Saturday, April 3, 2021

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates APRIL 04, 2021

0 comments

 



THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
 
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS

Updates APRIL 04, 2021

——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU

-----------------------------------------------------------------------------------------

Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos 1Corinto Chapter 6:12-20
Pammuhay Ayonsa Espiritu Roma Chapter 8:1-17
Muling Nabuhay si Jesus Mateo Chapter 28:1-10
Sinugo ni Jesus ang Labing isang Alagad Mateo Chapter 28:11-20
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit Gawa Chapter 1:6-11





TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"JESUS CHRIST RESURRECTION"
ANG PAGKATALO NG KAPANGYARIHAN NG DIABLO
AT KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN


"Muling binuhay n Diyos ang Panginoong Jesus, at tayo ma'y muli niyang bubuhayin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan." 1Corinto 6:14

"Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang bumuhay kay Jesu-Cristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. " Roma 8:11

"Biglang lumindol ng malakas, Bumaba mulasa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon.  Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at ang kanyang damit ay kasimputi ng busilak.  Ngunit sinabi nito sa mga babae, "Huwag kayong matakot; alam kong hinhanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.  Wala na siya rito, sapagkat siya'y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. " Mateo 28:2-6

"Lumapit si Jesus at sinabi sa kanil, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa.  Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.  Bautismuhan ninyo sila sa ngalan na Ama, Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinauutos ko sa inyo.  Tandaan ninyo: ako'y laging kasama ninyo hanggang katapusan ng sanlibutan." Mateo 28:18-20

"Pagkasabi nito, siya'y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.  Habang sila'y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi agn biglang tumayo sa tabi nila.  "Mga taga Galilea," sabi nila " bakit kayo narito't nakatingala sa langit? Itong sa Jesus, na umakyat sa langit, ay magbablik tuad na nakita ninyong opag-akyat niya."  Gawa 1:9-11



1Corinto
Chapter 6:12-20
Ang Katawan ninyo'y Templo ng Diyos

6 12 Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ay nararapat. Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid; nguni't hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman. 13 Ang mga pagkain ay sa tiyan, at ang tiyan ay sa mga pagkain: nguni't kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito. Datapuwa't ang katawan ay hindi sa pakikiapid, kundi sa Panginoon; at ang Panginoon ay sa katawan: 14 At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

15 Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo, at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot? Huwag nawang mangyari. 16 O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot, ay kaisang katawan niya? sapagka't sinasabi niya, Ang dalawa ay magiging isang laman. 17 Nguni't ang nakikisama sa Panginoon, ay kaisang espiritu niya.

18 Magsitakas kayo sa pakikiapid. Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan; nguni't ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan. 19 O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili; 20 Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios.


Roma
Chapter 8:1-17
Pammuhay Ayonsa Espiritu

8 1 Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. 2 Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan: 4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. 5 Sapagka't ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman; datapuwa't ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu. 6 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan. 7 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: 8 At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios.

9 Datapuwa't kayo'y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo'y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa't kung ang sinoma'y walang Espiritu ni Cristo, siya'y hindi sa kaniya. 10 At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa't ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. 11 Nguni't kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.

12 Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman: 13 Sapagka't kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa't kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. 14 Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. 15 Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama. 16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios: 17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya. 18


Mateo
Chapter 28:1-10
Muling Nabuhay si Jesus

28 1 Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan. 2 At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito. 3 Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe: 4 At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay. 5 At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus. 6 Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon. 7 At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo. 8 At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad. 9 At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba. 10 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.



Mateo
Chapter 28:11-20
Sinugo ni Jesus ang Labing isang Alagad

28
16 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus. 17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan. 18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. 19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: 20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.



Gawa
Chapter 1:6-11
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit

1 6 Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito? 7 At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. 8 Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. 9 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. 10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; 11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.





THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS


Awit
Chapter 9:4-10
Thanksgiving for Victor and
Prayer for Justice

9 4 Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran. 5 Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man. 6 Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi. 7 Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan. 8 At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. 9 Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan; 10 At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan sila na nagsisihanap sa iyo.





FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.


HEBREWS 4:7 

"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."


 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and 
Bible lights us all with the lights and 
miracles of Mother Mary"

"keep faith"



THE BIBLE VERSES SOURCES

ENGLISH AND TAGALOG VERSION


http://www.catholic.org/bible/

http://wwwmigrate.usccb.org/bible/books-of-the-bible/index.cfm



LINKS:

ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG


BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
--------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail