Saturday, March 28, 2026

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates MARCH 29, 2026

0 comments

 


THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS



THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MARCH 29, 2026
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

 

 
 
 
 
 
 
Ang Matagumpay na  Pagpasok sa Jerusalem Lucas Chapter 19:28-40
Ipinako si Jesus sa Krus Juan Cbapter 19:15-27
Ipinako si Jesus Krus Lucas Chapter 23:39-43
Ang Pagkamatay ni Jesus Lucas Chapter 23:44-49
Ang Pagpapawalang-sala ng Roma Chapter 3-27-31
 
 


 
TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
THEME: "PAGPAPAWALANG SALA 
NG DIYOS SA MGA TAO SA
PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESU CRISTO"
  
HOLY WEEK: "Pagkapako
ng Pnginoong Jesu Cristo at Paghihirap niya"
 
Pagkilala sa Panginoong Jesu Cristo
Bilang Hari ( Linggo ng Palaspas)

"Nagpatuloy si Jesus patungo sa lunsod, at inilatag naman ng mga tao ang kanilang mga balabal sa kanyang daraanan.  Nang malapit na siya patusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo nagsigawan ang buong pangkat ng mga alagad at malakas na nagpuri sa Diyos dahil s lahat ng kababalaghang nasaksihan nila,  Ang wika nila, "Purihin ang hari na dumarating saa ngalan ng Panginoon.  Kapayapaan sa langit!  Purihan ang Diyos!"  Lucas 19:36-38

"Kayat si Jesus ay Ibinigay sa kanila ni Pilato upang ipako sa krus.  Kinuha nga nila si Jesus.  At lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa luar na kung tawagiy "Dako ng Biungo" ( sa wikang Hebreo'y Golgota ).  Pagdating duon, siya'y ipinako nila sa krus, kasama ang dalawa pa isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. " Juan 19:15-18
 
"Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin at ang sabi, "Hindi ba ikaw ang Mesias? Iligtas mo ang iyong sarili pari kami!  Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama,  "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma'y pinarurusahang tulad niya! Matuwid na tayo'y parusahan ng ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama."  At sinabi niya, "Jesus alalahanin mo ako kapag naghahari ka na."  Sumabot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo: ngayon di'y isasama kita sa paraiso."  Lucas 23:39-43

"Nang magiikalabindalawa ng tanghali at nagdilim sa buong lupain hanggang ikatlo ng hapon; nawalan ng liwanag ang araw; at nawahak ang gitna ng tabing ng templo.  Sumigaw ng malaks si Jesus "Ama sa mg kamay mo'y ipinagtatagubilin ko ng aking espiritu.!" At pagkasbi nito'y nalagot ang kanyang hninga." Lucas 23:44-46

"Pinawalang sala ng Diyos ang lahat ng nananalig kay Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya; maging Judio at maging Hentil.  Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.  Gayunman, dahil sa kanyang kagandahang loob ay pinawalang sala sila sa pamamagitan ni Cristo Jesus, na nagpalaya sa kanila.  Siya ang itinakda ng Diyos na maging handog, upang sa pagbububo ng kanyang dugo ay maipatawad ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upag ipakilala na siya'y matuwid; sapaglat nuong una nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng tao."  
Roma 3:22-25.
 
 
 
Lucas
Chapter 19:28-40
Ang Matagumpay na 
Pagpasok sa Jerusalem
(Mt. 21:1-11; Mc. 11:1-11; Jn. 12:12-19)

19 28 Pagkasabi- nito, nauna si Jesus papuntang Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Bethfage at Bethania, sa Bundok ng mga Olibo, isinugo niya ang dalawa sa kanyang mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo'y matatagpuan ninyo ang isang batang asno na nakatali; hindi pa iyon nasasakyan ninuman. Kalagan ninyo at dalhin dito. 31 Kapag may nagtanong kung bakit ninyo iyon kinakalagan, sabihin ninyong kailangan iyon ng Panginoon.”

32 Lumakad nga ang mga inutusan at natagpuan nila ang asno, ayon sa sinabi ni Jesus. 33 Habang kinakalagan nila ang batang asno, tinanong sila ng mga may-ari, “Bakit ninyo kinakalagan iyan?”
 
34 “Kailangan po ito ng Panginoon,” tugon nila.

35 Dinala nila kay Jesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya'y pinasakay nila. 36 Habang siya'y nakasakay sa asno, inilalatag naman ng mga tao ang kanilang mga balabal sa kanyang dinaraanan. 37 Nang siya'y malapit na sa lungsod, palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kahanga-hangang pangyayaring kanilang nasaksihan. 38 Sinabi nila, “Pinagpala ang haring dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Papuri sa Kataas-taasan!”

39 Sinabi naman sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, patigilin ninyo ang inyong mga alagad.”

40 Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo, kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw.”




 
Juan
Cbapter 19:15-27
Ipinako si Jesus sa Krus
(Mt. 27:32-44; Mc. 15:21-32; Lu. 23:26-43)

19 16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus.Kinuha nga nila si Jesus. 17 Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha sa wikang Hebreo. 18 Doon ay ipinako siya sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. 19 Gumawa si Pilato ng isang karatula at inilagay sa krus; ganito ang nakasulat: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” 20 Nakasulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lungsod ang dakong pinagpakuan kay Jesus. 21 Kaya't sinabi ng mga punong pari kay Pilato, “Huwag ninyong isulat, ang ‘Ang Hari ng mga Judio’, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’”
 
22 Ngunit sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko'y naisulat ko na.”
 
23 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-hati sa apat na bahagi, isa sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. 24 Kaya't- nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan,
“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan;
 
at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.”
 
Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.
 
25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!”
27 At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.
 
 
 
Lucas
Chapter 23:39-43 
Ipinako si Jesus Krus
(Mt. 27:32-44; Mc. 15:21-32; Jn. 19:17-27)

23 39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”

40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” 42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”

43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”
 
 
 
 

Lucas
Chapter 23:44-49
Ang Pagkamatay ni Jesus
(Mt. 27:45-56; Mc. 15:33-41; Jn. 19:28-30)

44 Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. 45 Nawalan- ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna. 46 Sumigaw- nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.47 Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!”48 Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang makita nila ang mga nangyari, umuwi silang dinadagukan ang kanilang dibdib dahil sa lungkot. 49 Nakatayo- naman sa di-kalayuan ang mga kasamahan ni Jesus, pati ang mga babaing sumama sa kanya mula sa Galilea. Pinagmasdan nila ang mga pangyayaring ito.
 
 


Roma
Chapter 3-27-31
Ang Pagpapawalang-sala ng 
Diyos sa Tao
 
3 21 Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang tao. Ito'y hindi sa pamamagitan ng Kautusan; bagaman ang Kautusan at ang mga Propeta ang nagpapatotoo tungkol dito. 22 Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao, 23 sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob na walang bayad niyang ibinigay, sila ay itinuring na matuwid sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid, sapagkat noong unang panahon ay nagtimpi siya at pinagtiisan ang mga kasalanang nagawa ng mga tao. 26 Ngunit ngayon ay ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at itinuturing niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus.
 
27 Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil sa ating pananampalataya kay Cristo. 28 Kung gayon, maliwanag na sa pamamagitan ng pananampalataya itinuturing na matuwid ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos din ng mga Hentil, 30 sapagkat- iisa lamang ang Diyos. Kapwa niya ituturing na matuwid ang mga Judio at mga Hentil batay sa kanilang pananampalataya. 31 Pinapawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga namin ito.






THE WISDOM BOOKS AND  
EVANGELIZATIONS


Awit
Chapter 32:1-11
Remission of Sin

32 1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan. 2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya. 3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw. 4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah) 5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. 6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya. 7 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah) 8 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo. 9 Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo. 10 Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot. 11 Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.




FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail