THE BIBLE VERSES
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates JULY 28, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Pag-aalinlangan Tungkol sa Muling pagkabuhay Lucas Chapter 20:27-40
Naging Tao ang Salita Juan Chapter 1:1-18
Ang Babaing nahuli sa Pakikiapid Juan Chapter 8:1-11
Ang Pagtawag kay Levi Lucas Chapter 5:27-32
Ang Nawalang Tupa Lucas Chapter 15:1-7
Ang poot at Habag ng Diyos Roma Chapter 9:17-29
Mula sa Kamatayan tungo sa Buhay Efeso Chapter 2:10
Ang Dati at Bagong Buhay Colosas Chapter 3:5-7
Ang Dati at Bagong Buhay Colosas Chapter 3:5-7
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
ANG PANGINOONG DIYOS
AT KRISTO HESUS AY BUHAY
GOD FORGIVE AND HAVE MERCY
Lucas
Chapter 20:27-40
Pag-aalinlangan Tungkol sa Muling pagkabuhay
20 27 Ilang Saduseo naman ang lumapit kay Jesus. Ang mga ito ay nagtuturong walang muling pagkabuhay ng mga patay. 28 Sabi nila, “Guro, isinulat ni Moises para sa atin ang batas na ito, ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay.’ 29 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 30 Nagpakasal sa biyuda ang pangalawa, subalit ito'y namatay ding walang anak. 31 Ganoon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito. At silang lahat ay namatay na walang anak. 32 Sa kahuli-hulihan, namatay naman ang babae. 33 Ngayon, sa muling pagkabuhay, sino sa pito ang kikilalaning asawa ng babae, yamang silang lahat ay napangasawa niya?”
34
Sumagot si Jesus, “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae ay
nag-aasawa. 35 Ngunit ang mga lalaki't babaing karapat-dapat na mapasama
sa muling pagkabuhay ay hindi na mag-aasawa. 36 Hindi na rin sila
mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. Sila'y mga anak ng
Diyos dahil sila'y napabilang sa mga muling binuhay. 37 Maging si Moises
ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa salaysay
tungkol sa nagliliyab na mababang puno, ang Panginoon ay tinawag niyang
‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ 38 Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy, sa kanya'y nabubuhay ang lahat.” 39
Sinabi ng ilan sa mga tagapagturo ng Kautusan, “Guro, maganda ang sagot
ninyo!” 40 At mula noon ay wala nang naglakas-loob na magtanong sa
kanya. 41
Juan
Chapter 1:1-18
Naging Tao ang Salita
1 1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
6
Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. 7 Naparito siya
upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa
pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang
magpatotoo tungkol sa ilaw. 9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa
sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng
sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa
kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan
niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak
ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa
kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.
14
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang
kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay
puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
15
Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy
ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa
akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”
16
Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat
ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa
pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at
katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong
nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos na pinakamamahal ng
Ama, ang nagpakilala sa Ama.
Juan
Chapter 8:1-11
Ang Babaing nahuli sa Pakikiapid
8 1 Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. 2 Kinabukasan, maaga pa'y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat ng mga tao. Umupo siya at nagsimulang magturo. 3 Dumating noon ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. 7 Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa. 9 Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. 10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” 11 “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”
Lucas
Chapter 5:27-32
Ang Pagtawag kay Levi
( Mateo 9:9-13 )
5 27 Pagkatapos nito'y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” 28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus. 29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” 31 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi.”
Lucas
Chapter 15:1-7
Ang Nawalang Tupa
15 1 Isang araw, ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan ay lumapit kay Jesus upang makinig. 2 Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Sabi nila, “Ang taong ito'y nakikisama at nakikisalo sa mga makasalanan.” 3 Dahil dito, sinabi sa kanila ni Jesus ang talinghagang ito. 4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? 5 Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. 6 Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!’ 7 Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Roma
Chapter 9:17-29
Ang poot at Habag ng Diyos
919
Sasabihin mo naman sa akin, “Kung gayon, bakit pa sinisisi ng Diyos ang
tao? Sino ba ang makakasalungat sa kanyang kalooban?” 20 Tao ka lamang,
sino kang mangangahas na sumagot nang ganoon sa Diyos? Masasabi kaya ng
isang hinuhubog sa kanyang manghuhubog, “Bakit ninyo ako ginawang
ganito?” 21 Wala bang karapatan ang gumagawa ng palayok na bumuo ng
mamahalin o mumurahing sisidlan mula sa iisang tumpok ng putik?
22
Kaya, kahit nais nang ipakita noon ng Diyos ang kanyang poot at
ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin niyang
pinagtiisan ang mga taong dapat sana'y parusahan at lipulin. 23 Ginawa
niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa
mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa'y inihanda na niya para
sa kaluwalhatian. 24 Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi
lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil.
25
Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, “Ang dating hindi ko bayan
ay tatawaging ‘Bayan ko,’ at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging
‘Mahal ko.’ 26 At sa lugar kung saan sinabing ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
sila'y tatawaging mga anak ng Diyos na buháy.” 27 Ito naman ang
ipinahayag ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit na maging kasindami ng
buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, kaunti lamang ang
matitira sa kanila na maliligtas. 28 Sapagkat mahigpit at mabilis na
hahatulan ng Panginoon ang daigdig.”
29
Si Isaias din ang nagsabi, “Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay
hindi nagtira ng ilan sa ating lahi, tayo sana'y naging katulad ng
Sodoma at Gomorra.”
11 25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
11 25 Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
26
Sa paraang ito, maliligtas ang buong Israel; tulad ng nasusulat:
“Magmumula sa Zion ang Tagapagligtas. Papawiin niya ang kasamaan sa lahi
ni Jacob. 27 At ito ang gagawin kong kasunduan namin kapag pinawi ko na
ang kanilang mga kasalanan.”
28
Dahil tinanggihan ng mga Israelita ang Magandang Balita, sila'y naging
kaaway ng Diyos, at kayong mga Hentil ang nakinabang. Ngunit dahil sa
sila ang mga hinirang ng Diyos, sila'y mahal pa rin niya, alang-alang sa
kanilang mga ninuno. 29 Sapagkat hindi nagbabago ng isip ang Diyos
tungkol sa kanyang mga kaloob at pagtawag. 30 Noon, kayong mga Hentil ay
hindi sumusunod sa Diyos, ngunit ngayon, kayo ay tumanggap ng habag ng
Diyos nang sumuway ang mga Judio. 31 Gayundin naman, dahil sa habag ng
Diyos na inyong naranasan, sinusuway naman ngayon ng mga Judio ang
Diyos, nang sa gayo'y maranasan din nila [ngayon] ang kanyang habag. 32 Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin sa pagsuway ang lahat ng tao upang maipadama niya sa kanila ang kanyang habag.
Efeso
Chapter 2:10
Mula sa Kamatayan tungo sa Buhay
2 10 Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Diyos, at sa pakikipag-isa natin kay Cristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa na inihanda niya noong una pa man upang gawin natin.
Colosas
Chapter 3:5-7
Ang Dati at Bagong Buhay
3 5 Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito. 8
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 32:1-7
Remission of Sins
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment