Saturday, July 28, 2018

THE BIBLE VERSES - Updates JULY 29, 2018

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 29, 2018
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Mga Salita Tungkol sa Buhay na Walang Hanggan John Chapter 6:60-71
Si Jesus ang Mula sa Langit John Chapter 3:31-36
Mga Alipin ng Katuwiran Roma Chapter 6:15-23
Pangangalaga at Pagiging Handa 1Peter Chapter 5:1-11
Si Cristo ang Ating Tagapagtanggol 1John Chapter 1:6



TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"ANG SALITA NG DIYOS AY ESPIRITU AT BUHAY"

"Ang Espiritu ang nagbibigay buhay, hindi ito magagawa ng laman.  Ang salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at Buhay."  John 6:63

"Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumalima sa Anak ay hindi magkaroon ng buhay mananatili sa kanya ang poot ng Diyos." John 3:36

"Kayo'Y pinalaya na sa kasalanan at ngayo'y mga alipin na ng katuwiran."  Romans 6:18

"ayon sa nasusulat:  Kinamumuhian ng Diyos ang palalo, at Kinalulugdan niya ang mababang loob. Kaya nga, pailalim kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon."  1Peter 5:5-6

"Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang hindi kayo magkasala.  Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapamagitan tayo sa Ama. At iya'y so Jesu-Cristo, ang walang sala." 1John 2:1




John
Chaptes 6:60-671
Mga Salita Tungkol sa Buhay na Walang Hanggan


60Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makakaunawa nito?”

61Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito; kaya't sinabi niya, “Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? 62Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao papunta sa dati niyang kinaroroonan? 63Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritung nagbibigay-buhay. 64Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. 65Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ito'y loobin ng Ama.”

66Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. 67Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “Kayo naman, gusto rin ba ninyong umalis?”

68Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 69Naniniwala kami at ngayo'y natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.”

70Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa? Sa kabila nito'y diyablo ang isa sa inyo!” 71Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat si Judas na kabilang sa Labindalawa, ang siyang magkakanulo sa kanya.




John
Chapter 3:31-36
Si Jesus ang Mula sa Langit

31Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat. 32Pinapatotohanan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit walang naniniwala sa kanyang patotoo. 33Ang naniniwala sa kanyang patotoo ay nagpapatunay na ang sinabi ng Diyos ay totoo. 34Ang isinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos, sapagkat lubusang ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang Espiritu. 35Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay niya rito ang pamamahala sa lahat ng bagay. 36Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.


Roma
Chapter 6:15-23
Mga Alipin ng Katuwiran

15Ngayon, malaya na ba tayong magkasala dahil hindi na tayo saklaw ng kautusan kundi ng kagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! 16Hindi ba ninyo alam na kapag nagpasakop kayo sa sinumang inyong sinusunod, kayo'y nagiging alipin nito, maging ito'y kasalanang hahantong sa kamatayan, o ang pagsunod sa Diyos na hahantong sa katuwiran? 17Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo. 18Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran. 19Gumagamit ako ng karaniwang pangungusap dahil sa inyong likas na kahinaan. Kung paanong ipinailalim ninyo noong una ang inyong sarili sa karumihan at sa kasamaang palala nang palala, ilaan ninyo ngayon ang inyong sarili bilang alipin ng katuwiran para sa mga banal na layunin.

20Noong alipin pa kayo ng kasalanan, hindi kayo saklaw ng katuwiran. 21Ano ang napala ninyo sa mga bagay na iyon na ikinahihiya ninyo ngayon? Kamatayan ang ibinubunga ng mga iyon. 22Ngunit ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at naging alipin na ng Diyos, ang natamo ninyo'y isang buhay na banal at ang ibinubunga nito'y buhay na walang hanggan. 23Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.


1Peter
Chapter 5:1-11
Pangangalaga at Pagiging Handa


1Sa mga matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang pinuno ng iglesya na tulad ninyo. Saksi ako sa mga paghihirap ni Cristo at makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. Nakikiusap ako sa inyo, 2alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Alagaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang. Iyan ang nais ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa nila kayo. 4At pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di kukupas kailanman.

5At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno ng iglesya. Magpakumbabá kayong lahat sapagkat nasusulat, “Sinasaway ng Diyos ang mapagmataas, ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.” 6Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

8Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. 9Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. 10Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.



1John
Chapter 1:6
Si Cristo ang Ating Tagapagtanggol


1Mga anak, isinusulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, na isang matuwid. 2Si Cristo ang handog sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, hindi lamang ang ating mga kasalanan, kundi maging ang kasalanan ng lahat ng tao.

3Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. 4Ang nagsasabing, “Nakikilala ko siya,” ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. 5Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. 6Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo.





THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Awit
Chapter 19:7-14
Ang Batas ni Yahweh


7Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,

ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan.

Ang mga tuntunin ni Yahweh'y mapagkakatiwalaan,

nagbibigay ng talino sa payak na isipan.

8Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran,

ito'y nagpapasaya ng puso at kalooban.

Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama,

nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa.

9Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay,

magpapatuloy ito magpakailanman;

ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan,

patas at walang kinikilingan.

10Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay,

mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan.

11Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod,

may malaking gantimpala kapag aking sinusunod.

12Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian,

iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan.

13Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan,

huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan.

Sa gayo'y mamumuhay akong walang kapintasan,

at walang bahid ng masama ang aking mga kamay.

14Nawa'y ang mga salita ko at kaisipan,

kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan.






FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail