Gods Mercy, Love, Salvation's thruJesus Christ"
HOLY WEEK
"Samantalang
sila'y kumain, dumampot ng tinapay ni Jesus, at matapos magpasalamat sa
Diyos ay kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa mga alagad. Kunin
ninyo; ito ang aking katawan," wika niya. HInawkan niya ang saro, at
matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat.
Sinabi niya, "Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabbuhos dahil sa
marami." Marcos 14:22-24
"Nang
dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, kanilang ipinako sa krus si
Jesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa
gawing kaliwa. " Lucas 23:33
"Pinalaya tayo ni Cristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paaliping mul!"
Galacia 5:1
"Sapagkat
ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng
Diyos. Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang loob ay pinawalang sala
sila sa pagmamagitan ni Cristo Jesus, na nagpalaya sa kanila." Roma
3:23-24
"Kaya't
kung paanong ang kasalanan ng isang tao ay nagbunga ng kaparusahan sa
lahat, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ang nagdulot ng kapatawaran
at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang
naging makasalanan, gayon din naman,, marami ang pawawalang sala sa
pagsunog ng isang tao." Roma 5:18-19
"Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhy ayon sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo." Filipos 1:27
Lucas
Chapter 23:26-43
Ipinako si Jesus sa Krus
23 26
Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na
taga-Cirene na noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan
dito ang krus habang pinapasunod kay Jesus. 27 Sinusundan si Jesus ng
maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil
sa kanya. 28 Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng
Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong
sarili at ang inyong mga anak. 29 Tandaan ninyo, darating ang mga araw
na sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi
nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ 30 Sa mga araw na
iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa
mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ 31 Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa
kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”
32 May dalawa pang kriminal na inilabas ang mga kawal upang pataying kasama ni Jesus. 33
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila
si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang
kanan at isa sa kaliwa. 34 [Sinabi ni Jesus, “Ama,
patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”]
Nagpalabunutan ang mga kawal upang paghati-hatian ang kasuotan niya. 35
Ang mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay
kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba;
iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na
hinirang ng Diyos!” 36 Nilait din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng
isa at inalok ng maasim na alak, 37 kasabay ng ganitong panunuya, “Kung
ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.” 38 Mayroon
ding nakasulat sa kanyang ulunan [sa wikang Griego, Latin at Hebreo],
“Ito ang Hari ng mga Judio.”
39
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba
ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.” 40
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot
sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na
tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong
ito'y walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin
mo ako kapag naghahari ka na.” 43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa
iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
Galacia
Chapter 5:1-15
Manatiling Malaya
5 1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2
Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo,
binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong
nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong
nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan,
inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa
kagandahang-loob ng Diyos. 5 Kami'y umaasa na magiging matuwid sa
pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu. 6
Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang
isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang gumagawa
sa pamamagitan ng pag-ibig.
7
Maganda na sana ang inyong pagtakbo. Sino ang humarang sa inyong
pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi kayo hihikayatin ng ganyan ng Diyos na
tumawag sa inyo. 9 Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang
buong masa ng harina.” 10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa
bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong
paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo. 11 Mga kapatid,
kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa
ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila
ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa
krus. 12 At ang mga nanggugulo sa inyo ay huwag lamang patuli kundi
tuluyan na nilang putulan ang sarili nila.
13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman
ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman,
kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkat ang
buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong
kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15 Ngunit kung kayo'y
nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mag-ingat kayo at baka
tuluyan ninyong sirain ang isa't isa.
Roma
Chapter 3:21-31
Ang Pagpapawalang sala ng Diyossa tao
3
21 Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang
tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at
ang mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito. 22 Ginagawang matuwid ng
Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay
Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao, 23 sapagkat ang lahat ay
nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24
Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang
ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na
siyang nagpapalaya sa kanila. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang
handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan
ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang
patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya
at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. 26 Ngunit ngayon
ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid
ang mga sumasampalataya kay Jesus.
27
Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo
magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil
sa ating pananampalataya kay Cristo. 28 Kung gayon, maliwanag na sa
pamamagitan ng pananampalataya itinuturing na matuwid ang tao, at hindi
sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang
ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos
din ng mga Hentil, 30 sapagkat iisa lamang ang Diyos. Kapwa niya
ituturing na matuwid ang mga Judio at mga Hentil batay sa kanilang
pananampalataya. 31 Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa
pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga
namin ito.
Roma
Chapter 5:12-21
Si Adan at Cristo
5 12
Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at
ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito,
lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.
13 Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit
kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi itinuturing na kasalanan.
14 Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay
Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa
utos ng Diyos. Si Adan ay anyo ng isang darating.
15 Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang walang bayad na kaloob
ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang
namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng
Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang walang bayad na kaloob sa
maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si
Jesu-Cristo. 16 Ang kaloob na ito ay hindi katulad ng ibinunga ng
pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na
magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman
ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway. 17 Sa pamamagitan ng
pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din
ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at
itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.
18
At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa
lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng
pagpapawalang-sala at buhay sa lahat. 19 Sapagkat kung naging
makasalanan ang marami dahil sa pagsuway ng isang tao, marami rin ang
mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isang tao.
20
Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; ngunit sa pagdami
naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos.
21 Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng
kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa
pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito'y magdudulot ng buhay na walang
hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Filipos
Chapter 1:2-30
Si Cristo ang Buhay
1
12 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang mga nangyari sa akin ay
nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. 13 Nalaman
ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo
dahil sa pagsunod ko kay Cristo. 14 At ang karamihan sa mga kapatid ay
lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking
pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na
ipangaral ang salita ng Diyos.
15
Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa
pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang
nangangaral nang may tapat na hangarin. 16 Si Cristo'y ipinapangaral
nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang
upang ipagtanggol ang Magandang Balita. 17 Ngunit ang iba ay nangangaral
nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin,
sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking
pagkakabilanggo. 18 Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon.
Ikinagagalak ko na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi
ang hangarin ng mga nangangaral. Ang isa ko pang ikinagagalak
19
ay ang pag-asang ako'y makakalaya sa pamamagitan ng inyong mga
panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo. 20 Ang aking
pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay;
kundi sa lahat ng panahon, at lalo na ngayon, ay buong tapang kong
maparangalan si Cristo sa buhay man o sa kamatayan. 21 Sapagkat para sa
akin, ang buhay ay para kay Cristo at ang kamatayan ay pakinabang. 22
Kung ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang sapagkat marami
pa akong magagawang mabubuting bagay. Hindi ko ngayon malaman kung alin
ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo sa loob ko; nais ko nang pumanaw sa
mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti.
24 Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay
na ito. 25 Dahil dito, natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama
ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa
inyong pananalig sa Panginoon. 26 Kung magkagayon, lalo ninyo akong
maipagmamalaki at lalo ninyong pupurihin si Cristo Jesus dahil sa aking
pagbabalik sa inyo.
27
Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon
sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong
piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y naninindigan sa iisang
diwa at sama-samang ipinaglalaban ang pananampalataya sa Magandang
Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo
sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y
ililigtas ng Diyos. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang
manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.
30 Ngayon, kasama ko na kayo sa pakikipaglabang nakita ninyong ginawa ko
noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 119:41-50
A Prayer to God the
Law Giver
41
Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon,
sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita. 42 Sa
gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin;
sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita. 43 At huwag mong lubos na
kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa
iyong mga kahatulan. 44 Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi
magpakailan-kailan pa man. 45 At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't
aking hinanap ang iyong mga tuntunin. 46 Ako nama'y magsasalita ng iyong
mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya. 47 At ako'y
maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig. 48 Akin namang itataas ang
aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay
sa iyong mga palatuntunan. 49 Iyong alalahanin ang salita sa iyong
lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako. 50 Ito'y aking kaaliwan sa aking
pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
0 comments:
Post a Comment