"PAMUMUHAY KRISTIYANO
PAMAMAHALA NG DIYOS"
"Huwag humusga magbahagi at magmalasakit"
"At
sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking
Ama! Pumasok na kayo at manirahan s kahariang inihanda para sa inyo mula
pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako'y magutom at inyong
pinakain, nauhaw at iyong pinainom." Mateo 25:24-35
"Magbigay
kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig at
umaapaw pa ang ibibigay sa inyo." "Bakit mo nakikita ang puwing sa ng
iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong
mata?"Lucas 6:38, 41
"Huwag
kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Magiba na kayo at magbago ng
isip upang mabatid ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos kung ano ang
mabuti, at nakalulugod sa kanya at talagang ganap." Roma 12:2
"Kung
nanatili kayo sa akin at nanatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo
ang anumang maibigan ninyo, at ipagkakaloob sa inyo." Juan 15:7
"Kaya
sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; humanap kayo at
kayo'y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto'y bubuksan para sa
inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi ; nakasusumpong anbg
bawat humahanap; at bubuksan ang pinto sa baswat kumakatok." Lucas
11:9-10
"Magtulungan
kayo sa pagdadala ng pasanin, at sa ganitong paraa'y matutupad ninyo
ang utos ni Cristo. Samanatalahin natin ang lahat ng pagkakataon sa
paggawa ng mabuti sa ating kapwa, lalo na sa mga kapatid sa
pananampalataya." Galacia 6:2, 10
Mateo
Chapter 25:31-46
Ang Paghuhukom
25 31
“Sa maluwalhating pagdating ng Anak ng Tao, kasama ang lahat ng anghel,
uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Tipunin sa harapan niya
ang lahat ng mga bansa at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng
ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Ilalagay niya sa
kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. 34
Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, ‘Halikayo, mga
pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda
para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y
nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong
pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y hubad at
ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at
inyong pinuntahan.’ 37 “Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po
namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming
pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y
hubad at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit
o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?’ 40 “Sasabihin ng Hari, ‘Tandaan
ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa
akin ninyo ito ginawa.’
41
“Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa harapan ko,
kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para
sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako
pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y
nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi
ninyo ako dinamitan noong ako'y hubad. Hindi ninyo ako dinalaw noong
ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.’ 44 “At sasagot din
sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang
matuluyan, hubad, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo
tinulungan?’ 45 “At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang
pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang
inyong pinagkaitan.’ 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang
hanggan, ngunit ang mga matuwid ay pupunta sa buhay na walang hanggan.”
Lucas
Chapter 6:37-42
Paghatol sa Kapwa
6
37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong
magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo'y
patatawarin. 38 Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din; hustong takal,
siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat
na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.” 39
Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang
isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag
ginawa nila ang ganoon! 40 Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro,
ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang
guro.
41
“Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo
pinapansin ang troso sa iyong mata? 42 Paano mo masasabi sa iyong
kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi
mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna
ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo
na ang puwing ng iyong kapatid.”
Roma
Chapter 12:1-21
Pamumuhay Cristiano
12
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa
atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang
isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang
karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon,
magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban
ng Diyos.
3
Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa
inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa
nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong
katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa
bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming
bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na
tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat
ay bahagi ng isa't isa.
6
Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos,
kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay
pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng
ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod
tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob
ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong
kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo
nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo
iyan nang buong galak. 9 Maging tunay ang inyong pagmamahalan.
Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo
bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa
pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad.
Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa
inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging
manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at
patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.
14
Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag
sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga
tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa
halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha. Huwag ninyong ipalagay na
kayo'y napakarunong.
17
Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay
nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin
ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng
sinuman 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon
sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang
gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip, “Kung nagugutom ang iyong
kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton
ka ng mga baga sa kanyang ulo.” 21 Huwag kayong magpadaig sa masama,
kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.
Juan
Chapter 15:1-17
Ang Tunay ng Puno ng Ubas
15
1 “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2
Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang
pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa
nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi
ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi
magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi
kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
5
“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at
ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong
magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin,
gaya ng sanga ay itinatapon at natutuyo. Ang ganoong mga sanga ay
tinitipon, inihahagis sa apoy at nasusunog. 7 Kung nananatili kayo sa
akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang
anumang nais ninyo at matutupad iyon para sa inyo. 8 Napaparangalan ang
aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga at sa gayon kayo'y magiging
mga alagad ko. 9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig
ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad
ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
11
“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan
ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking
utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Ang
pinakadakilang pag-ibig na maaaring taglayin ng sinuman para sa kanyang
mga kaibigan ay ang ialay ang kanyang buhay para sa kanila. 14 Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na
kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama. 16 Hindi kayo ang pumili sa akin, ako ang pumili sa inyo. Hinirang
ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Sa
gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ay ibibigay
sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Lucas
Chapter 11:1-13
Ang Turo ni Jesus Tungkol
sa Panalangin
11
1 Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siya'y matapos,
sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan po ninyo kaming
manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.” 2 Sinabi ni
Jesus sa kanila, “Kung kayo'y mananalangin, sabihin ninyo,
‘Ama,
sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. 3
Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw. 4 At patawarin mo kami sa
aming mga kasalanan, sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa
amin. At huwag mo kaming hayaang matukso.’”
5
Sinabi pa rin niya sa kanila, “Ipalagay nating isang hatinggabi, isa sa
inyo'y nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, ‘Kaibigan, pahiram
muna ng tatlong tinapay. 6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang
naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!’ 7 At ganito naman ang sagot
ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, ‘Huwag mo akong gambalain! Sarado
na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako
makakabangon para bigyan ka ng kahit ano.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, hindi
man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan, babangon siya
upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit nito. 9
Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap
kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 10
Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay
makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11 Kayong mga ama,
bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda?
12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog? 13
Kayo ngang masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong
mga anak. Lalo na ang inyong Ama na nasa langit, na magbibigay ng
Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!”
Galacia
Chapter 61-10
Magtulungan sa Pagdadala
ng Pasanin
6 1
Mga kapatid, kung may isa sa inyo na mahulog sa pagkakasala, kayong
pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Subalit gawin ninyo
iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2
Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan
ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo. 3 Kung inaakala ninyong
kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang
inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang gawa. Sa gayon, ang
kanyang kagalakan ay nakabatay sa kanyang gawa. Huwag na niyang ihambing
pa iyon sa gawa ng iba, 5 sapagkat ang bawat isa ay dapat magdala ng
kanyang sariling dalahin.
6 Ang mga tinuturuan ng salita ng Diyos ay dapat magbahagi ng lahat ng magagandang bagay sa mga nagtuturo.
7
Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; hindi maaaring tuyain ang
Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang
nagtatanim para sa sarili niyang laman ay aani ng pagkabulok mula sa
laman. Ngunit ang nagtatanim para sa Espiritu ay aani ng buhay na walang
hanggan. 9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat
pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10
Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng
tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 112:1-10
The Blessings of the Just
112
1 Purihin ninyo ang Panginoon. Mapalad ang tao na natatakot sa
Panginoon, na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos. 2 Ang kaniyang
binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa; ang lahi ng matuwid ay
magiging mapalad. 3 Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay: at
ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. 4 Sa matuwid ay
bumabangon ang liwanag sa kadiliman: siya'y mapagbiyaya at puspos ng
kahabagan, at matuwid. 5 Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at
nagpapahiram, kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan. 6
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man; ang matuwid ay
maaalaalang walang hanggan. 7 Siya'y hindi matatakot sa mga masamang
balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon. 8 Ang
kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot, hanggang sa kaniyang
makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway. 9 Kaniyang pinanabog,
kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay
nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may
karangalan. 10 Makikita ng masama, at mamamanglaw; siya'y magngangalit
ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw: ang nasa ng masama ay mapaparam.
0 comments:
Post a Comment