TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAINTAIN THE GOOD MULA SA
MABUTING BALITA HANGGANG WAKAS"
"Tumugon
siya," Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at nang
buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong pag-iisip; at, Ibigin
mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.'" Tama ang sagot mo," wika ni
Jesus. "Gawin mo yan at mabubuhay ka." Lucas 10:25-37
Sapagkat ang buong kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, "Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." Galacia 5:1-15
"Ang
pagkahumaling sa mga bagay ukol sa laman ay magbubulid sa kamatayan,
ngunit ang pagsisikap sa mga bagay ukol sa espiritu ay magbubunga ng
buhay at kapayapaan." Roma 8:1-17
"Huwag
na tayong humatol sa isa't isa. Sa halip, ipasiya nating huwag maging
dahilan o sanhi ng pagkakasala ng kapatid." Roma 14:13
"Paalalahanan
mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga
ito, at maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang
magsalita masama sa kaninuman. Kailangang sila'y maging maunawain,
mahinahon at maibigin sa kapayapaan." Tito 3:1-2
"Kaya
nga mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita
tungkol ka Cristo. Sa gayon makabalik man ako sa inyong piling o hindi,
makatitiyak akong kayo'y mananatili sa iisang layunin at sama-sama
ninyong ipagtatanggol ang mabuting balita." Filipos 1:27
Lucas
Chapter 10:25-37
Ang Mabuting Samaritano
10
25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at
siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana
ng walang hanggang buhay? 26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat
sa kautusan? ano ang nababasa mo? 27 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin
mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo,
at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na
gaya ng iyong sarili. 28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo:
gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29
Datapuwa't siya, na ibig magaringganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi
kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao? 30 Sumagot si Jesus at sinabi,
Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog
sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y
humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na. 31 At
nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita
siya ay dumaan sa kabilang tabi. 32 At sa gayon ding paraan ang isang
Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay
dumaan sa kabilang tabi. 33 Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang
paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita
niya, ay nagdalang habag, 34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang
kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay
sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y
inalagaan. 35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at
ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at
ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik
ko. 36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa
nahulog sa kamay ng mga tulisan? 37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa
sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang
gawin mo.
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5
1 Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag
na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin. 2 Narito, akong si
Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli,
ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. 3 Oo, pinatotohanan
kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may
kautangang tumupad ng buong kautusan. 4 Kayo'y hiwalay kay Cristo,
kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa
biyaya. 5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya
ay naghihintay ng pangako ng katuwiran. 6 Sapagka't kay Cristo Jesus,
kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli;
kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
7
Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang
kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan? 8 Ang paghikayat na ito ay hindi
nagmula doon sa tumawag sa inyo. 9 Ang kaunting lebadura ay
nagpapakumbo sa buong limpak. 10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa
Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang
gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman
siya.
11
Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli,
bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa
krus. 12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit
sa pagtutuli.
13
Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang
gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi
sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo. 14 Sapagka't ang
buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito:
Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili. 15 Nguni't kung
kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat
kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.
Roma
Chapter 8:1-17
Pamumuhay ayon sa Espiritu
8
1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 2
Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay
pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Sapagka't ang
hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa
pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin
at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: 4
Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi
nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. 5 Sapagka't ang
mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't
ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. 6 Sapagka't ang
kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay
buhay at kapayapaan. 7 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit
laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni
hindi nga maaari: 8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.
9
Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y
tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y
walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya. 10 At kung si Cristo
ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang
espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. 11 Nguni't kung ang Espiritu
niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na
maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong
mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na
tumitira sa inyo.
12
Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang
mabuhay ayon sa laman: 13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa
laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu
ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. 14
Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila
ang mga anak ng Dios. 15 Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang
espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang
espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama. 16
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y
mga anak ng Dios: 17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga
tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon
nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama
niya.
Roma
14
1 Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi
upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan. 2 May tao na may
pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y
kumakain ng mga gulay. 3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa
hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain:
sapagka't siya'y tinanggap ng Dios. 4 Sino kang humahatol sa alila ng
iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo,
patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y
maitayo.
5
May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal
sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. 6
Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain,
ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at
ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa
Dios. 7 Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang
sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. 8 Sapagka't
kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung
nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay
tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon. 9 Sapagka't dahil dito ay
namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang siya'y maging Panginoon ng
mga patay at gayon din ng mga buhay. 10 Datapuwa't ikaw, bakit
humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga
mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng
hukuman ng Dios.
11
Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't
tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. 12 Kaya
nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang
sarili.
ng mga Cristiano
3
1 Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may
kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti, 2
Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag
makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao. 3
Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga
suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at
kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga
napopoot, at tayo'y nangagkakapootan. 4 Nguni't nang mahayag na ang
kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig
sa tao, 5 Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating
sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa
pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa
Espiritu Santo, 6 Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan
ni Jesucristo na ating Tagapagligtas; 7 Upang, sa pagkaaring-ganap sa
atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon
sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
8
Tapat ang pasabi, at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong
patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya
sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga
bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao: 9
Nguni't ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng
lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan;
sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan. 10 Ang
taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang
pagsaway ay itakuwil mo; 11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay
napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
Filipos
Chapter 1:12-30
Si Cristo ang Buhay
1 12
Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na
nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio; 13 Ano
pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay
ng pretorio, at sa mga iba't iba pa; 14 At ang karamihan sa mga kapatid
sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala,
ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng
Dios. 15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at
sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban: 16 Ang isa'y
gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa
pagsasanggalang ng evangelio; 17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo
dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan
ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.
18
Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa
katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo,
at ako'y magagalak. 19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan
nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at
kapuspusan ng Espiritu ni Cristo, 20 Ayon sa aking maningas na
paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa
buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain
si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa
pamamagitan ng kamatayan. 21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si
Cristo, at ang mamatay ay pakinabang. 22 Nguni't kung ang mabuhay sa
laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan
ko nga kung ano ang aking pipiliin. 23 Sapagka't ako'y nagigipit sa
magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y
lalong mabuti: 24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong
kinakailangan dahil sa inyo. 25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking
nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong
lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya; 26 Upang
managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan
ng aking pagharap na muli sa inyo.
27
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni
Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa
harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay
sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa
pananampalataya sa evangelio; 28 At sa anoman ay huwag kayong
mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng
kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa
Dios; 29 Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi
lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman
alangalang sa kaniya: 30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong
nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 37:1-17
The Fate of the Sinners and the
Reward of the Just
37 1
Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili
ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka't sila'y madaling
puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 3
Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain,
at gawin mong kumain sa kaniyang pagkatapat. 4 Magpakaligaya ka naman sa
Panginoon; at bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
5
Ihabilin mo ang iyong lakad sa Panginoon; tumiwala ka rin naman sa
kaniya, at kaniyang papangyayarihin. 6 At kaniyang palalabasing gaya ng
liwanag ang iyong katuwiran, at ang iyong kahatulan ay gaya ng
katanghaliang tapat. 7 Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, at maghintay
kang may pagtitiis sa kaniya: huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na
gumiginhawa sa kaniyang lakad, dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga
masamang katha.
8
Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa,
iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan. 9 Sapagka't ang mga
manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay: nguni't yaong nagsipaghintay
sa Panginoon, ay mangagmamana sila ng lupain. 10 Sapagka't sangdali na
lamang, at ang masama ay mawawala na: Oo, iyong uusisaing mainam ang
kaniyang dako, at siya'y mawawala na. 11 Nguni't ang maamo ay magmamana
ng lupain, at masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12
Ang masama ay kumakatha laban sa ganap, at pinagngangalit sa kaniya ang
kaniyang mga ngipin. 13 Tatawanan siya ng Panginoon: sapagka't kaniyang
nakikita na ang kaniyang kaarawan ay dumarating.
14
Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog: upang
ilugmok ang dukha at mapagkailangan, upang patayin ang matuwid sa
paglakad: 15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
at ang kanilang busog ay mababali. 16 Mainam ang kaunti na
tinatangkilik ng matuwid, kay sa kasaganaan ng maraming masama. 17
Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan
ng Panginoon ang matuwid.
0 comments:
Post a Comment