TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Pag-ibayuhin ang Simbahan para
sa Pananalig sa Diyos at Kapayapaan at
Pagpapairal ng Kabutihan"
"Panginoon,"
Sbi niya, " pinatay nila nag iyong mga propeta at giniba ang inyong
dambana. Ako na lamang ang natira, at ibig pa nila akong patayin!"
Ngunit ano ang sagot sa kanya ng Diyos? "Nagtira ako ng 7,000 lalaking
hindi sumasamba sa diyus-diyusang si Ball." Gayon din sa kasalukuyan,
mayroon pang nalalabi, mga hinirang ng Diyos dahil sa kagandahang loob."
"Yamang
mayroon tayong mga kaloob na magkakaiba ayon sa kagandahang loob ng
Diyos sa atin, gamitin natin ang kaloob na iyan. Kung paghahayag ng
kalooban ng Diyos ang ipinagkaloob sa atin, ipahayag natin ito ayon sa
sukat ng ating pananampalataya; Kung paglilingkod, maglingkod tayo.
Magturo ang tumanggap ng kaloob na magturo at mangaral ang may kaloob na
pangangaral. Kung pagaabuloy, magabuloy ng buong kaya. kung pamumuno,
mamuno nang buong sikap, Kung nagkakawang gawa, gawin ito nang buong
galak."Roma 12:6-8
"At
ang iba'y ginawang apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista,
ang iba'y pastor at guro.. Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod
ang lahat ng hinirang, sa ikauunald ng iglesia. Sa gayon tayong lahat
ay magkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at
magiging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging ganap ni Cristo."
Efeso 4:11-13
"Pasakop
kayo sa mga nangagnasiwa sa inyo; sila'y may pananagutang magbantay sa
inyo, at magbibigay sulit sila sa Diyos ukol dito. Kung sila'y susundin
ninyo magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi,
sila'y mahahapis, at hindi ito makakabubuti sa inyo." Hebreo 13:17
"Ipinamamanhik
ko na alagaan ninyo ang kawan ng ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos,
Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang
kayo, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong
tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pangsariling
kapakinabangan, kundi sa kautwaan maglingkod;" 1Pedro 5:2
"Pag-ibayuhin
ninyo ang ibinibigay sa matatandang mahusay mamahala, lalo na yaong
nangangaral at nagtuturo ng Salita ng Diyos.' 1Timoteo 5:17
Roma
Chapter 11:1-12
KInahabagan ng Diyos ang Israel
11 1
Sinasabi ko nga, Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan? Huwag
nawang mangyari. Sapagka't ako man ay Israelita, sa binhi ni Abraham, sa
angkan ni Benjamin. 2 Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na
nang una pa'y kinilala niya. O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi
ng kasulatan tungkol kay Elias? kung paanong namamagitan siya sa Dios
laban sa Israel na sinabi: 3
Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta, giniba nila ang iyong mga
dambana; at ako'y naiwang nagiisa, at hinahanap nila ang aking buhay. 4
Datapuwa't ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya? Nagtira ako
sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal. 5
Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon
sa pagkahirang ng biyaya. 6 Nguni't kung ito'y sa pamamagitan ng biyaya, ay hindi na sa mga gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya.
7
Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan; datapuwa't
ito'y kinamtan ng pagkahirang, at ang mga iba'y pinapagmatigas: 8 Ayon
sa nasusulat, Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog, ng mga
matang hindi nangakakakita, at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig,
hanggang sa araw na ito.
9
At sinasabi ni David, Ang kanilang dulang nawa'y maging isang silo, at
isang panghuli, At isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila: 10
Manganglabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita,
At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod.
11
Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang
mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y dumating ang pagkaligtas sa
mga Gentil, upang ipamungkahi sila sa paninibugho. 12 Ngayon kung ang
pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi
nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 1
Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga
kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang
haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang
pagsamba. 2 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba
kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan
ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
3
Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay,
sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong
matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may
kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios
sa bawa't isa. 4 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong
tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho
ang gawain: 5 Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay
Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.
6 At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay
sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating
pananampalataya; 7 O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili
sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo; 8 O ang
umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may
magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
9
Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama;
makisanib kayo sa mabuti. 10 Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan
kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; 11 Huwag mga
tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12 Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa
pananalangin; 13 Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging
mapagpatuloy.
14
Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at
huwag ninyong sumpain. 15 Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo
sa nagsisiiyak. 16 Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak
ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa
mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong
sariling mga haka.
17
Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin
ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. 18
Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa
lahat ng mga tao. 19 Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi
bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang
paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. 20 Kaya't kung ang
iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo:
sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa
kaniyang ulo. 21 Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng
mabuti ang masama.
Efeso
Chapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu
4 1
Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y
magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, 2 Ng buong
kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan
kayo-kayo sa pagibig; 3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa
sa Espiritu sa tali ng kapayapaan. 4 May isang katawan, at isang
Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag
sa inyo; 5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa
lahat, at nasa lahat.
7
Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat
na kaloob ni Cristo. 8 Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas
ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga
tao.
9
(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa
mga dakong kalaliman ng lupa? 10 Ang bumaba ay siya rin namang umakyat
sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat
ng mga bagay.) 11 At
pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y
propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga
guro; 12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa
ikatitibay ng katawan ni Cristo: 13 Hanggang sa abutin nating lahat ang
pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios,
hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan
ng kapuspusan ni Cristo: 14 Upang tayo'y huwag nang
maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa
magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng
mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; 15 Kundi sa
pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng
mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;
16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at
nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa
paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa
katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.
Hebreo
Chapter 13:1-18
Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos
13
1 Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid. 2 Huwag ninyong limutin ang
pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan
nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel. 3
Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na
kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay
tinatampalasan sa katawan.
4
Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang
magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga
mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios. 5 Mangilag kayo sa pagibig sa
salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin
ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang
paraan ni hindi kita pababayaan.
6
Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking
katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?
7
Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang
nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng
kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya. 8 Si
Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man. 9
Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't
mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa
pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa
kanila.
10 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo. 11
Sapagka't ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng
dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan,
ay sinusunog sa labas ng kampamento. 12 Kaya naman si Jesus, upang
mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay
nagbata sa labas ng pintuan. 13 Atin nga siyang labasin sa labas ng
kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta. 14
Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap
natin ang bayan na darating. 15 Sa pamamagitan nga niya ay maghandog
tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng
bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. 16 Datapuwa't
ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan:
sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
17
Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila:
sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang
sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag
may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
18
Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay
may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga
bagay.
1Pedro
Chapter 5:1-12
Ang Kawan ng Diyos
5
1 Sa matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, akong matandang kasamahan
ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa
kaluwalhatiang ihahayag:
2
Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng
pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban
ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang
pagiisip; 3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y may
pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi
kayo'y maging mga uliran ng kawan. 4 At pagkahayag ng pangulong Pastor,
ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5
Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa matatanda. Oo,
kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo'y
maglingkuran: sapagka't ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo,
datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 6 Kaya't kayo'y
mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo'y
kaniyang itaas sa kapanahunan; 7 Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat
ng inyong kabalisahan, sapagka't kayo'y ipinagmamalasakit niya.
8
Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban
na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng
masisila niya: 9 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong
pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay
nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. 10 At ang Dios
ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang
kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling
panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa
inyo. 11 Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
1Timoteo
Chapter 5:1-25
Mga Pananagutan sa Kapwa
Mananampalataya
5
1 Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa
ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid: 2 Ang mga
babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na
tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.
3
Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao. 4 Nguni't kung ang
sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito
muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at
magsiganti sa kanilang mga magulang: sapagka't ito'y nakalulugod sa
paningin ng Dios. 5 Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon,
ay may pagasa sa Dios, at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin
gabi't araw. 6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan,
bagama't buhay ay patay. 7 Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman,
upang sila'y mawalan ng kapintasan. 8 Datapuwa't kung ang sinoman ay
hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang
sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong
masama kay sa hindi sumasampalataya.
9
Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung
taon, na naging asawa ng isang lalake, 10 Na may mabuting patotoo
tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, kung
siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y naghugas ng mga
paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap
niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa.
11 Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't
pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay
nagsisipagnasang magasawa; 12 Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't
itinakuwil nila ang unang pananampalataya. 13 At bukod dito ay
nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa
bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi matatabil din naman at mga
mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat. 14 Ibig
ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak,
magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang
pagkadahilanan ng ikalilibak: 15 Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na
sa hulihan ni Satanas. 16 Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may
inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan
ang iglesia, upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao.
17
Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa
ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa
pagtuturo. 18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong
lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay
karapatdapat sa kaupahan sa kaniya. 19 Laban sa matanda ay huwag kang
tatanggap ng sumbong, maliban sa dalawa o tatlong saksi. 20 Sila na mga
nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y
mangatakot. 21 Pinagbibilinan kita sa paningin ng Dios, at ni Cristo
Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na
ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo. 22
Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, ni
huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang
iyong sarili. 23 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka
ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na
pagkakasakit. 24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, na
nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang
sinusundan. 25 Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag: at ang mga
di gayo'y hindi maaaring ilihim.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 99:1-5
The Holy King
99
1 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa
mga querubin; makilos ang lupa. 2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at
siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan. 3 Purihin nila ang iyong
dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal. 4 Ang lakas naman ng
hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay
nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob. 5 Ibunyi ninyo ang
Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang
tungtungan; siya'y banal.
0 comments:
Post a Comment