THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
19 1 Kaya't ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahagupit. 2 Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Jesus. Siya rin ay sinuotan nila ng balabal na kulay ube. 3 Lumapit sila sa kanya at sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At kanilang pinagsasampal si Jesus. 4 Lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao, “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya!” 5 At lumabas si Jesus na may koronang tinik at balabal na kulay ube. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Pagmasdan ninyo ang taong ito!” 6 Pagkakita sa kanya ng mga punong pari at ng mga bantay, sila'y nagsigawan, “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!” Sinabi ni Pilato, “Kayo ang bahala sa kanya at magpako sa kanya sa krus, dahil wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya.” 7 Sumagot ang mga Judio, “Mayroon kaming batas at ayon dito ay nararapat siyang mamatay, sapagkat sinasabi niyang siya'y Anak ng Diyos.”
12 44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. 50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
6 24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan. 25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
22 34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. 35 Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito. 36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya. 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”
12 41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” 42 Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? 43 Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. 45 Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing, 46 darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail. 47 “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. 48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”
Updates MARCH 08, 2020
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Hinatulang Mamatay si Jesus Juan Chapter 19:1-16
Ang Salita ni Jesus ang Hahatol Juan Chapter 12:44-50
Diyos o Kayamanan Mateo Chapter 6:24-34
Ang Pinakamahalagang Utos Mateo Chapter 22:34-40
Ang Tapat at Di Tapat na Alipin Lucas Chapter 12:41-48
Ang Dukha at ang Mayaman Santiago Chapter 1:9-11

TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GABAY NG DIYOS AT KRISTO HESUS SA
MATUWID NA PAMAMAHALA"
"Ayaw mo bang makipag-usap sa akin?" ani Pilato. "Hindi mo ba alam na
maari kitang palayain o ipapako sa krus.. At sumagot si Jesus, "Kaya mo
lamang magaga iyan ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang
kapangyarihang iyan; kaya mabigat ang kasalanan ng nagdala sa akn dito."
Juan 19:10-11
"May
hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking
salita: ang salitang ipinahahayag ko ang hahatol sa huling araw." Juan
12:48
"Ngunit
pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos, at
mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng
pangangailangan ninyo." Mateo 6:33
"Guro
alin po ba ang pinamakahalagang utos sa Kautusan?" Sumagot si Jesus,
"Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong
kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos, At
ang pangalaway katulad nito: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong
sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalaya ang buong kautusan ni
Moises at ang mga turo ng mga propeta." Mateo 22:37-40
"Tumugon
ang Panginoon: "Sino nga ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba siya
ang pamamahalain ng kanyang panginoon sa sambahayan nito, upang magbigay
sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa karampatang panahon? Lucas
12:42
"Ikarangal
ng dukhang kapatid ang pagkakataas sa kanya ng Diyos, at ng mayamang
kapatid ang pagkababa sa kanya, sapagkat ang kayamanan ay lilipas, gaya
ng bulaklak ng damo." Santiago 1:9
Juan
Chapter 19:1-16
Hinatulang Mamatay si Jesus
19 1 Kaya't ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahagupit. 2 Ang mga kawal ay kumuha ng halamang matinik, ginawa itong korona at ipinutong kay Jesus. Siya rin ay sinuotan nila ng balabal na kulay ube. 3 Lumapit sila sa kanya at sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” At kanilang pinagsasampal si Jesus. 4 Lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao, “Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya!” 5 At lumabas si Jesus na may koronang tinik at balabal na kulay ube. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Pagmasdan ninyo ang taong ito!” 6 Pagkakita sa kanya ng mga punong pari at ng mga bantay, sila'y nagsigawan, “Ipako siya sa krus! Ipako sa krus!” Sinabi ni Pilato, “Kayo ang bahala sa kanya at magpako sa kanya sa krus, dahil wala akong nakikitang dahilan upang hatulan siya.” 7 Sumagot ang mga Judio, “Mayroon kaming batas at ayon dito ay nararapat siyang mamatay, sapagkat sinasabi niyang siya'y Anak ng Diyos.”
8
Nang marinig ni Pilato ang sinabi nila, lalo siyang natakot. 9 Muli
siyang pumasok sa palasyo at tinanong si Jesus, “Tagasaan ka ba?”
Subalit hindi tumugon si Jesus. 10 Muling nagtanong si Pilato, “Ayaw
mong magsalita sa akin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan akong
palayain ka o ipapako sa krus?” 11 Sumagot si Jesus, “Hindi ka
magkakaroon ng kapangyarihan sa akin kung hindi iyan ibinigay sa iyo
mula sa langit, kaya't mas mabigat ang kasalanan ng nagdala sa akin dito
sa harapan mo.” 12 Nang marinig ito ni Pilato, naghanap siya ng paraan
upang palayain si Jesus. Ngunit nagsigawan ang mga Judio, “Kapag
pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ng Emperador! Ang sinumang
nagsasabing siya'y hari ay kalaban ng Emperador.” 13 Pagkarinig ni
Pilato sa mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at siya'y umupo sa
upuan ng hukom na nasa dakong tinatawag na “Plataporma,” Gabatha sa
wikang Hebreo. 14 Araw noon ng Paghahanda sa Paskwa, at mag-aalas-dose
na ng tanghali. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Narito ang inyong hari!”
15 Sumigaw sila, “Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!” “Ipapako ko ba
sa krus ang inyong hari?” tanong naman ni Pilato. Sumagot ang mga
punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador!” 16 Kaya't ibinigay
sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus. Kinuha nga nila
si Jesus.
Juan
Chapter 12:44-50
Ang Salita ni Jesus ang Hahatol
12 44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. 50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
Mateo
Chapter 6:24-34
Diyos o Kayamanan
6 24 “Walang aliping makakapaglingkod sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan. 25 “Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano
tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni
gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa
kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga
bulaklak na ito. 30 Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na
buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay
liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 31 “Kaya't huwag kayong
mag-alala na baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't
ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na ito? Alam na ng
inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. 33 Ngunit
higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang
pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang
lahat ng mga bagay na ito. 34 “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang
bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya. Sapat na ang
inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Mateo
Chapter 22:34-40
Ang Pinakamahalagang Utos
22 34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. 35 Isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito. 36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya. 37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”
Lucas
Chapter 12:41-48
Ang Tapat at Di Tapat na Alipin
12 41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?” 42 Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? 43 Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. 45 Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing, 46 darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail. 47 “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. 48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”
Santiago
Chapter 1:9-11
Ang Dukha at ang Mayaman
1
9 Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos,
10 at gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ,
sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. 11 Ang damo
ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga
bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang
mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.