Saturday, February 2, 2019

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates FEBRUARY 03, 2019

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates FEBRUARY 03, 2019

 
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ang Pagkakaisa sa Espiritu Efeso Chapter 4:1-16
Lumapit Tayo sa Diyos Hebreo Chapter 10:19-39
Manatili Kayong Malaya Galacia Chapter 5:1-15

Ang Paglilingkod ni Pablo sa Tesalonica 1Tesalonica Chapter 2:1-16
Ang Dalawang Halimaw Pahayag Chapter 13:1-18





TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"PAGKAKAISA SA KAPAYAPAAN AT BUHAY
HINDI LABANAN AT KAMATAYAN"


"Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan." May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang bautismo, isang diyos at Ama nating lahat.  Siya'y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat."   Efeso 4:3,5-6


"At sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawa't isa sa pag-ibig sa kapwa. at sa paggawa ng mabuti." Hebreo 10:24

"Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap." Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ngunit kung kayu-kayo'y magkakagatan at magsasakmalang parang mga hayop, kayo'y mauuubos." Galacia 5:14-15


"Kaya't ang aming pangangaral ng Mabuting Balita sa mga Hentil sa ikaliligtas ng mga ito ay pilit nilang hinahadlangan. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan kayat bumagsak sa kanila ang poot ng Diyos." 1Tesalonica 2:16


"Kung kayo'y may pandinig, makinig kayo! ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang matakdang mamatay sa tabak ay sa tabak mamatay.  Kaya't kailangang magpakatatag at manalig ang mga hinirang ng Diyos." Pahayag 13:9-10



Efeso
Chapter 4:1-16
Ang Pagkakaisa sa Espiritu

1Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. 3Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. 5Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.
7Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo. 8Ganito ang sinasabi ng kasulatan:

“Nang umakyat siya sa kalangitan,

nagdala siya ng maraming bihag,

at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.”

9Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. 10Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha. 11At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. 12Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, 13hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. 15Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. 16Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.


Hebreo
Chapter 10:19-39
Lumapit Tayo sa Diyos

19Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan. 24Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

26Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at magpatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27Ang naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. 29Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at humamak sa mahabaging Espiritu? 30Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.” 31Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!

32Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na pinapahirapan. 34Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng kayamanan, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo. 35Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako. 37Sapagkat,

“Kaunting panahon na lamang;

hindi na magtatagal, at si Cristo ay darating na.

38Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,

ngunit kung siya'y tatalikod,

hindi ko siya kalulugdan.”

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas.



Galacia
Chapter 5:1-15
Manatili Kayong Malaya

1Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!

2Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo. 3Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan. 4Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos, 5ngunit kami'y umaasa na kami'y magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. 6Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa mga gawaing udyok ng pag-ibig.

7Mabuti na sana ang inyong ginagawa. Sino ang pumigil sa inyong pagsunod sa katotohanan? 8Hindi iyan gagawin ng Diyos na tumawag sa inyo. 9Ang sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.” 10Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo.

11Mga kapatid, kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus. 12Mabuti pa'y tuluyan nang magpakapon ang mga nanggugulo sa inyo at hindi lang magpatuli.

13Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14Sapagkat ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 15Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mauubos kayo.



1Tesalonica
Chapter 2:1-16
Ang Paglilingkod ni Pablo sa Tesalonica

1Mga kapatid, kayo na rin ang nakakaalam na hindi nawalan ng kabuluhan ang pagpunta namin sa inyo. 2Alam ninyong hinamak kami't ininsulto sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. 3Ang pangangaral namin sa inyo ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang pagnanasa, o sa hangad na manlinlang. 4Sapagkat minarapat ng Diyos na ipagkatiwala sa amin ang Magandang Balita, nangangaral kami sa inyo, hindi upang bigyang-kasiyahan ang tao, kundi ang Diyos na nakakasiyasat ng ating puso. 5Alam ng Diyos at alam din ninyo na ang aming pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng matatamis na pangungusap, o ng mga salitang nagkukubli ng kasakiman. 6Hindi kami naghangad ng papuri ninyo o ninuman 7kahit na, bilang mga apostol ni Cristo, ay may katuwiran kaming umasa ng ganoon. Ngunit naging magiliw kami sa inyo, tulad ng isang mapagkalingang ina sa kanyang mga anak. 8Dahil sa laki ng aming pagmamahal sa inyo, hindi lamang namin inihandog ang aming sarili sa pangangaral sa inyo ng Magandang Balita, kundi maging ang aming buhay ay ihahandog din namin. 9Mga kapatid, tiyak na natatandaan pa ninyo kung paano kami nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balitang mula sa Diyos.

10Saksi ang Diyos at saksi rin namin kayo, kung paanong naging dalisay, matuwid, at walang kapintasan ang aming pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. 11Tulad ng alam ninyo, kami'y naging parang ama sa bawat isa sa inyo. 12Pinayuhan namin kayo, pinalakas namin ang inyong loob, at hinikayat na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na tumawag sa inyo upang mapabilang sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.

13Kaya nga, palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, hindi ninyo ito tinanggap mula sa tao, kundi bilang tunay na salita ng Diyos, at ang bisa nito'y nakikita sa buhay ninyo na mga sumasampalataya. 14Mga kapatid, ang nangyari sa inyo ay tulad ng nangyari sa mga iglesya ng Diyos sa Judea, sa mga nananalig kay Cristo Jesus. Inuusig kayo ng inyong mga kababayan, tulad din ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15Ang mga Judiong ito ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta. Sila rin ang umuusig sa amin. Nagagalit sa kanila ang Diyos at kaaway sila ng lahat ng tao! 16Hinahadlangan nila ang aming pangangaral na makakapagligtas sa mga Hentil. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan, kaya't ngayon ay bumagsak na ang poot ng Diyos sa kanila.



Pahayag
Chapter 13:1-18
Ang Dalawang Halimaw

1Pagkatapos ay nakita kong umahon sa dagat ang isang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay. May korona ang bawat sungay nito at sa bawat ulo ay nakasulat ang mga pangalang lumalait sa Diyos. 2Ang halimaw ay parang leopardo, ngunit ang mga paa nito'y tulad ng mga paa ng oso, at ang bibig ay parang bunganga ng leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang sariling lakas, trono at malawak na kapangyarihan. 3Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang may sugat na halos ikamatay nito, ngunit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig sa nangyaring ito, at nagsisunod sila sa halimaw. 4Sinamba ng lahat ng tao ang dragon sapagkat ibinigay nito ang kanyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw. “Sino ang makakatulad sa halimaw? Sino ang makakalaban sa kanya?” sabi nila.

5Pinahintulutang magyabang ang halimaw, manlait sa Diyos, at maghari sa loob ng apatnapu't dalawang buwan. 6Nilait nga niya ang Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang tahanan ng Diyos, at ang lahat ng nakatira doon. 7Pinahintulutan din siyang salakayin at gapiin ang mga hinirang ng Diyos, at binigyan siya ng karapatang mamahala sa bawat lahi, lipi, wika, at bansa. 8Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito'y iniingatan ng Korderong pinatay.

9“Ang lahat ng may pandinig ay makinig! 10Ang sinumang itinakdang mabihag ay mabibihag nga; ang itinakdang mamatay sa digmaan ay sa digmaan nga mamamatay. Kaya't kailangang magpakatatag at maging tapat ang mga hinirang ng Diyos.”

11At nakita ko ang isa pang halimaw na lumitaw sa lupa. May dalawang sungay ito na tulad ng mga sungay ng isang batang tupa, ngunit ang kanyang tinig ay parang tinig ng dragon. 12Ginamit niya ang lahat ng kapangyarihan ng unang halimaw upang ipatupad ang kagustuhan nito. Ang lahat ng tao sa lupa ay pinilit niyang sumamba sa unang halimaw na nasugatan nang malubha ngunit gumaling na. 13Kahanga-hanga ang mga kababalaghang ginawa ng pangalawang halimaw, nagpaulan siya ng apoy mula sa langit, at ito'y nasaksihan ng mga tao. 14Nalinlang niya ang lahat ng tao sa lupa sa pamamagitan ng mga kababalaghang kanyang ginawa sa harapan ng unang halimaw. Nahikayat niya ang mga taong gumawa ng isang larawan ng unang halimaw na nasugatan ng tabak ngunit muling gumaling. 15Ipinahintulot din sa kanya na bigyan niya ng buhay ang larawan ng unang halimaw. Kaya't nakapagsalita ang larawan at ipinapatay nito ang lahat ng ayaw sumamba sa kanya. 16Sapilitang pinatatakan ng ikalawang halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang kamay o sa noo, maging sila'y dakila o hamak, mayaman o mahirap, alipin o malaya. 17At walang maaaring magtinda o bumili malibang sila'y may tatak ng pangalan ng halimaw o ng bilang na katumbas niyon. 18Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay 666.



THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS

Mga Awit
Chapter 27:1-3
Panalangin ng Pagpupuri


1Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan;

sino pa ba ang aking katatakutan?

Si Yahweh ang muog ng aking buhay,

sino pa ba ang aking kasisindakan?

2Kung buhay ko'y pagtangkaan ng taong masasama,

sila'y mga kalaban ko at mga kaaway nga,

mabubuwal lamang sila at mapapariwara.

3Kahit isang hukbo ang sa aki'y pumalibot,

hindi pa rin ako sa kanila matatakot;

salakayin man ako ng mga kaaway,

magtitiwala pa rin ako sa Maykapal.




FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail