THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS
THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates MAY 19, 2019
——————————————-------------------------—————–
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
——————————————-------------------------—————–
ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------
Mga Anak ng Diyos 1Juan Chapter 3:1-10
Ang kahigtan ng Anak sa mga Anghel Hebreo Chapter 1:4-14
Ang salita ni Jesus ang Hahatol Juan Chapter 12:44-50
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14
Ang katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo Juan Chapter 8:31-38
Si Jesus ang Daan Juan Chapter 14:1-14
Ang katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo Juan Chapter 8:31-38
Matuwid ang Hatol ng Diyos Roma Chapter 2:1-16
Mga Lingkod ng Diyos 1Corinto Chapter 3:1-23
Mga Lingkod ng Diyos 1Corinto Chapter 3:1-23
TEACHING OF GOSPEL
TEACHING OF FAITH
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"MAGING MATUWID
AT MAKATOTOHANAN"
"Mga
Anak, huwag kayong padaya kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng matuwid
ay matuwid, katulad ni Cristo. Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay
kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang
diyablo. At naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng
diyablo." 1Juan 3:7-8
"Ang
paggawa ng matuwid ay kinalulugdan mo Ngunit ang pagsuway ay
kinamumuhian mo. Kayat hinirang ka ng Diyos, na iyong Diyos At pinuspos
ng kagalakan Higit sa mga kasama mo." Hebreo 1:9
"Akoy naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin." Juan 12:46
"Sumagot
si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang
makapupunta sa Ama sa kundi sa pamamagitan ko." Juan 14:6
"Kapag kayo'y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya." Juan 8:36
"Datapawat
matinding galit at poot ang babagsak sa mga lumikha ng pagkabaha bahagi
at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kalikuan." Roma 2:8
"Sapagkat
ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng
Diyos. Ganito ang sinsabi sa kasulatan: "Hinuhuli miya nag marurunong
sa kanilang naring katusuhan." 1Corinto 3:19
1Juan
Chapter 3:1-10
Mga Anak ng Diyos
3 1 Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya't ang sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis tulad niyang malinis.
4
Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang
kasalanan ay paglabag sa kautusan. 5 Nalalaman ninyong naparito si
Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan, at siya'y walang kasalanan.
6 Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang
sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man
sa kanya.
7
Mga anak, huwag kayong palinlang kaninuman! Ang sinumang gumagawa ng
matuwid ay matuwid tulad ni Cristo. 8 Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay
kampon ng diyablo, sapagkat sa simula pa'y nagkakasala na ang diyablo.
Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
9
Ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat
nananatili sa kanila ang binhing mula sa Diyos. At dahil ang Diyos ang
ama nila, hindi sila maaaring magpatuloy sa pagkakasala. 10 Dito natin
makikilala kung sino ang mga anak ng Diyos at kung sino ang mga anak ng
diyablo: ang sinumang hindi gumagawa ng ayon sa kalooban ng Diyos at
hindi umiibig sa kanyang kapatid ay hindi anak ng Diyos. 11
Hebreo
Chapter 1:4-14
Ang kahigtan ng Anak sa mga Anghel
1 4 Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila. 5 Sapagkat kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel, “Ikaw ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.” Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel, “Ako'y magiging kanyang Ama, at siya'y magiging aking Anak.”
6
At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan
ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng mga anghel ng Diyos.”
7
Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya, “Ginawa niyang hangin ang
kanyang mga anghel, at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”
8 Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.
9 Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong
Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang
natatangi.”
10
Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang
sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan. 11
Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas,
12 at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y
papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang
mga taon mo.”
13
Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel, “Maupo ka sa kanan
ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.” 14 Ano
ang mga anghel, kung ganoon? Sila'y mga espiritung naglilingkod sa Diyos
at mga isinugo upang tumulong sa mga magkakamit ng kaligtasan.
Juan
Chapter 12:44-50
Ang salita ni Jesus ang Hahatol
12 44 Malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. 45 At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin. 46 Ako'y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa akin ay huwag manatili sa kadiliman. 47 Hindi ako ang humahatol sa taong dumirinig ng aking salita, ngunit ayaw namang sumunod dito. Sapagkat hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. 48 May ibang hahatol sa mga ayaw tumanggap sa akin at sa aking mga salita. Ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanila sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nagsalita nang mula sa sarili ko lamang; ang Ama na nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. 50 At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya't ang ipinapasabi ng Ama ang siya kong ipinapahayag.”
Juan
Chapter 14:1-14
Si Jesus ang Daan
14 1 “Huwag mabagabag ang inyong kalooban; sumampalataya kayo sa Diyos, sumampalataya din kayo sa akin. 2 Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan? 3 At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon. 4 At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” 5 Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” 6 Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.” 8 Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.” 9 Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga ginagawa ko. 12 Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. 13 At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.”
Juan
Chapter 8:31-38
Ang katotohanan ang Magpapalaya sa Inyo
8 31 Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, “Kung patuloy kayong susunod sa aking turo, kayo nga'y tunay na mga alagad ko. 32 Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” 33 Sumagot sila, “Kami ay mula sa lahi ni Abraham, at kailanma'y hindi kami naalipin ninuman. Paano mo masasabing palalayain kami?” 34 Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: ang gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay hindi kabilang sa pamilya sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. 36 Kung ang Anak ang magpalaya sa inyo, kayo nga'y magiging tunay na malaya. 37 Alam kong kayo'y mula sa lahi ni Abraham, gayunma'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat ayaw ninyong tanggapin ang aking turo. 38 Ang nakita ko sa aking Ama ang siya kong sinasabi sa inyo, at ang narinig ninyo sa inyong ama ang siya namang ginagawa ninyo.”
Roma
Chapter 2:1-16
Matuwid ang Hatol ng Diyos
2 1 Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. 2 Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. 3 Hinahatulan mo ang mga gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Akala mo ba'y makakaiwas ka sa hatol ng Diyos? 4 O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan? 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatarungang paghatol ng Diyos. 6 Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. 7 Buhay na walang hanggan ang ibibigay niya sa mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, at naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan. 8 Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sumusunod sa kasamaan. 9 Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil. 10 Ngunit kapurihan, karangalan at kapayapaan naman ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Hentil 11 sapagkat walang kinikilingan ang Diyos.
12
Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at
paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Judio ay mayroong
Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan. 13
Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito,
ang siyang pawawalang-sala ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil na hindi
saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang
likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila. 15
Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang
panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi,
sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman,
sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan. 16 Ayon sa Magandang
Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga
lihim ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
1Corinto
Chapter 3:1-23
Mga Lingkod ng Diyos
3 1 Mga kapatid, hindi ko kayo makausap bilang mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay pa ayon sa laman at mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. 2 Gatas ang ibinigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi ninyo kaya iyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo kaya, 3 sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. 4 Kapag sinasabi ng isa, “Ako'y kay Pablo,” at ng iba, “Ako'y kay Apolos,” hindi ba't palatandaan iyan na kayo'y namumuhay pa ayon sa laman? 5 Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami'y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo. Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon. 6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. 7 Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. 8 Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap. 9 Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin.
Kayo rin ay gusali ng Diyos. 10 Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa
akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo.
Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging
maingat ang bawat nagtatayo, 11 sapagkat wala nang ibang pundasyong
maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo.
12 May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato;
mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. 13 Makikilala ang uri
ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa
pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. 14 Kung ang
itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog, tatanggap ng gantimpala
ang nagtayo noon. 15 Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng
gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan
sa apoy.
16
Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo
ang kanyang Espiritu? 17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng
templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong
iyan.
18
Huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya'y
matalino ayon sa sanlibutang ito, aminin niyang siya'y mangmang upang
maging tunay na marunong. 19 Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos.
Gaya
ng nasusulat, “Ginagamit niya ang katusuhan ng mga marurunong para
mabitag sila.” 20 Gayundin, “Batid ng Panginoon na ang iniisip ng
marurunong ay walang kabuluhan.”
21
Kaya't huwag ipagmalaki ninuman na siya'y tagasunod ng sinuman,
sapagkat ang lahat ay para sa inyo: 22 si Pablo, si Apolos, at si Pedro,
ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang
hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo. 23 At kayo'y para kay Cristo, at
si Cristo nama'y para sa Diyos.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
97 1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
l6 Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS
Awit
Chapter 97:1-2, 6
The Divine Ruler of All
97 1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.
l6 Ipinahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran, at nakita ng lahat na bayan ang kaniyang kaluwalhatian.
FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE
---------------------------------------------------------------------------------------------------
EFESO 4:17-18 5:15-17 HEBREWS 4"7
17Sa
pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong
mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos.
Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
HEBREWS 4:7
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO." 2THESSALONIANS 2:2-14
"Tinatawag
kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa
inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."
--------------------------------------------------------------------------------------------------
"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"
THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION
LINKS:
ENGLISH
TAGALOG VERSION
READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG
BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------
0 comments:
Post a Comment