THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
3 1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis tulad niyang malinis.
2 1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos. 5 Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Jesus], papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag. 9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. 10 Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. 11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa katotohanan.
2 18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. 19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang maging maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na kasama natin.
1 1 Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3 Nakikita sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.
1 1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
Updates DECEMBER 15, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Mga Anak ng Diyos1Juan Chapter 3:1-10
Ang Suwail 2Tesalonica Chapter 2:1-12
Ang Suwail 2Tesalonica Chapter 2:1-12
Ang Anti-Cristo 1Juan Chapter 2:18-29
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng kanyan Anak
Hebreo Chapter 1:1-3 Naging Tao ang Salita Juan Chapter 1:1-18
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Ang anak ng Diyos at
Anak ng Diablo"
"Dito
makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos, at kung sino ang mag anak
ng diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa
kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos." 1Juan 3:10
"Ang
nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng Diyablo, At naparito ang Anak
ng Diyos upang wasakin ang gawa ng diyablo." 1Juan 3:8
Lilitaw
ang suwail na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng
lahat uri ng himala at nakalilinlang na tanda ng kababalaghan. At
gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak mga taong
maliligtas sana kung kanilang tinanggap at inibig ang
katotohanan."2Tesalonica 2:9-10
"Kung alam niyong si Cristo matuwid, dapat din kninyong malaman na ang bawat gumagaw ng matuwid ay anak ng Diyos."1Juan 2:29
"Ang
anak ang maningning na sinag ng Diyos, sapagkat kung ano ang Diyos ay
gayon din ang Anak. Siya ang nagiingat sa sansinukob sa pamamagitan ng
kanyang makapangyarihang salita." Hebreo 1:3
"Kailanmay
walang nakakita sa Diyos, Subalit ipinakitalala siya ng bugtong na Anak
siya's Diyos na lubos na minamahal ng Ama." Juan 1:18
1Juan
Chapter 3:1-10
Mga Anak ng Diyos
3 1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis tulad niyang malinis.
4
Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang
kasalanan ay paglabag sa kautusan. 5 Nalalaman ninyong naparito si
Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan, at siya'y walang kasalanan.
6 Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang
sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man
sa kanya.
7
Mga anak, huwag kayong palinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng
matuwid ay matuwid tulad ni Cristo. 8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay
kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y nagkakasala na ang diyablo.
Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9
Ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat
nananatili sa kanila ang binhing mula sa Diyos. At dahil ang Diyos ang
ama nila, hindi sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin
makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng
diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at
hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos.
2Tesalonica
Chapter 2:1-12
Ang Suwail
2 1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos. 5 Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa, at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung maalis na ang humahadlang, 8 malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Jesus], papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng hininga mula sa kanyang bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag. 9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. 10 Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. 11 Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa katotohanan.
1Juan
Chapter 2:18-29
Ang Anti-Cristo
2 18 Mga anak, ito na ang huling panahon! Tulad ng inyong narinig, darating ang kaaway ni Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumilitaw na mga kaaway ni Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. 19 Kahit na sila'y mga dati nating kasamahan, ang mga taong iyon ay hindi natin tunay na kasama. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila upang maging maliwanag na silang lahat ay hindi tunay na kasama natin.
20
Ngunit ipinagkaloob na sa inyo ang Espiritu Santo, at dahil dito, alam
na ninyo ang buong katotohanan. 21 Sumusulat ako sa inyo, hindi dahil sa
hindi ninyo alam ang katotohanan, kundi dahil alam na ninyo ito, at
alam din ninyong walang kasinungalingang nagmumula sa katotohanan.
22
Sino nga ba ang sinungaling? Hindi ba't siya na nagsasabing si Jesus ay
hindi ang Cristo? Ang mga nagsasabi nito ay kaaway ni Cristo; hindi
nila pinaniniwalaan ang Ama at ang Anak. 23 Ang hindi kumikilala sa Anak
ay hindi rin kumikilala sa Ama. Ang kumikilala sa Anak ay kumikilala
rin sa Ama. 24 Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa
simula pa. Kung gagawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. 25
At ito naman ang ipinangako sa atin ni Cristo, ang buhay na walang
hanggan.
26
Isinusulat ko sa inyo ito upang bigyan kayo ng babala laban sa mga
taong nagnanais na iligaw kayo. 27 Gayunpaman, ang Espiritu'y
ipinagkaloob na ni Cristo sa inyo. At habang ang Espiritu'y nananatili
sa inyo, hindi ninyo kakailanganing turuan pa kayo ng iba. Ang Espiritu
ang nagtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Lahat ng itinuturo niya
ay totoo, at walang bahid ng kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng
Espiritu, manatili kayo kay Cristo.
28
Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang
ating loob sa muling pagparito niya, at nang hindi tayo mahiya sa kanya
sa araw na iyon. 29 Kung alam ninyong si Cristo'y masunurin sa kalooban
ng Diyos, dapat din ninyong malaman na ang bawat sumusunod sa kalooban
ng Diyos ay anak ng Diyos.
Hebreo
Chapter 1:1-3
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan
ng kanyang Anak
1 1 Noong una, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3 Nakikita sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.
Juan
Chapter 1:1-18
Naging Tao ang Salita
1 1 Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. 3 Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 4 Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. 5 Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
6
Sinugo ng Diyos ang isang tao na nagngangalang Juan. 7 Naparito siya
upang magpatotoo tungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya sa
pamamagitan niya. 8 Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang
magpatotoo tungkol sa ilaw. 9 Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa
sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
10
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng
sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. 11 Pumunta siya sa
kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. 12
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan
niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. 13 Sila ay naging mga anak
ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa
kagustuhan o sa kagagawan ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Diyos.
14
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang
kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay
puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
15
Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy
ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa
akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”
16
Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat
ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa
pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at
katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong
nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos na pinakamamahal ng
Ama, ang nagpakilala sa Ama.
2 7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. 8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. 9 Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. 10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. 11 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. 12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 2:7-12
A Psalm for Royal Coronations
2 7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. 8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. 9 Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. 10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. 11 Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. 12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment