THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
24 29 “Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”
19 11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. 13 Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
1 15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19 at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay.
2 1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
13 1 Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos. 2 Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3 Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. 4 Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?”
14 1 Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang isandaan at apatnapu't apat na libong tao (144,000). Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. 2 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig na sinlakas ng rumaragasang tubig at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga manunugtog ng alpa. 3 Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng matatandang pinuno. Walang matututong umawit sa awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libong (144,000) tinubos mula sa daigdig. 4 Ito ang mga lalaking nanatiling walang dungis at hindi nakipagtalik sa mga babae. Nanatili silang mga birhen. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. 5 Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan. 6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!” 8 Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan!” 9 At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan.” 12 Ito'y panawagan na magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at nananatiling tapat kay Jesus. 13 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo: Mula ngayon, pinagpala ang mga namamatay na naglilingkod sa Panginoon!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga silang pinagpala! Magpapahinga na sila sa kanilang mga pagpapagal; sapagkat sinusundan sila ng kanilang mga gawa.”
Updates MARCH 15, 2020
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Ang Pagparito ng Anak ng Tao Mateo Chapter 24:29-31
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti Revelations Chapter 19:11-21
Ang Panalngin ni San Pablo Efeso Chapter 1:15-21
Ang Suwail 2Tesalonica Chapter 2:1-12
Ang Dalawang Halimaw Pahayag/Revelations Chapter 13:1-18
Ang Tatlong Anghel Pahayag/Revelations Chapter 14:6-13

TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
ITINAKDANG PAMAMAHALA O PAGHAHARI
NG DIYOS MULA KAY KRISTO HESUS
""Pagkatapos
ng kapighatiang iyon, ' Magdidilim ang araw, at hindi magliliwanag ang
buwan, Malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang
kapangyarihan sa kalawakan,' Pagkatapos ay lilitaw sa langit ang tanda
ng Anak ng Tao, at mananangis ang lahat ng bansa. Makikita nila ang
Anak ng Tao nasa alapaap, dumarating na may dakilang kapangyarihan at
makalaking karangalan." Mateo 24:29-30
"Sumunod
sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting
lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. May lumalabas na tabak sa
kanyang bibig; gagamitin niya itong panlupig sa mga bansa. At
pamamahalaanan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at paagusin
mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na makapangyarihan sa
lahat." Revelations 19:15
"Kaya't
nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari,
kapamahalaan, kapangyarihan , at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan
kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa
darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng
bagay, at siya ang ginawang ulo ng iglesya." Efeso 1:21-22
ang
suwail ay malalantad na. Kung magkagayon, pupuksain siya ng panginoong
Jesus sa pamamagitan ng kanyang hininga at pupugnawin ng nakasisilaw na
liwanag na taglay niya sa kanyang pagdating." 2Tesalonica 2:8
"Pinahintulutan
ang halimaw na maghambog, lumait sa Diyos, at maghari sa loob ng
apatnapu't dalawang buwan. Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng
Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng naroroon,. Binigyan din
siya ng pahintulot na digmain at talunin ang mga hinirang ng Diyos, at
ng karapatang mamahala sa bawat lipi, bayan, at Bansa." Revelations
13:5-7
"Kaya't kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga
sumusunod sa utos ng diyos at nanatili sa pananalig kay Jesus."
Revelations 14:12
Mateo
Chapter 24:29-31
Ang Pagparito ng Anak ng Tao
24 29 “Pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan. 30 Pagkatapos, lilitaw sa langit ang tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang lahat ng mga bansa sa daigdig. Makikita nila ang Anak ng Tao na nasa alapaap at dumarating na may dakilang kapangyarihan at kadakilaan. 31 Sa hudyat ng malakas na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang kanyang mga anghel sa apat na sulok ng daigdig at titipunin nila ang mga hinirang mula sa lahat ng dako.”
Pahayag/Revelations
Chapter 19:11-21
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
19 11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. 13 Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
17
Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Sumigaw siya nang
malakas at tinawag ang mga ibon sa himpapawid, “Halikayo, at magkatipon
para sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga
hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga
sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya,
hamak at dakila!”
19
At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama
ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang
hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na
gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga
taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at
ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na
nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa
pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog
nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Efeso
Chapter 1:15-21
Ang Panalngin ni San Pablo
1 15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Hindi ko nakakalimutang ipanalangin kayo. 17 Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga puso upang malaman ninyo ang pag-asa na para doon ay tinawag niya kayo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19 at kung ano ang di-masukat niyang kapangyarihan na kumikilos sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang dakilang kapangyarihan ding iyon 20 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, 23 na siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay.
2Tesalonica
Chapter 2:1-12
Ang Suwail
2 1 Mga kapatid, tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at sa pagtitipon sa atin upang makapiling niya, nakikiusap kami sa inyo 2 na huwag agad magugulo ang inyong isipan o mababahala kung mabalitaan ninyong dumating na ang Araw ng Panginoon. Huwag kayong maniniwala kahit sabihin pa nilang iyon ay pangangaral o pahayag, o isinulat namin. 3 Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang Araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na itinakda sa kapahamakan. 4 Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at magpapakilalang siya ang Diyos.
5
Hindi ba ninyo natatandaan? Sinabi ko na ito sa inyo nang ako'y kasama
pa ninyo. 6 Hindi pa nga lamang nangyayari ito dahil may pumipigil pa,
at alam ninyo kung ano iyon. Lilitaw ang Suwail pagdating ng takdang
panahon. 7 Ngayon pa man ay gumagawa na ang hiwaga ng kasamaan at
mananatiling ganyan hangga't di naaalis ang humahadlang sa kanya. Kung
maalis na ang humahadlang, 8
malalantad na ang Suwail. Ngunit pagdating ng Panginoong [Jesus],
papatayin niya ang Suwail. Bubugahan niya ito ng hininga mula sa kanyang
bibig at pupuksain sa pamamagitan ng kanyang nakakasilaw na liwanag.
9 Paglitaw ng Suwail, taglay niya ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa
siya ng lahat ng uri ng mapanlinlang na mga himala at kababalaghan. 10
Gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak dahil ayaw
nilang mahalin ang katotohanan na makakapagligtas sana sa kanila. 11
Dahil dito, hahayaan ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng
kamalian at maniwala sa kasinungalingan. 12 Sa gayon, mapaparusahan ang
lahat ng natuwa sa paggawa ng kasamaan sa halip na maniwala sa
katotohanan.
Pahayag/Revelations
Chapter 13:1-18
Ang Dalawang Halimaw
13 1 Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos. 2 Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3 Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. 4 Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?”
5
Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa
Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan. 6
Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng
Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7 Pinahintulutan din siyang
digmain at lupigin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng
karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. 8
Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa
mga taong ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa
likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong
pinatay.
9
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig! 10 Ang sinumang itinakdang
mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa tabak ay sa tabak
nga mamamatay. Ito'y isang panawagan na magpakatatag at manatiling tapat
ang mga hinirang ng Diyos.”
11
At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May
dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit
nagsalita ito na parang dragon. 12 Ginamit niya ang lahat ng
kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang
lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na
nagkaroon ng sugat na nakamamatay ngunit gumaling na. 13 Kahanga-hanga
ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng
apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao. 14 Nalinlang niya
ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang
ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa
ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay.
15
Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng
unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang
lahat ng ayaw sumamba sa kanya. 16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang
halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging
sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17 At walang
maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng
halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. 18 Kailangan dito ang
karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng
bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay
animnaraan at animnapu't anim (666).
Pahayag/Revelations
Chapter 14:6-13
Ang Tatlong Anghel