THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates SEPTEMBER 30, 2018
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo
Efeso Chapter 1:3-14
Magtulungan sa Pagdadala ng Pasanin Galacia Chapter 6:1-10
Mga Kaloob ng Espiritu Santo 1Corinto Chapter 12:1-11
Mga Kaloob ng Espiritu Santo 1Corinto Chapter 12:1-11
Ang Sermon ni Pedro Gawa Chapter 2:14-42
Pagkilala kay Cristo Lucas Chapter 12:8-12
Pamumuhay Ayon sa Espiritu Roma Chapter 8:1-17
Pagkilala kay Cristo Lucas Chapter 12:8-12
Pamumuhay Ayon sa Espiritu Roma Chapter 8:1-17
Ang Espiritu Santo at ang Likas ng Tao Galacia Chapter 5:16-26
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"KALOOB NA ESPIRITU NG KARUNUNGAN
AT KATOTOHANAN"
"Magpasalamat
tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban
niya tayo ng lahat ng pagpapalang espiritwal, dahil sa ating
pakikipag-isa kay Cristo." Efeso 1:3
"Mga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya." Galacia 6:1
Ibat
iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkaloob ng mga
ito. ibat iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang
panginoong pinaglilingkuran."1Corinto 12:4
"Ito
ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, Pagkakalooban ko ng
aking espiritu ang lahat ng tao, at sa ngalan ko'y magpapahayag ang
inyong mga anak." Gawa 2:17
"Sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyon sa oras ng iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin." Lucas 12:12
"Sapagkat
ang namumuhay ayon sa hilig ng laman ay nahuhumaling sa mga bagay ukol
sa laman, ngunit ang namumuhay sa patnubay ng Espirtu ay nagsisikap ukol
sa mga bagay espiritwal."Roma 8:5
"Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapaypaan,
katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil
sa sarili. walang utos laban sa ganitong bagay." Galacia 5:22
Efeso
Chapter 1:3-14
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo
3Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
11Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.
13Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!
Galacia
Chapter 6:1-10
Magtulungan sa Pagdadala ng Pasanin
1Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo. 3Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 4Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba, 5sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.
6Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.
7Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan. 9Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa. 10Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
1Corinto
Chapter 12:1-11
Mga Kaloob ng Espiritu Santo
1Mga kapatid, ngayon, tungkol naman sa mga kaloob ng Espiritu Santo, nais kong magkaroon kayo ng wastong kaalaman. 2Alam ninyo na noong hindi pa kayo sumasampalataya, kayo'y napapaniwala sa kung anu-anong mga diyus-diyosan na di naman nakakapagsalita. 3Kaya't nais kong malaman ninyo na walang taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang magsasabing, “Sumpain si Jesus!” At hindi rin masasabi ninuman, “Si Jesus ay Panginoon,” kung siya'y hindi pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
4Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. 5Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. 6Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon. 7Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. 8Ang ilan sa atin napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito. 9Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit. 10May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban naman ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon. 11Ngunit isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya.
Gawa
Chapter 2:14-42
Ang Sermon ni Pedro
14Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, “Mga taga-Judea, at kayong lahat na mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ngayon. 16Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos,
‘Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu,
sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.
19Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit
at mga himala sa lupa;
dugo, apoy at makapal na usok.
20Ang araw ay magdidilim,
ang buwan ay pupulang parang dugo,
bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.
21At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong
sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
22“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo. 23Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama. 24Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito, 25gaya ng sinabi ni David tungkol sa kanya,
‘Alam kong kasama ko ang Panginoon sa tuwina,
hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya.
26Kaya't ako'y nagdiriwang,
puso at diwa'y nagagalak,
gayundin naman ako'y mabubuhay nang may pag-asa.
27Sapagkat hindi mo ako pababayaan sa daigdig ng mga patay;
at hindi mo pahihintulutang mabulok ang iyong Banal na Lingkod.
28Itinuro mo sa akin ang mga landas upang ako'y mabuhay,
dahil sa ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
29“Mga kapatid, sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. 30Siya'y propeta at alam niya ang pangako sa kanya ng Diyos, na magiging haring tulad niya ang isang magmumula sa kanyang angkan. 31Kaya't ang muling pagkabuhay ng Cristo ang nakita at ipinahayag ni David nang kanyang sabihin,
‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay;
at hindi itinulot na mabulok ang kanyang katawan.’
32Si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon. 33Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig. 34Hindi si David ang umakyat sa langit, kundi sinabi lamang niya,
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa kanan ko,
35hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’
36“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
37Nabagbag ang kanilang kalooban nang marinig ito, kaya't tinanong nila si Pedro at ang ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?”
38Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. 39Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
40Marami pang inilahad si Pedro upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa parusang sasapitin ng masamang lahing ito.”
41Kaya't ang mga tumanggap sa sinabi niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. 42Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa pananalangin.
Lucas
Chapter 12:8-12
Pagkilala kay Cristo
(Mt. 10:32-33; 12:32; 10:19-20)
(Mt. 10:32-33; 12:32; 10:19-20)
8“Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. 9Ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin naman sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10“Ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
11“Kapag kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harap ng mga tagapamahala at ng mga may kapangyarihan upang litisin, huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili o kung ano ang inyong sasabihin 12sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
Roma
Chapter 8:1-17
Pamumuhay Ayon sa Espiritu
1Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 3Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
5Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. 8At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
9Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, nananatili na sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10Ngunit dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo. 14Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!” 16Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Galacia
Chapter 5:16-26
Ang Espiritu Santo at ang Likas ng Tao
16Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. 17Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin. 18Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
22Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. 25Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Wisdom
Chapter 1:1-9
EXHORTATION TO RIGHTEOUSNESS, THE KEY TO LIFE
EXHORTATION TO RIGHTEOUSNESS, THE KEY TO LIFE
1Love righteousness,* you who judge the earth;
think of the LORD in goodness,
and seek him in integrity of heart;
2Because he is found by those who do not test him,
and manifests himself to those who do not disbelieve him.
3For perverse counsels separate people from God,
and his power, put to the proof, rebukes the foolhardy;
4* Because into a soul that plots evil wisdom does not enter,
nor does she dwell in a body under debt of sin.
5For the holy spirit of discipline*
flees deceit
and withdraws from senseless counsels
and is rebuked when unrighteousness occurs.
6For wisdom is a kindly spirit,
yet she does not acquit blasphemous lips;
Because God is the witness of the inmost selfg
and the sure observer of the heart
and the listener to the tongue.
7For the spirit of the LORD fills the world,i
is all-embracing, and knows whatever is said.
8Therefore those who utter wicked things will not go unnoticed,
nor will chastising condemnation pass them by.
9For the devices of the wicked shall be scrutinized,
and the sound of their words shall reach the LORD,
for the chastisement of their transgressions;
and withdraws from senseless counsels
and is rebuked when unrighteousness occurs.
6For wisdom is a kindly spirit,
yet she does not acquit blasphemous lips;
Because God is the witness of the inmost selfg
and the sure observer of the heart
and the listener to the tongue.
7For the spirit of the LORD fills the world,i
is all-embracing, and knows whatever is said.
8Therefore those who utter wicked things will not go unnoticed,
nor will chastising condemnation pass them by.
9For the devices of the wicked shall be scrutinized,
and the sound of their words shall reach the LORD,
for the chastisement of their transgressions;
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment