THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates OCTOBER 13, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Pagpapagaling sa Maraming Tao Marcos Chapter 1:29-34
Nangaral at Nagpagaling si Jesus Mateo Chapter 4:23-25
Ang Pangangaral ni Juan Lucas Chapter 3:1-20
Ang Pakikipagtalo at Pagibig sa Salapi Timoteo Chapter 6:3-9
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14
Salamat sa Inyong Tulong Filipos Chapter 4:10-20
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
3 1 Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. 2 Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.”
6 Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito. 3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala. 5 Mahilig din siyang makipagtalo sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang mga taong ito'y nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.
14 1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”
4 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay. 4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan. 10 Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong ipamalas ito. 11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. 14 Gayunman, ikinagagalak ko ang inyong pagdamay sa aking mga paghihirap. 15 Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang tumulong sa aking mga pangangailangan nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. 16 Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong. 17 Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala. 18 Ang liham na ito ang pagkilala sa lahat ng mga kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. 19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 20 Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.
32 1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan. 2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. 3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. 4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) 5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. 6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
"Faith Thru Jesus Christ ( light of life )
in Sickness Healing"
"Pangaral sa Kawal ng Pamahalaan"
"Pinagaling
niya ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman at
nagpalayas siya ng mga demonyo. Hindi niya hinayaang magsalita ang mga
ito, sapagkat alam nila kung sino siya." Marcos 1:34
"Siya'y
nabantog sa buong Siria kaya't dinala sa kanya ang lahat ng maysakit,
at mga pinahihirapan ng mga demonyo, mga himatayin, paralitiko.
Pinagaling silang lahat."
Mateo 4:24
"Tinanong din siya ng mga kawal, "At kami ano naman ang gagawin namin?"
Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng
pagpaparatang ng di totoo; masiyahan na kayo sa inyong sahod,' sagot
niya."
Lucas 3:14
"Ang
nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag
ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan." 1Timoteo
69
"At
anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang
maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang
hihilingin ninyo sa pangalan ko." Juan 14:13
"At
buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng
inyong kailangan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Purihin ang ating
Diyos at Ama magpakailnman." Filipos 4:19
Marcos
Chapter 1:29-34
Ang Pagpapagaling sa Maraming Tao
1
29 Mula sa sinagoga ay nagtungo agad si Jesus at ang kanyang mga
alagad, kasama sina Santiago at Juan, sa bahay nina Simon at Andres. 30
Noon ay nakahiga dahil nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad
nilang sinabi kay Jesus. 31 Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae,
hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda
ng pagkain para sa kanila. 32 Pagsapit ng gabi, pagkalubog ng araw,
dinala kay Jesus ang lahat ng maysakit at ang mga sinasapian ng demonyo.
33 Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay. 34
Pinagaling ni Jesus ang maraming maysakit, anuman ang kanilang
karamdaman. Pinalayas din niya ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang
magsalita ang mga ito sapagkat alam nila kung sino siya.
Mateo
Chapter 4:23-25
Nangaral at Nagpagaling si Jesus
4 23
Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at
ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.
Pinapagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga
tao. 24 Ang balita tungkol sa
kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinadala sa kanya ang lahat ng
maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba't ibang karamdaman, mga
sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang
lahat ay kanyang pinagaling. 25 Dahil dito, sinusundan
siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem,
Judea, at maging sa ibayo ng Jordan.
Lucas
Chapter 3:1-20
Ang Pangangaral ni Juan
3 1 Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. 2 Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.”
4
Sa gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias, “Ito ang
pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng
Panginoon. Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran! 5
Matatambakan ang bawat libis, at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Magiging tuwid ang daang liku-liko, at patag ang daang baku-bako. 6 At
makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7
Kaya't sinabi ni Juan sa maraming taong lumapit sa kanya upang
magpabautismo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo
upang tumakas sa poot na darating? 8 Ipakita ninyo sa pamamagitan ng
gawa na nagsisisi kayo, at huwag ninyong sabihing mga anak kayo ni
Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang
Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. 9 Ngayon pa ma'y nakaamba na ang
palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang
bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10
Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”
11 Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay
mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.” 12
Dumating din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila'y
nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?” 13 “Huwag
kayong sumingil nang higit sa dapat singilin,” tugon niya.
14 Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat
naming gawin?” “Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o
sa pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa
inyong sweldo,” sagot niya.
15
Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si
Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa
kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang
darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng
Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin;
ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang
sandalyas. 17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at
upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin
niya sa apoy na di mamamatay kailanman.”
18 Marami pang bagay na ipinapangaral si Juan sa mga tao sa kanyang
pamamahayag ng Magandang Balita. 19 Si Herodes man na pinuno ng Galilea
ay pinagsabihan din ni Juan dahil kinakasama niya ang kanyang hipag na
si Herodias at dahil sa iba pang kasamaang ginagawa nito.
20 Dahil dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga kasalanan ni Herodes.
Timoteo
Chapter 6:3-9
Ang Pakikipagtalo at Pagibig sa Salapi
6 Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito. 3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at masasamang hinala. 5 Mahilig din siyang makipagtalo sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang mga taong ito'y nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.
6
Sa katunayan, may malaki ngang pakinabang sa relihiyon kung ang tao'y
marunong masiyahan. 7 Wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala
rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya, dapat tayong
masiyahan kung tayo'y may pagkain at pananamit. 9
Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag
ng masasama at mga hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa
kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng
lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong
nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.
Juan
Chapter 14:1-14
Si Jesus ang Daan
14 1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.”
8
Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama
at masisiyahan na kami.” 9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong
kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa
akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang
Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa
akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na
nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala
kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong
maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12
Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa
ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At
anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin
ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa
pangalan ko, ito ay aking gagawin.”
Filipos
Chapter 4:10-20
Salamat sa Inyong Tulong
4 1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3 Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay. 4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! 5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6 Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan. 10 Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong ipamalas ito. 11 Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. 14 Gayunman, ikinagagalak ko ang inyong pagdamay sa aking mga paghihirap. 15 Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang tumulong sa aking mga pangangailangan nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. 16 Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong. 17 Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala. 18 Ang liham na ito ang pagkilala sa lahat ng mga kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. 19 At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 20 Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 32:1-6
Remission of Sins
32 1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan. 2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. 3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. 4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) 5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. 6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"717Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."
2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"Keep Faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
http://www.catholic.org/bible/
http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
http://filipino.bible/bible-reader/
LINKS:
ENGLISH
http://www.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm
TAGALOG VERSION
http://filipino.bible/bible-reader/
https://live.bible.is/bible/TGLTAB/PSA/
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS OTHER WEBSITES
Bible Lights Promotions
Bible Lights Promotion - blogspot.com
http://www.biblelightspromotions.co.nr
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
----------------------------------------------------------------------------------------------------
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment