TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
BAGONG BUHAY BILANG
MGA ANAK NG DIYOS
"Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos." Galacia 3:26
"Dahil
sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang itinalaga upang maging anak niya
sa pamamagitan ni Jesus Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban."
Efeso 1:4-5
"Kayo'y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga, at may pagmamahal na pagtiisan ninyo ang isa't isa." Efeso 4:3
"Kayo'y
hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya't
dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba,
mabait at matiisin." Colosas 3:12
"Tayong
lahat, maging Judio o Griego, alipin man io malaya, ay binautismuhan sa
iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom
sa iisang Espiritu." 1Corinto 12:13
"Ngunit sinabi niya sa kanila, "Ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at tumutupad ang siya kong ina at mga kapatid." Lucas 8:21
Galacia
Chapter 3:21-29
Ang mga Anak at mga Alipin
3
21 Ang ibig bang sabihin nito'y salungat ang Kautusan sa mga pangako
[ng Diyos]? Hinding-hindi! Kung ang kautusang ibinigay ay
nakapagbibigay-buhay, ang tao'y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa
pamamagitan ng pagsunod niya sa Kautusan. 22 Ngunit ayon sa kasulatan,
ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos
ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibinibigay
sa lahat ng sumasampalataya.
23 Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y nakakulong sa
Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. 24
Kaya't ang Kautusan ang naging taga-disiplina natin hanggang sa
dumating si Cristo upang tayo'y maituring na matuwid sa pamamagitan ng
pananampalataya. 25 Ngayong dumating na ang panahon ng pananampalataya,
wala na tayo sa ilalim ng taga-disiplina.
26
Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga
anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. 27 Si Cristo mismo ang
inyong isinuot na parang damit nang kayo'y nabautismuhan sa inyong
pakikipag-isa sa kanya. 28 Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego,
ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa
na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 29 At kung kayo'y
kay Cristo, kayo'y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng
Diyos.
Efeso
Chapter 1:3-14
Ang Pagpapalang Espiritwal sa
Pamamagitan ni Cristo
1
3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal na nagmumula
sa langit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain
ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan
ng ating pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang
kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 pinili niya
tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa
kanyang layunin at kalooban. 6 Sa gayon ay purihin ang kaluwalhatian ng
kanyang kagandahang-loob na sagana niyang ibinigay sa atin sa
pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!
7
Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang
ating mga kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob 8 na
ibinuhos niya sa atin. Ayon sa kanyang karunungan at kaalaman, 9
ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban ayon sa
kanyang layunin na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10 pagdating
ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa
langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
11
Kami ay pinili ng Diyos mula pa sa simula na maging kanya sa
pamamagitan ni Cristo, ayon sa kanyang plano. Ang Diyos ang gumagawa sa
lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Kaming mga unang
umasa sa kanya ay pinili niya at hinirang upang parangalan ang kanyang
kaluwalhatian.
13
Sa pamamagitan ni Cristo, kayo rin na nakarinig ng salita ng
katotohanan, ng Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan, at
sumampalataya sa kanya, ay pinagkalooban ng ipinangakong Espiritu Santo
bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na
makakamit natin nang lubos ang lahat ng pangako ng Diyos sa atin, at sa
gayon ay pupurihin ang kanyang kaluwalhatian.
Efeso
Chapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu
4 1
Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo
na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'y
maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa
inyong pagmamahal sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang
pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod
sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may
iisang pag-asa na para doon kayo'y tinawag ng Diyos. 5 May iisang
Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at
Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at
nananatili sa lahat.
7
Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na
ibinigay ni Cristo. 8 Ganito ang sinasabi ng kasulatan: “Nang umakyat
siya sa kalangitan, nagdala siya ng maraming bihag, at nagbigay ng mga
kaloob sa mga tao.”
9
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ
muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10 Ang bumabâ ay siya rin
namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang
presensya ang buong sangnilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob
upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga
ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa niya ito
upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga hinirang, upang maging
matatag ang katawan ni Cristo, 13 hanggang makarating tayo sa pagkakaisa
ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang
ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon,
hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng
sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay
dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at
panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan
sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na
siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay
pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung
maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan
at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
Colosas
Chapter 3:5-17
Ang Dati at Bagong Buhay
3 5
Kaya't patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo: ang pakikiapid,
karumihan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang
kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito,
tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop sa kanya]. 7
Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pagnanasang iyon nang kayo ay
pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng
loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag
kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati
ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong
pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na
lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa
kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli
at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado, ang alipin at ang
malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa
inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para
sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba,
mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa. Kung may
hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo
ng Panginoon. 14 At higit sa lahat, taglayin ninyo ang pagmamahalan, na
siyang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo
sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang
dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong
lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa
inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong
karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga
awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang
inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng
Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos
Ama.
1Corinto
Chapter 12:12-31
Iisang Katawan ngunit
maraming Bahagi
12
12 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na
binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13
Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay
binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang
katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
14
Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi
lamang. 15 Kung sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako
bahagi ng katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung
sasabihin ng tainga, “Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng
katawan,” hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata
lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang
ang buong katawan, paano ito makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos
ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat
ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan. 20 Ngunit
ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21
Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni
ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga
bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang
mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay
pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na
maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito
kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng
Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga
bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng
pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't
isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung
pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27
Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay
bahagi nito. 28 Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol;
ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng
mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga
tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga
wika. 29 Hindi lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan
ng kakayahang gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit,
magsalita sa iba't ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito. 31
Ngunit buong sikap ninyong hangarín ang mga kaloob na mas dakila. At
ngayo'y ituturo ko sa inyo ang landas na pinakamabuti sa lahat.
Lucas
Chapter 8:19-21
Ang Ina at Kapatid ni Jesus
8
19 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus, ngunit hindi sila
makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya't may nagsabi sa kanya,
“Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid; nais nilang makita kayo.”
21 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng
Diyos ang aking ina at mga kapatid.”
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
AwitChapter 105:1-11
Gods Fdelity to the Promise
105
1 Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang
pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. 2
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. 3 Lumuwalhati
kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na
nagsisihanap sa Panginoon. 4 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang
kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. 5
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang
ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang
bibig; 6 Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga
anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
7
Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa
buong lupa. 8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang
salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi; 9 Ang tipan na
kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac; 10 At
pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na
pinakawalang hanggang tipan: 11 Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang
lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana;
0 comments:
Post a Comment