THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MAY 12, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Si Jesus ang ilaw ng Sanlibutan Juan Chapter 8:12-20
Mamuhay Bilang taong Naliwanagan Efeso Chapter 5:1-14
Ang Pakikipagtalo at Pag-ibig sa Salapi1Timoteo Chapter 6:3-21
Ang Dapat na Maging Ugali ng mga Kristiyano Tito Chapter 2:1-11
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"Mabuting lingkod ng Diyos at Panginoong
Kristo Hesus"
"Muling
nagsalita si Jesus sa mga tao. Wika niya, " Ako ang ilaw ng
sanlibutan. Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw na nagbibigay
buhay, at dina lalakad pa sa kadiliman." Juan 8:12
"Dati
kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa liwanag sapagkat kayo'y sa
Panginoon. Mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga taong naliwanagan.
Sapagkat ang ibinubunga ng pamumuhay sa liwanag ay pawang mabuti,
matuwid at totoo. Pagaralan ninyo kung ano ang kalugod lugod sa Diyos."
Efeso 5:8-10
"Ngunit
ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay ng ito. Sikapin mong
mamuhay sa katuwiran, kabanalan, pananalig , pag-ibig, pagtitiis at
kaamuan." 1Timoteo 6:11
"Paalalahan
mo silang pasakop sa mga pinuno at mga maykapangyarihan, sundin ang mga
ito, at maging handa sa paggawa ng mabuti. Pagbawalan mo silang
magsalita ng masama kaninuman. Kailangan silay maging maunawain,
mahinahon at maibigin sa kapayapaan." Tito 3:1-2
Juan
Chapter 8:12-20
Si Jesus ang ilaw ng Sanlibutan
8 12 Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.” 13 Sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Ikaw lang ang nagpapatotoo tungkol sa iyong sarili; walang katotohanan ang ganyang patotoo.” 14 Sumagot si Jesus, “Kung nagpapatotoo man ako tungkol sa aking sarili, totoo ang aking sinasabi, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Ngunit hindi ninyo alam ang aking pinanggalingan at ang aking pupuntahan. 15 Humahatol kayo ayon sa mga pamantayan ng tao, ngunit hindi ako humahatol kaninuman. 16 At humatol man ako, tama ang aking paghatol, sapagkat hindi ako nag-iisa sa aking paghatol, kundi kasama ko ang Ama na nagsugo sa akin. 17 Nasusulat sa inyong Kautusan na dapat tanggapin ang patotoo ng dalawang saksi. 18 Nagpatotoo ako tungkol sa aking sarili, at nagpapatotoo rin ang Ama na nagsugo sa akin.” 19 Siya'y tinanong nila, “Nasaan ang iyong ama?” Sumagot si Jesus, “Hindi ninyo ako kilala, at hindi rin ninyo kilala ang aking Ama. Kung kilala ninyo ako, kilala rin ninyo siya.”
20
Ito'y sinabi ni Jesus nang siya'y nagtuturo sa Templo, sa may lalagyan
ng mga alay. Ngunit walang nangahas na humuli sa kanya sapagkat hindi pa
dumating ang kanyang takdang oras.
Efeso
Chapter 5:1-14
Mamuhay Bilang taong Naliwanagan
5 1 Yamang kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. 2 Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos.
3
Kayo'y mga hinirang ng Diyos, kaya't hindi dapat mabanggit man lamang
na kayo'y nakikiapid o gumagawa ng anumang uri ng kahalayan o
pag-iimbot. 4 Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang
kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip,
magpasalamat kayo sa Diyos. 5 Alam ninyong walang bahagi sa kaharian ni
Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim. Ang kasakiman
ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.
6
Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang
walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot
sa mga suwail. 7 Kaya't huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo'y
nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo'y nasa
Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa
liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng
namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang
kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng
kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang
mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na
ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay
nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat
dahil sa liwanag. Kaya't sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.”
15
Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad
ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16 Gamitin ninyo nang lubusan
para sa mabuti ang bawat pagkakataon, sapagkat puno ng kasamaan ang
kasalukuyang panahon. 17 Huwag kayong maging hangal. Sa halip, unawain
ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18
Huwag kayong maglalasing, sapagkat sisirain lamang niyan ang inyong
buhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19 Sa inyong
pag-uusap gumamit kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting
espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20 Lagi
kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa
pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 21 Pasakop kayo sa isa't isa
bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo.
3 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
110 1 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. 2 Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. 3 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan. 4 Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. 5 Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. 6 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. 7 Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.
1Timoteo
Chapter 6:3-21
Ang Pakikipagtalo at Pag-ibig sa Salapi
Pansariling Tagubilin
6
Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito. 3 Kung nagtuturo ang sinuman
ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong
Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos, 4 siya ay
nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at
makipagtalo tungkol sa mga salita, bagay na humahantong sa inggitan,
alitan, kutyaan, at masasamang hinala. 5 Mahilig din siyang makipagtalo
sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang
mga taong ito'y nag-aakala na ang relihiyon ay paraan ng pagpapayaman.
6
Sa katunayan, may malaki ngang pakinabang sa relihiyon kung ang tao'y
marunong masiyahan. 7 Wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala
rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya, dapat tayong
masiyahan kung tayo'y may pagkain at pananamit. 9 Ang mga nagnanasang
yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasama at mga
hangal na hangarin na nagtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.
10 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil
sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at
nasasadlak sa maraming kapighatian.
11
Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin
mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig,
pagtitiis at kaamuan. 12 Ipaglaban mo nang mabuti ang pananampalataya.
Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng
Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig
kay Cristo. 13 Iniuutos ko sa iyo, sa harapan ng Diyos na
nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harapan ni Cristo Jesus na nagbigay ng
mabuting patotoo sa harap ni Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti nang
may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng
Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng
mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng
mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa
liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya.
Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen.
17 Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at
huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na
masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. 18
Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa,
maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. 19 Sa gayon, makakapag-impok
sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtan nila ang
tunay na buhay. 20 Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo.
Iwasan mo ang mga usapang lumalapastangan sa Diyos at ang mga pagtatalo
tungkol sa hindi totoong karunungan. 21 Dahil sa kanilang pag-aangking
mayroon sila nito, may mga nalihis na sa pananampalataya. Sumainyo ang
kagandahang-loob ng Diyos.
Tito
Chapter 2:1-11
Ang Dapat na Maging Ugali ng mga Kristiyano
3 1 Paalalahanan mo ang mga kapatid na magpasakop sa mga pinuno at maykapangyarihan; sundin ang mga ito at laging maging handa sa paggawa ng mabuti. 2 Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. 3 Noong una, tayo rin mismo ay mga hangal, hindi masunurin, naliligaw at naging alipin ng mga makamundong damdamin at lahat ng uri ng kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Tayo'y kinapootan ng iba at sila'y kinapootan din natin. 4 Ngunit nang mahayag ang kabutihan at pag-ibig ng Diyos na ating Tagapagligtas, 5 iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay. 6 Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, 7 upang tayo'y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo'y maging tagapagmana ng inaasahan nating buhay na walang hanggan.
8
Mapagkakatiwalaan ang aral na ito. Kaya't ang nais ko'y buong tiyaga
mong ituro ito sa mga nananalig sa Diyos upang ilaan nila ang kanilang
sarili sa paggawa ng mabuti, na siyang karapat-dapat at
kapaki-pakinabang sa mga tao. 9 Iwasan mo ang mga walang kabuluhang
pagtatalo, ang di matapus-tapos na talaan ng mga ninuno, at ang mga away
at alitan tungkol sa Kautusan. Ang mga ito ay walang pakinabang at
walang halaga. 10 Pagkatapos mong sawaying minsan o makalawa, iwasan mo
na ang taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, 11 dahil alam mong ang
ganyang tao ay masama at ang kanyang sariling mga kasalanan ang
nagpapakilalang siya'y mali.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 110:1-7
God Appoints the King both King and Priest
110 1 Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. 2 Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. 3 Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan. 4 Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. 5 Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. 6 Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. 7 Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment