Magalak Kayo sa Panginoon Filipos Chapter 4:1-9
Pamumuhay Cristiano Roma Chapter 12:1-21
Sinumpa ang Puno ng Igos Mateo Chapter 21:18-22
Isang Katawan Ngunit
Maraming Bahagi 1Corinto Chapter 12:12-31
Maraming PInagaling sa Jesus Mateo Chapter 8:14-17
Ang Pagpapagaling sa Betesda Juan Chapter 5:1-17
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
UNITY TO PRAY FOR PROTECTION
FROM PANDEMIC IN VACCINE
THANKS GOD AND JESUS CHRIST
"Huwag
kayong ,mabalisa tungkool sa anumang bagay. Sa halip ay hingin Diyos
ang lahat inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may
pasasalamat." Filipos 4:6
Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa; magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at laging manalangin."Roma 12:12
At anumang hingin ninyo sa pananalangin ay tatanggapin ninyo, kung nananalig kayo." Mateo 21:22
"Naglagay
ang Diyos sa iglesia, una, ng mga apostol, ikalawa, ng mga propeta;
ikatlo, ng mga guro. Naglagay din siya ng gagawa ng mga kababalaghan,
mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at
mga magsasalit sa ibat ibang wika." 1Corinto 12:28
Nang
gabing iyon, dinala ng mga tao ka Jesus ang maraming inaalihan ng mga
demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang
espiritu, at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. Ginawa niya ito
upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias, "Kinuha niya ang ating
kahinaan At binata ang ating mga karamdaman." Mateo 8:16-17
"Pagkatapos,
nakita siya ni Jesus sa templo, at sinabi sa kanya, "Ngayo'y magaling
ka na! Huwag ka nang magkasala pa, baka may mangyari sa iyo na lalo pang
masama." Juan 5:14
Filipos
Chapter 4:1-9
Magalak Kayo sa Panginoon
4
1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking
kagalakan at karangalan, sa ganitong paraan ay magpakatatag kayo sa
inyong pamumuhay na nakaugnay sa Panginoon. 2 Nakikiusap ako kina Euodia
at Sintique na sila'y magkasundo na bilang magkapatid sa Panginoon. 3
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong katuwang, tulungan mo ang
dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap
ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa
ko. Ang mga pangalan nila'y nakasulat sa aklat ng buhay.
4 Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!
5 Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. 6
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo
sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may
pasasalamat. 7 At ang kapayapaan ng Diyos na hindi
kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at
pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
8 Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na
karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng
inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon,
sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12 1
Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos. 3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa
bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang
higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay
ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng
Diyos sa bawat isa sa inyo.
4
Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba
ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo
tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't
isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng
Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating
kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa
sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob,
maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8
Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung
pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung
pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang
inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak. 9 Maging tunay ang
inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang
mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang
iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at
huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Mateo
Chapter 21:18-22
Sinumpa ang Puno ng Igos
21
18 Kinaumagahan, nang si Jesus ay pabalik sa lungsod, siya'y nakaramdam
ng gutom. 19 Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at
nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang.
Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na
natuyo ang puno. 20 Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y
namangha. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?” tanong nila. 21
Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y maniniwala at hindi
mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na
ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis
ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi. 22 Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung naniniwala kayo.”
1Corinto
Chapter 12:12-31
Isang Katawan Ngunit
Maraming Bahagi
12
12 Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na
binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13
Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay
binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang
katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu. 14 Ang katawan ay
binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang. 15 Kung
sasabihin ng paa, “Hindi ako kamay kaya't hindi ako bahagi ng katawan,”
hindi na nga ba ito bahagi ng katawan? 16 Kung sasabihin ng tainga,
“Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng katawan,” hindi na nga ba
ito bahagi ng katawan? 17 Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano
ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito
makakaamoy? 18 Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan
ayon sa kanyang kalooban. 19 Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho,
hindi iyan maituturing na katawan. 20 Ngunit ang totoo'y marami ang mga
bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
21
Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, “Hindi kita kailangan,” ni
ng ulo, sa mga paa, “Hindi ko kayo kailangan.” 22 Sa katunayan, ang mga
bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan. 23 Ang
mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay
pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na
maganda ang siya nating higit na pinapahalagahan. 24 Hindi na ito
kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Ngunit nang isaayos ng
Diyos ang katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga
bahaging hindi gaanong marangal, 25 upang hindi magkaroon ng
pagkakabaha-bahagi, sa halip ay magmalasakit ang bawat bahagi sa isa't
isa. 26 Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung
pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
27
Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay
bahagi nito. 28 Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol;
ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng
mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga
tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga
wika. 29 Hindi lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan
ng kakayahang gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit,
magsalita sa iba't ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito. 31
Ngunit buong sikap ninyong hangarín ang mga kaloob na mas dakila. At
ngayo'y ituturo ko sa inyo ang landas na pinakamabuti sa lahat.
Mateo
Chapter 8:14-17
Maraming PInagaling sa Jesus
8 14
Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya roon ang biyenan nito
na nakaratay at nilalagnat. 15 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at
nawala ang lagnat nito. Bumangon ang babae at naglingkod kay Jesus. 16
Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga
demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang
espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad
ang sinabi ni Propeta Isaias, “Inalis niya ang ating mga kahinaan,
pinagaling ang ating mga karamdaman.”
JuanChapter 5:1-17
Ang Pagpapagaling sa Betesda
5
1 Pagkaraan nito'y dumating ang isang pista ng mga Judio, at pumunta si
Jesus sa Jerusalem. 2 Sa lungsod na ito, malapit sa Pintuan ng mga Tupa
ay may malaking imbakan ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin
ito sa wikang Hebreo ay Bethzata. 3 Nasa paligid nito ang maraming
maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko. [ 4 Sila'y
naghihintay na gumalaw ang tubig, dahil may panahong ang isang anghel ng
Panginoon ay bumababa at pinapagalaw ang tubig, at ang maunang lumusong
sa tubig matapos na ito'y gumalaw ay gumagaling sa anumang karamdaman.]
5 May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit. 6
Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki
kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?” 7 Sumagot ang
maysakit, “Ginoo, wala pong maglulusong sa akin kapag gumalaw na ang
tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.” 8 Sinabi sa kanya
ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”
9
Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad.
Noo'y Araw ng Pamamahinga 10 kaya't sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa
lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na
dalhin mo ang iyong higaan.” 11 Ngunit sumagot siya, “Ang nagpagaling po
sa akin ang nagsabing buhatin ko ang aking higaan at lumakad ako.” 12
At siya'y tinanong nila, “Sino ang nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong
higaan at lumakad ka?” 13 Ngunit hindi alam ng lalaki kung sino ang
nagpagaling sa kanya, sapagkat maraming tao sa lugar na iyon at nakaalis
na si Jesus.
14
Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at
sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng
kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.” 15 Umalis ang
lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya. 16
Dahil dito, si Jesus ay sinimulang usigin ng mga pinuno ng mga Judio,
sapagkat ginawa niya ito sa Araw ng Pamamahinga.
17
Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang aking Ama ay patuloy sa kanyang
gawain hanggang ngayon, at gayundin ako.” 18 Lalo namang pinagsikapan ng
mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang
batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang ang Diyos ang
kanyang Ama, at sa gayon ay ipinapantay ang kanyang sarili sa Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 91:1-16
Security Under Gods Protction
91 1
Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa
lilim ng Makapangyarihan sa lahat. 2 Aking sasabihin tungkol sa
Panginoon, siya'y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na
siyang aking tinitiwalaan. 3 Sapagka't kaniyang ililigtas ka sa silo ng
paninilo, at sa mapamuksang salot. 4 Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang
mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang
kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. 5 Ikaw ay hindi matatakot sa
kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; 6 Dahil
sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira
sa katanghaliang tapat.
7
Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong
kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. 8 Iyong mamamasdan lamang ng iyong
mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. 9 Sapagka't ikaw, Oh
Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong
tahanan; 10 Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay
lalapit sa iyong tolda. 11 Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga
anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. 12
Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa
sa isang bato. 13 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang
leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa.
14
Sapagka't kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, kaya't
iniligtas ko siya: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka't kaniyang
naalaman ang pangalan ko. 15 Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko
siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at
pararangalan siya. 16 Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at
ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas.
0 comments:
Post a Comment