THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates OCTOBER 27, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Uri ng Magiging Katawan sa Muling Pagkabuhay 1Corinto Chapter 15:35-58
Si Jesus ang Pagkaing nagbibigay buhay Juan Chapter 6:25-59
Si Jesus ang ilaw ng Sanlibutan Juan Chapter 8:12-20
Si Jesus ang ilaw ng Sanlibutan Juan Chapter 8:12-20
Ang Katawan Ninyo'y Templo ng Diyos 1Corinto Chapter 6:12-20
Si Cristo ang Buhay Filipos Chapter 1:12-30
Si Cristo ang Buhay Filipos Chapter 1:12-30
Pamumuhay ayon sa Espiritu Roma Chapter 8:1-17
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MULING PAGKABUHAY"
"KATAWANG PANLANGIT"
"Pakinggan
ninyo ang hiwagang ito: hindi tayong lahat ay mamamatay, ngunit tayong
lahat ay babaguhin sa isang sandali, sa isang kisap mata, kasabay ng
huling tunog ng trumpeta. Pagtunog ng trompeta, ang mga patay ay muling
bubuhayin at na mamamatay. Tayong lahat ay babaguhin, sapagkat itong
katawang nabubulok ay dapat mapalitan ng di nabubulok at ang katawang
namamatay, ng di namamatay." 1Corinto 15:51-53
"Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa aking ay may buhay na walang hanggan. Ako ang pagkaing nagbibigay buhay." Juan 6:47
"Muling
nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika niya, "Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay
buhay, at di na malalakad sa kadiliman." Juan 8:12
"Muling
binuhay ng Diyos ang Panginoong Jesus, at tayo ma'y muli niyang
bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan." 1Corinto 6:14
"Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita tungkol ka Cristo." Fiipos 1:27
"Kung
nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyamg muling bumuhay kay
Jesu-Cristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay buhay sa inyong katawang
mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo."
Roma 8:11
1Corinto
Chapter 15:35-58
Ang Uri ng Magiging Katawan
sa Muling Pagkabuhay
15 35 Subalit may magtatanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?” 36 Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing itinatanim hangga't hindi iyon namamatay. 37 At ang itinatanim ay hindi halamang malaki na, kundi binhi, tulad ng butil ng trigo, o ng ibang binhi. 38 Ang Diyos ang nagbibigay ng katawan sa binhing iyon, ayon sa kanyang kagustuhan; bawat binhi'y binigyan niya ng angkop na katawan.
39
At hindi pare-pareho ang laman ng mga nilikhang may buhay; iba ang
laman ng tao, iba ang laman ng hayop, iba ang sa mga ibon, at iba ang sa
mga isda.
40
May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang
kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit. 41 Iba ang liwanag
ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang ningning ng mga
bituin, at maging ang mga bituin ay magkakaiba ang ningning.
42
Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang inilibing ay
mabubulok, ngunit hindi mabubulok kailanman ang muling binuhay; 43
walang karangalan at mahina nang ilibing, marangal at malakas sa muling
pagkabuhay; 44 inilibing na katawang pisikal, muling mabubuhay bilang
katawang espirituwal. Kung may katawang pisikal, mayroon ding katawang
espirituwal.
45
Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang
binigyan ng buhay”; ang huling Adan ay espiritung nagbibigay-buhay. 46
Ngunit hindi nauna ang espirituwal; ang pisikal muna bago ang
espirituwal. 47 Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya
mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. 48 Ang katawang
panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad
ng nagmula sa langit. 49 Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong
nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit.
50
Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay
hindi maaaring makabahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang
nasisira ay hindi maaaring magmana ng hindi nasisira.
51 Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin,
52
sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng
trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling
bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. 53 Ang
ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang
katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay.
54
Kapag ang nabubulok ay napalitan na ng di nabubulok, at ang may
kamatayan ay napalitan na ng walang kamatayan, matutupad na ang sinasabi
sa kasulatan: “Nalupig na ang kamatayan; lubos na ang tagumpay!”
55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”
56
Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng
kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. 57 Magpasalamat tayo sa Diyos na
nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong
Jesu-Cristo!
58
Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag
matinag. Maging masipag kayo palagi sa paglilingkod sa Panginoon, dahil
alam ninyong hindi masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
Juan
Chapter 6:25-59
Si Jesus ang Pagkaing nagbibigay buhay
6 25 Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya'y tinanong nila, “Guro, kailan pa kayo rito?” 26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27 Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may ganitong karapatan.” 28 Kaya't siya'y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?” 29 “Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon ni Jesus. 30 “Ano pong himala ang maipapakita ninyo upang sumampalataya kami sa inyo? Ano po ang inyong gagawin? 31 Ang aming mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, ‘Sila'y binigyan niya ng tinapay na galing sa langit,’” sabi nila. 32 Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay na galing sa Diyos ay ang bumabâ mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan.” 34 Sumagot sila, “Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na ito.” 35 Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. 36 Ngunit sinabi ko na sa inyo, nakita na ninyo ako, ngunit hindi pa rin kayo sumasampalataya sa akin. 37 Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin. 38 Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 At ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli sa huling araw. 40 Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
41
Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, “Ako ang
tinapay na bumabâ mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si
Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama't ina. Paano niya
masasabi ngayong bumabâ siya mula sa langit?” 43 Kaya't sinabi ni Jesus,
“Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa
akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang
lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 Nasusulat sa
aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat
nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lumalapit sa akin. 46 Hindi
ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang
tanging nakakita sa Ama.
47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49
Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit
sila'y namatay. 50 Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang
sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na
nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang
sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang
mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.” 52 Dahil dito'y nagtalu-talo
ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang
laman upang makain natin?” 53 Sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo:
malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang
dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang kumakain ng aking laman at
umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang
bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na
pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56 Ang kumakain ng aking
laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa
kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y nabubuhay dahil sa kanya.
Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa
akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit. Hindi ito katulad ng
kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila kahit na kumain
niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.” 59
Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y nagtuturo sa Capernaum.
Juan
Chapter 8:12-20
Si Jesus ang ilaw ng Sanlibutan
8
1 Si Jesus naman ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. 2 Kinabukasan,
maaga pa'y nagbalik na siya sa Templo. Lumapit sa kanya ang lahat ng mga
tao. Umupo siya at nagsimulang magturo. 3 Dumating noon ang mga
tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na may dalang isang babaing
nahuli sa pangangalunya. Iniharap nila ito sa karamihan, 4 at sinabi kay
Jesus, “Guro, ang babaing ito'y nahuli sa aktong pangangalunya. 5 Ayon
sa Kautusan ni Moises, dapat batuhin hanggang sa mamatay ang mga katulad
niya. Ano naman ang masasabi ninyo?” 6 Itinanong nila ito upang subukin
siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang
si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. 7 Patuloy sila sa
pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo
na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” 8 At muli
siyang yumuko at sumulat sa lupa. 9 Nang marinig nila iyon, sila'y
isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing
nakatayo sa harap ni Jesus. 10 Tumayo si Jesus at tinanong ang babae,
“Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” 11 “Wala po, Ginoo,” sagot
ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at
mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”] 12 Muling nagsalita
si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang
sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na
lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Ikaw lang ang
nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan ang ganyang
patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako tungkol sa
aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako
nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking
pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon sa mga
pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At humatol
man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa aking
paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17 Nasusulat sa
inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang saksi. 18
Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin ang Ama na
nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong ama?”
Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo kilala ang
aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.” 20 Ito'y
sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan ng mga
alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
1Corinto
Chapter 6:12-20
Ang Katawan Ninyo'y Templo ng Diyos
6 12 May magsasabi, “Malaya akong makagagawa ng kahit ano,” ngunit ang sagot ko naman ay “Hindi lahat ng bagay ay nakakabuti.” Maaari ko ring sabihin, “Malaya akong gumawa ng kahit ano,” ngunit hindi ako magpapaalipin sa anumang bagay. 13 Sasabihin naman ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa imoralidad sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan. 14 Muling binuhay ng Diyos si Jesu-Cristo, at tayo man ay muling bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
15
Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga bahagi ng katawan
ni Cristo? Kukunin ko ba ang bahagi ng katawan ni Cristo upang gawing
bahagi ng katawan ng isang babaing nagbebenta ng aliw? Hinding-hindi! 16
Hindi ba ninyo alam na nagiging isa ang katawan ng bayarang babae at ng
nakikipagtalik sa kanya? Sapagkat sinasabi sa kasulatan, “Ang dalawa'y
magiging isa.” 17 Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay nakikipag-isa sa
kanya sa espiritu.
18
Iwasan ninyo ang imoralidad. Ang ibang kasalanang nagagawa ng tao ay
hindi nakakasira sa katawan, ngunit ang gumagawa ng imoralidad ay
nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. 19 Hindi ba ninyo alam na
ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at
ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan;
20 sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang
inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
Filipos
Chapter 1:12-30
Si Cristo ang Buhay
1 12 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. 13 Nalaman ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagsunod ko kay Cristo. 14 At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita ng Diyos
15
Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa
pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang
nangangaral nang may tapat na hangarin. 16 Si Cristo'y ipinapangaral
nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang
upang ipagtanggol ang Magandang Balita. 17 Ngunit ang iba ay nangangaral
nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin,
sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking
pagkakabilanggo. 18 Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon.
Ikinagagalak ko na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi
ang hangarin ng mga nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak
19
ay ang pag-asang ako'y makakalaya sa pamamagitan ng inyong mga
panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo. 20 Ang aking
pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay;
kundi sa lahat ng panahon, at lalo na ngayon, ay buong tapang kong
maparangalan si Cristo sa buhay man o sa kamatayan.
21
Sapagkat para sa akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay
pakinabang. 22 Kung ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang
sapagkat marami pa akong magagawang mabubuting bagay. Hindi ko ngayon
malaman kung alin ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo sa loob ko; nais
ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito
ang lalong mabuti. 24 Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang
manatili ako sa buhay na ito. 25 Dahil dito, natitiyak kong ako'y
mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong
magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa Panginoon. 26 Kung
magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo ninyong pupurihin si
Cristo Jesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo.
27
Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon
sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong
piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y naninindigan sa iisang
diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang
Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo
sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y
ililigtas ng Diyos. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang
manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.
30 Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko
noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.
Roma
Chapter 8:1-17
Pamumuhay ayon sa Espiritu
8 1 Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2 Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na ako mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman. 5 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag itinutuon ng tao ang kanyang pag-iisip sa mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi siya nagpapasakop sa batas ng Diyos, at sadyang hindi niya ito magagawa. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos. 9 Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10 Ngunit dahil naninirahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11 Kung naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung naninirahan sa inyo. 12 Mga kapatid, wala tayong pananagutang sundin ang mga hilig ng laman upang mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo. 14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo'y mamuhay sa takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo'y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama ko!” 16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Kawikaan
Chapter 4:10-18
The Good and Evil Way
4 10 Dinggin mo, Oh anak ko, at iyong tanggapin ang aking mga sinasabi; at ang mga taon ng iyong buhay ay magiging marami. 11 Aking itinuro ka sa daan ng karunungan; aking pinatnubayan ka sa landas ng katuwiran. 12 Pagka ikaw ay yumayaon hindi magigipit ang iyong mga hakbang; at kung ikaw ay tumatakbo, hindi ka matitisod. 13 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay. 14 Huwag kang pumasok sa landas ng masama, at huwag kang lumakad ng lakad ng mga masasamang tao. 15 Ilagan mo, huwag mong daanan; likuan mo, at magpatuloy ka. 16 Sapagka't hindi sila nangatutulog, malibang sila'y nakagawa ng kasamaan; at ang kanilang tulog ay napapawi, malibang sila'y makapagpabuwal. 17 Sapagka't sila'y nagsisikain ng tinapay ng kasamaan, at nagsisiinom ng alak ng karahasan. 18 Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw. 19
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment