TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
HUMAG PAMARISAN ANG
DEMONYO SILA AY MAMAMATAY TAO
AT MANGGAGAWA NG KASAMAAN
Magbuo ng mabuting pagkakaisa mula sa paghahari ng Diyos
"Ang
diyablo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong
ginagawa. Siya'y mamamatay tao na sa simula pa, at kalaban ng
katotohanan, at di matatagpuan sa kanyan ang katotohanan kahit kailan.
Kung siya'y nagsisinumangaling, iya'y likas sa kanya, sapagkat siya'y
sinungaling at ama ng kasinungalingan" Juan 8:44
"Sapagkat
hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, yamang kayo'y wala na sa
ilalim ng kautusan kundi nasa ulalim ng kagandahang loob ng Diyos." Roma
6:14
Kaya
nga, mga kapatid, alang alang sa masagang habag ng Diyos sa atin, ako'y
namamanhik sa inyo: ialay ninyo ang inyong sarili bilang handog na
buhay, banal at kalugod lugod sa kanya." "Maging tunay ang inyong
pag-ibig, kasuklaman ninyo ang masama, pakaiibign ang mabuti." Roma
12:1, 9
"Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti." Efeso 5:16
"Mga
kapatid, ingatan ninyo na huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan
ng pananampalataya hanggang talikdan ang Diyos na buhay. Sa halip
magpaalalahanan kayo araw araw, habang may panahon pa, upang ang sinuman
sa inyo ay di madaya at maging alipin ng kasalanan." Hebreo 3:12-13
"Higit sa lahat pagsumakitan ninyong pagharian kyo ng Diyos, at ipagkakaloob niya ang kinakailangan nyo." Lucas 12:31
Juan
Chapter 8:39-47
Diablo ang iyong Ama
8
39 Sumagot sila, “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Jesus,
“Kung kayo'y tunay na mga anak ni Abraham, gagawin sana ninyo ang
kanyang ginawa. 40 Sinasabi ko lang ang katotohanang narinig ko mula sa
Diyos ngunit pinagsisikapan ninyong ako'y patayin. Hindi ganoon ang
ginawa ni Abraham. 41 Ang ginagawa ninyo'y tulad ng ginawa ng inyong
ama.” Sumagot sila, “Hindi kami mga anak sa labas. Iisa ang aming Ama,
ang Diyos.” 42 Sinabi ni Jesus, “Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama,
inibig sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako nanggaling. Hindi ako
naparito sa sarili kong kagustuhan, kundi isinugo niya ako. 43 Bakit di
ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw ninyong
tanggapin ang itinuturo ko? 44 Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto
ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay
mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman,
sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya
ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat
siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan. 45 Ayaw ninyong
maniwala sa akin sapagkat katotohanan ang sinasabi ko sa inyo. 46 Sino
sa inyo ang maaaring magpatunay na ako'y nagkasala? At kung katotohanan
ang sinasabi ko, bakit ayaw ninyong maniwala sa akin? 47 Ang mula sa
Diyos ay nakikinig sa mga salita ng Diyos, subalit ayaw ninyong makinig
sa akin sapagkat kayo'y hindi mula sa Diyos.”
Roma
Chapter 6:1-14
Patay sa Kasalanan Ngunit Buhay Dahil
Kay Cristo
6 1
Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang
sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2 Hinding-hindi! Tayo'y
patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3 Hindi
ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay
nabautismuhan sa kanyang kamatayan? 4 Samakatuwid, tayo'y namatay na at
nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong
binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.
5
Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng
kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling
pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang
dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay
ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng
kasalanan. 7 Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan
ng kasalanan. 8 Kung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala
tayong mabubuhay rin tayong kasama niya. 9 Alam nating si Cristo na
muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa
kanya ang kamatayan. 10 Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan
para sa lahat ng panahon dahil sa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay
para sa Diyos. 11 Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili
bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy para sa Diyos, sapagkat kayo'y
nakipag-isa na kay Cristo Jesus.
12
Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may
kamatayan upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. 13
Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang
bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa
halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling
binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan
sa kabutihan. 14 Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan,
dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng
kagandahang-loob ng Diyos.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa
kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan.
Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos,
magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung
paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng
kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa
pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo
nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung
pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.
9
Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at
pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at
pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11
Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa
Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa
inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa
pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang
lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Efeso
Chapter 5:1-18
Mamuhay Bilang taong Naliwanagan
5
1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2
Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang
pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay
at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng
kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang
mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na
ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay
nakikilala kung ano talaga ang mga iyon,
14
at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising
ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka
ni Cristo.” 15 Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay
kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo
nang lubusan para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng
kasamaan ang kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa
halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18
Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong
buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong
pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting
espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi
kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 21 Pasakop kayo sa isa't isa
bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.
3
7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag ngayon ang tinig ng
Diyos ay narinig ninyo, 8 huwag patigasin ang inyong mga puso, tulad
noong maghimagsik ang inyong mga ninuno, doon sa ilang nang subukin nila
ako. 9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong mga magulang,
bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. 10
Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin,
ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ 11 At sa galit ko, ‘Ako ay
sumumpang hindi nila kakamtin ang kapahingahan sa aking ipinangakong
lupain.’”
12
Mga kapatid, ingatan ninyong huwag magkaroon ang sinuman sa inyo ng
pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa
Diyos na buháy. 13 Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang ang
panahon ay matatawag pang “Ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo
ng kasalanan at sa gayo'y maging matigas ang puso. 14 Sapagkat tayong
lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang
sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang
sumampalataya. 15 Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig
ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga
puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”
16
Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang
tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises mula sa Egipto? 17 At
kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga
nagkasala at patay na nabuwal sa ilang? 18 At sino ang tinutukoy niya
nang kanyang sabihin, “Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling
ko”? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? 19 Maliwanag kung ganoon na
hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng
pananampalataya.
Lucas
Chapter 12:22-31
Pananalig sa Diyos
12
22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa
inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin,
o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. 23 Sapagkat ang
buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan
ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang
imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong
mahalaga kaysa mga ibon! 25 Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang
buhay ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? 26 Kung hindi ninyo
magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa
ibang mga bagay? 27 Tingnan ninyo ang mga bulaklak sa parang kung paano
sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi
ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit
ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 28 Kung dinadamitan ng
Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong
sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! 29 Kaya't
huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at
iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang
pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama
na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 31 Subalit, bigyang halaga ninyo
nang higit sa lahat ang kaharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang
mga bagay na ito.”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 94:15-23
A Prayer from Deliverance from the Wicked
94
15 Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na
matuwid sa puso. 16 Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga
manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga
manggagawa ng kasamaan? 17 Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong,
ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. 18 Nang aking
sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong
kagandahang-loob, Oh Panginoon. 19 Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa
loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. 20
Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa
pamamagitan ng palatuntunan? 21 Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng
matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. 22 Nguni't ang
Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking
bato na aking kanlungan. 23 At dinala niya sa kanila ang kanilang
sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling
kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
0 comments:
Post a Comment