Saturday, July 20, 2019

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates JULY 21, 2019

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 21, 2019
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ang Diyos ay Ilaw 1Juan Chapter 1:1-10
Ang Diyos ay Pag-ibig 1Juan Chapter 4:7-21
Babala Laban sa mga Eskriba at mga Pariseo Mateo Chapter 23:1-12
Ang Kalikasan at Gawain ni kristo Colosas Chapter 1:15-23
Kaaway ng Diyos ang Kaibigan ng Sanlibutan Santiago Chapter 4:1-10
Ang Pananalig sa Diyos Hebreo Chapter 11:1-40
Kapahingahan para sa Sambahayan ng Diyos Hebreo Chapter 11:1-40
Ang Dapat Katakutan Lucas Chapter 12:4-7
Mga Alipin ng Katwiran Roma Chapter 6:15-23




TEACHING OF GOSPEL
 TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
MANALIG AT KILALANIN ANG DIYOS
SA PAMAMAGITAN NG
PANGINOONG KRISTO HESUS


"Ito ang aming narinig sa kanyang Anak, at ipinahahayag namin sa inyo: ang Diyos ay ilaw at walang kadiliman sa kanya." 1Juan 1:5

"Ang Diyos ay pag-ibig; ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos." 1Juan 4:16

"At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit." Mateo 23:9

"Ganito kayo mananalangin:  Ama naming nasa langit, Sambahin nawa ang ngalan mo.  Ikaw nawa ang maghari sa amin, Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit." Mateo 6:9-10  

Si Cristo ang larawan ng Diyos na di nakikita, at siyang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit  at nasa lupa, nakikita man o hindi, pati ang naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihang espiritwal ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya." Colosas 1:15-16 

""Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay sa atin ng Diyos.  Sapagkat ang sabi sa kasulatan: "Ang Diyos ay laban sa mga palalo, Ngunit tumutulong sa nagpapakumbaba."  Kaya nga pasakop kayo sa Diyos.  Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo."  Santiago 4:6-7

"At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya.  Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos at siya ang nagbibigay gantimpala sa lahat ng humahanap sa kanya."  Hebreo 11:6

"Ang salita ng Diyos  ay buhay at mabisa higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabilay talim.  Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espirtu, ng mga kasukasuan at ng utak sa buto, nakatataho ng iniisip at binabalak ng tao.  Walang makagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo'y magsusulit." Hebreo 4:12-13

    "Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag ninyong katakutan ag mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos ay wala nang magagawa pa.  Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyon katakutan:  katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay ay may kapangyarihan pang mabulid sa impiyerno.  Sinasabi ko sa inyo Diyos ang dapat ninyong katakutan!"  Lucas 12:4-5

 "Sapagkat Kamatayan ang dulot ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon." Roma 6:23




1Juan
Chapter 1:1-10
Ang Diyos ay Ilaw

1 Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay;

2 (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);

3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:

4 At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, upang ang ating kagalakan ay malubos.

5 At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.

6 Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:

7 Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.

8 Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin.

9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.


1Juan
Chapter 4:7-21
Ang Diyos ay Pag-ibig


7 Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

8 Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig.

9 Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

10 Narito ang pagibig, hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.

11 Mga minamahal, kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.

12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: kung tayo'y nangagiibigan, ang Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:

13 Dito'y nakikilala natin na tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.

14 At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan.

15 Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.

18 Walang takot sa pagibig: kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

19 Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

20 Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?

21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

 


Mateo
Chapter 23:1-12
Babala Laban sa mga Eskriba at mga Pariseo


1 Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,

2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.

3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.

4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.

5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,

6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,

7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.

8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid.

9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.

10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.

11 Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.

12 At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.


Colosas
Chapter 1:15-23
Ang Kalikasan at Gawain ni kristo


15 Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

16 Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;

17 At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

19 Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.

22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:

23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.



Santiago
Chapter 4:1-10
Kaaway ng Diyos ang Kaibigan ng Sanlibutan

"Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay sa atin ng Diyos.  Sapagkat ang sabi sa kasulatan: "Ang Diyos ay laban sa mga palalo, Ngunit tumutulong sa nagpapakumbaba."  Kaya nga pasakop kayo sa Diyos.  Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo."  Santiago 4:6-7



Hebreo
Chapter 11:1-40
Ang Pananalig sa Diyos


"At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa kanya.  Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos at siya ang nagbibigay gantimpala sa lahat ng humahanap sa kanya."  Hebreo 11:6




Hebreo
Chapter 11:1-40
Kapahingahan para sa Sambahayan ng Diyos


"Ang salita ng Diyos  ay buhay at mabisa higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabilay talim.  Ito'y tumatagos maging sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espirtu, ng mga kasukasuan at ng utak sa buto, nakatataho ng iniisip at binabalak ng tao.  Walang makagtatago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo'y magsusulit."
Hebreo 4:12-13






Lucas
Chapter 12:4-7
Ang Dapat Katakutan

4 At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.

5 Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.

6 Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios.

7 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.


Roma
Chapter 6:15-23
Mga Alipin ng Katwiran


15 Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.

16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?

17 Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;

18 At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.

19 Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.

20 Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran.

21 Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan.

22 Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.

23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.



THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS


Awit
Chapter 75:1-7
God the Judge of the World

1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.

2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.

3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)

4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:

5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.

6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.

7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.

Awit
Chapter 93-1-5
God is Mighty King

1 Ang Panginoon ay naghahari; siya'y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya'y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago.

2 Ang luklukan mo'y natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula.

3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha ay nagtaas ng kanilang hugong; ang mga baha ay nagtaas ng kanilang mga alon.

4 Ng higit sa mga hugong ng maraming tubig, malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan.

5 Ang iyong mga patotoo ay totoong tunay: ang kabanalan ay nararapat sa iyong bahay, Oh Panginoon, magpakailan man.


Awit
Chapter 96:1-5
God of the Universe

1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa.

2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.

3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.

4 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios.

5 Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit.







FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail