7Pinahintulutan din siyang salakayin at gapiin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. 8Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong pinatay.
9“Ang lahat ng may pandinig ay makinig! 10Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa digmaan ay sa digmaan nga mamamatay. Kaya't kailangang magpakatatag at maging tapat ang mga hinirang ng Diyos.”
11At nakita ko ang isa pang halimaw na lumitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon. 12Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nasugatan nang malubha ngunit gumaling na. 13Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw, nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao. 14Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit muling gumaling. 15Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng buhay ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. 16Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon. 18Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666.

Chapter 13:10-17
Ang Layunin ng mga Talinhaga
10Lumapit
ang mga alagad at tinanong si Jesus, “Bakit po ninyo dinadaan sa
talinhaga ang inyong pagtuturo sa kanila?” 11Sumagot siya, “Ipinagkaloob
sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng
langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12Sapagkat ang mayroon
ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting
nasa kanya ay kukunin pa. 13Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng
talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig
ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. 14Natutupad nga sa
kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,
‘Makinig man kayo nang makinig subalit hindi ninyo mauunawaan kailanman,
at tumingin man kayo nang tumingin subalit hindi rin kayo makakakita kailanman.
15Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;
mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,
at ipinikit nila ang kanilang mga mata,
kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,
nakarinig ang kanilang mga tainga,
nakaunawa ang kanilang mga isip,
at nagbalik-loob sila sa akin,
at pinagaling ko sila.’
16“Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”

THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Psalm
Chapter 91:1-16
Ang Diyos ang Mag-iingat sa Atin
1Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
2ay makakapagsabi kay Yahweh:
“Muog ka't kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,
at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;
iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.
5Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
6Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.
7Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
8Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,
iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.
9Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
10Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
12Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.
13Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.
14Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
15Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
16Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:
Post a Comment