THE BIBLE VERSES
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates SEPTEMBER 06, 2020
-----------------------------------------------------------------------------------------
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------------------------------
Ang Dalawang Halimaw Pahayag Chapter 13:1-18
Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos Pahayag Chapter 16:1-21
Ang Reuna ng Kahalayan Pahayag Chapter 17:1-18
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti Pahayag Chapter 19:11-21
Ang tatlong Anghel Pahayag Chapter 14:6-13
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"GABAY SA KAPAMAHALAAN
MANALIG AT KILALANIN AT PAILALIM
SA PANGINOONG KRISTO HESUS
UPANG HINDI MAPAILALIM SA "666" DIABLO
SA ITINAKDANG PANGHUHUKOM"
"Binigyan
din siya ng pahintulot na digmain at talunin ang hinirang ng Diyos, at
ng karapatang mamahala sa bawat lipi, bayan, wika, at bansa. Sasamba sa
kanya nag lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong
ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, magmula pa nang likhain ang
sanlibutan. Ang akat na ito ay iniingatan ng korderong pinatay."
Pahayag 13:7
"Sapilitang
pinatatakan ng halimaw, sa kanang kamay at noo, ang lahat ng tao dakila
at aba, mayaman at mahirap, alipin at malaya. At walang maaring magbili
o bumili maliban na may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na
katumbas niyon." Pahayag 13:16-17
"At
nakita kong lumabas mula sa bunganga ng dragon, at halimaw at ng
bulaang propeta, ang ikatlong karumal-dumal na espiritung anyong
palaka. Ito'y mga demonyong gumagawa ng kababalaghan. Nilibot nila ang
lahat ng hari sa bong daigdig upang tipunin para labanan sa dakilang
Araw ng Diyos na makapangyarihan a lahat." Pahayag 16:14
"Dirigmain
nila ang Kordero ngunit sila'y tatalunin nito, sapagkat siya ang
Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Makikihati sa kanyang
tagumpay ang gma tinawag, hinirang, at tapat niyang tagasunod." Pahayag
17:14
"Niloob
ng Diyos na sila ay magkaisa at ipailalim nila sa halimaw ang kanilang
karapatan at kapangyarihan, hanggang maganap ang salit ng Diyos."
Pahayag 17:17
"Nabihag
ang halimaw. Nabihag din ang bulaang propeta ng gumagawa ng mga himala
sa harapan ng halimaw. An mga ito ang gingamit niyang pandaya sa mga
taong may tanda ng halimaw at sumasamba sa larawan nito. Ang dalawang
ito ay ihahagis ng buhay sa lawa ng nagliliyab na asupre." Pahayag 19:20
Pahayag
Chapter 13:1-18
Ang Dalawang Halimaw
13 1 Pagkatapos ay nakita kong umaahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalapastangan sa Diyos. 2 Ang halimaw ay parang leopardo, ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bibig ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3 Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na nakamamatay, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. 4 Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi nila, “Sino ang katulad ng halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?”
5
Pinahintulutang magsalita ng kayabangan ang halimaw, lumapastangan sa
Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang (42) buwan. 6
Nilapastangan nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng
Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7 Pinahintulutan din siyang
digmain at lupigin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng
karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. 8 Sasamba sa
kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang
mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ang
sanlibutan. Ang aklat na ito'y pag-aari ng Korderong pinatay.
9
“Ang lahat ng may pandinig ay makinig! 10 Ang sinumang itinakdang
mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa tabak ay sa tabak
nga mamamatay. Ito'y isang panawagan na magpakatatag at manatiling tapat
ang mga hinirang ng Diyos.”
11
At nakita ko ang isa pang halimaw na lumilitaw mula sa lupa. May
dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit
nagsalita ito na parang dragon. 12 Ginamit niya ang lahat ng
kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang
lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na
nagkaroon ng sugat na nakamamatay ngunit gumaling na. 13 Kahanga-hanga
ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw; nagpaulan siya ng
apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao. 14 Nalinlang niya
ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang
ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa
ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit nabuhay.
15 Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng hininga ang larawan ng
unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang
lahat ng ayaw sumamba sa kanya. 16 Sapilitang pinatatakan ng ikalawang
halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging
sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17 At walang
maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng
halimaw o ng bilang na katumbas ng pangalan niyon. 18 Kailangan dito ang
karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng
bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay
animnaraan at animnapu't anim (666).
Pahayag
Chapter 16:1-21
Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos
16 1 Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa pitong anghel, “Humayo na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng pitong mangkok ng poot ng Diyos.” 2 Kaya umalis ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala niyang mangkok. At nagkaroon ng mahahapdi at nakakapandiring pigsa ang mga taong may tatak ng halimaw at sumamba sa larawan nito.
3 Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang mangkok sa dagat. Ang tubig nito ay naging parang dugo ng patay na tao, at namatay ang lahat ng nilikhang may buhay na nasa dagat.
16 1 Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa pitong anghel, “Humayo na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng pitong mangkok ng poot ng Diyos.” 2 Kaya umalis ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala niyang mangkok. At nagkaroon ng mahahapdi at nakakapandiring pigsa ang mga taong may tatak ng halimaw at sumamba sa larawan nito.
3 Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang mangkok sa dagat. Ang tubig nito ay naging parang dugo ng patay na tao, at namatay ang lahat ng nilikhang may buhay na nasa dagat.
4 Ibinuhos naman ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang mangkok sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo rin ang mga ito. 5 At narinig kong sinabi ng anghel na namamahala sa mga tubig, “Ikaw ang Matuwid, na nabubuhay ngayon at noong una, ang Banal, sapagkat hinatulan mo ang mga bagay na ito. 6 Ang mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang ng Diyos at ng mga propeta ay binigyan mo ng dugo upang kanilang inumin. Iyan ang nararapat sa kanila!”
7 At narinig ko ang isang tinig mula sa dambana na nagsasabi, “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!”
8 At ibinuhos din ng ikaapat na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa araw. At ito'y binigyan ng kapangyarihang pasuin ang mga tao sa tindi ng init nito. 9 Napaso nga sila, ngunit sa halip na magsisi at talikuran ang kanilang mga kasalanan at magpuri sa Diyos, nilapastangan pa nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihang magpadala ng ganoong mga salot.
10 Ibinuhos naman ng ikalimang anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kaharian nito. Napakagat-dila sa kirot ang mga tao, 11 at sinumpa nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.
12 At ibinuhos ng ikaanim na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa malaking Ilog Eufrates. Natuyo ang ilog upang magkaroon ng landas para sa mga haring mula sa silangan.
13 At nakita kong lumalabas mula sa bunganga ng dragon, sa bunganga ng halimaw, at sa bunganga ng huwad na propeta, ang tatlong karumal-dumal na espiritung mukhang palaka. 14 Ang mga ito'y mga espiritu ng mga demonyong gumagawa ng mga kababalaghan. Pinuntahan nila ang lahat ng hari sa daigdig upang tipunin para sa labanan sa dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 15 “Makinig kayo! Ako'y darating na parang magnanakaw! Pinagpala ang nananatiling gising at nag-iingat ng kanyang damit. Hindi siya lalakad na hubad at hindi mapapahiya sa harap ng mga tao!”
16 At ang mga hari ay tinipon ng mga espiritu sa lugar na tinatawag sa wikang Hebreo na Armagedon.
17 Pagkatapos nito, ibinuhos ng ikapitong anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa himpapawid. At may nagsalita nang malakas mula sa tronong nasa templo, “Naganap na!” 18 Kumidlat, kumulog, at lumindol nang napakalakas. Ito ang pinakamalakas na lindol mula pa nang likhain ang tao dito sa lupa. 19 Nahati sa tatlong bahagi ang malaking lungsod, at nawasak ang lahat ng lungsod sa buong daigdig. Hindi nga nakaligtas sa parusa ng Diyos ang tanyag na Babilonia. Pinainom siya ng Diyos ng alak mula sa kopa ng kanyang matinding poot. 20 Umalis ang lahat ng mga pulo at nawala ang lahat ng mga bundok. 21 Umulan ng malalaking batong yelo na tumitimbang ng halos limampung (50) kilo bawat isa, at nabagsakan ang mga tao. At nilapastangan ng mga tao ang Diyos dahil sa nakakapangilabot na salot na iyon.
Pahayag
Chapter 17:1-18
Ang Reuna ng Kahalayan
17 1 Pagkatapos, ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok ay lumapit sa akin at sinabi niya, “Halika, ipapakita ko sa iyo kung paano paparusahan ang reyna ng kahalayan na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig. 2 Ang mga hari sa lupa ay nakiapid sa babaing ito, at ang lahat ng tao sa sanlibutan ay nilasing niya sa alak ng kanyang kahalayan.”
3
At napasailalim ako ng kapangyarihan ng Espiritu, at inihatid ako ng
anghel sa dakong ilang. Nakita ko roon ang isang babaing nakasakay sa
isang pulang halimaw. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay.
Nakasulat sa buong katawan nito ang mga pangalang lumalait sa Diyos. 4
Ang damit ng babae ay kulay ube at pula. Ang kanyang mga alahas ay
ginto, mahahalagang bato at perlas. Hawak niya ang isang gintong kopa na
puno ng kanyang kasumpa-sumpang mga gawa at kahiya-hiyang kahalayan. 5
Nakasulat sa kanyang noo ang isang pangalang may lihim na kahulugan,
“Ang tanyag na Babilonia, ang ina ng mga nangangalunya at ng lahat ng
kahalayan sa lupa.”
6
At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga hinirang ng Diyos at sa
dugo ng mga martir na pinatay dahil kay Jesus. Nanggilalas ako nang
makita ko siya. 7 “Bakit ka nanggilalas?” tanong sa akin ng anghel.
“Sasabihin ko sa iyo ang lihim na kahulugan ng babae at ng sinasakyan
niyang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. 8 Ang halimaw na
nakita mo ay buháy noong una ngunit patay na ngayon; muli itong lilitaw
buhat sa napakalalim na hukay at tuluyang mapapahamak. Ang mga taong
nabubuhay sa lupa, na ang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay
mula pa nang likhain ang sanlibutan, ay manggigilalas kapag nakita nila
ang halimaw, sapagkat pinatay na siya ngunit muling lilitaw.
9
“Kailangan dito ang pang-unawa at karunungan: ang pitong ulo ay ang
pitong burol na kinauupuan ng babae. Ang mga ito rin ay pitong hari: 10
bumagsak na ang lima sa kanila, naghahari pa ang isa, at ang huli ay
hindi pa dumarating. Pagdating niya, sandali lamang siyang maghahari. 11
At ang halimaw na buháy noong una ngunit ngayo'y wala na ay isa sa
pitong hari at siyang magiging ikawalo. Siya ay patungo sa kapahamakan.
12
“Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari,
ngunit bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ng halimaw sa loob
ng isang oras. 13 Iisa ang layunin ng sampung ito, at ipapailalim nila
sa halimaw ang kanilang kapangyarihan at karapatan. 14 Makikidigma sila
laban sa Kordero ngunit tatalunin sila ng Kordero, sapagkat siya ang
Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay
ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.”
15
Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang nakita mong mga tubig na kinauupuan
ng babae ay mga lahi, mga bansa, at mga wika. 16 Ang sampung sungay na
nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila
ang lahat ng ari-arian nito at iiwan siyang hubad. Kakainin nila ang
kanyang laman at susunugin siya. 17 Inilagay ng Diyos sa kanilang puso
na isagawa ang kanyang layunin nang sila'y magkaisa at ipailalim nila sa
halimaw ang kanilang kapangyarihang maghari hanggang sa maganap ang mga
salita ng Diyos. 18 Ang babaing nakita mo ay ang tanyag na lungsod na
may kapangyarihan sa mga hari sa lupa.”
Pahayag
Chapter 19:11-21
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
19 11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at sa kanyang ulo ay mayroong maraming korona. Nakasulat sa kanya ang isang pangalan niya na siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan. 13 Basang-basa sa dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay “Salita ng Diyos.” 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumalabas sa kanyang bibig na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”
17
Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Sumigaw siya nang
malakas at tinawag ang mga ibon sa himpapawid, “Halikayo, at magkatipon
para sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga
hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga
sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya,
hamak at dakila!”
19
At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama
ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang
hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na
gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga
taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at
ang huwad na propeta ay inihagis nang buháy sa lawa ng apoy na
nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa
pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog
nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Pahayag
Chapter 14:6-13
Ang tatlong Anghel
14 1 Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang isandaan at apatnapu't apat na libong tao (144,000). Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. 2 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig na sinlakas ng rumaragasang tubig at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga manunugtog ng alpa. 3 Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng matatandang pinuno. Walang matututong umawit sa awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libong (144,000) tinubos mula sa daigdig. 4 Ito ang mga lalaking nanatiling walang dungis at hindi nakipagtalik sa mga babae. Nanatili silang mga birhen. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. 5 Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan. 6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala ang walang hanggang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lipi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!”
8
Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak
na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa
ng alak ng kanyang kahalayan!”
9
At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw, “Sinumang
sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o
sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na
ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa
harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. 11 Ang usok
mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay patuloy na tataas
magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga
sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng
kanyang pangalan.”
12
Ito'y panawagan na magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga
sumusunod sa mga utos ng Diyos at nananatiling tapat kay Jesus. 13 At
narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo:
Mula ngayon, pinagpala ang mga namamatay na naglilingkod sa Panginoon!”
At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga silang pinagpala! Magpapahinga na sila
sa kanilang mga pagpapagal; sapagkat sinusundan sila ng kanilang mga
gawa.”
75 1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. 2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. 3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) 4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: 5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. 6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. 7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 75:1-7
God the Judge of the World
75 1 Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa. 2 Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid. 3 Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah) 4 Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay: 5 Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo. 6 Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas. 7 Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
---------------------------------
-----------------------------------------------------------------
---------------------------------
0 comments:
Post a Comment