Saturday, April 11, 2020

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates APRIL 12, 2020

0 comments

THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS 
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates APRIL 12, 2020
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------

Ang Muling Pagkabuhay Marcos Chapter 16:1-6
Napakita si Jesus kay Maria Magdalena Juan Chapter 20:11-17
Napakita is Jesus sa kanyang mga Alagad Juan Chapter 20:19-22
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit Lucas Chapter 24:50-53
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit Gawa Chapter 1:10-11





TEACHING OF GOSPEL
 TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
RESURRECTION
PAGKABUHAY NA MAGMULI NG
PANGINOONG KRISTO HESUS


"At nang Linggo ng umaga, pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan.  Naguusap-usap sa habang daan: " Sino kaya ang ating mapakiusapang magpagulong ng batong nakatakip sapintuan ng libingan? Naoakalaki ng bato, kaya gayon ang sabi nla.  Ngunit nang tanawin nila ang libingan nakita nilang naigulong na ang bato.  Pagpasok nila sa libingan, nakita nilang nakaupo sa gawing kanan nag isang binatang nararamtan ng mahaba at puting damit.  At sila'y natakot.  Huwag kayong matakot," sabi ng lalaki.  "Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazareth, na ipinako sa krus.  Wala na siya rito siya'y muling nabuhay! Tingnan ninyo hayan ang pinaglagyan sa kanya." Marcos 16:1-6

"Si Maria'y nakataong umiiyak sa labas ng libingan; yumuko siya at tumingin sa loob.  May nakita siyang dalawang anghel na nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Jesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa namay sa paaanan.  Siya'y tinanong nila, "Ale, bakit kay umiiyak? Sumagot siya, kinuha po nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan siya dinala."  Lumingon siya pagkasabi nito, at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon.  Tinanong siya ni Jesus, "Bakit ka umiiyak?  Sino ang hinahanap mo? Akala ni Maria'y siy ang tagapagalaga ng halamanan, kaya't sinabi niya, "Ginoo kung kayo ang kumuha sa kanya ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko." Maria! ani Jesus.  Humarap siya at kanyang sinabi "Raboni" ibig sabihiy Guro." Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakapupunta sa Ama," wika ni Jesus.  "Sa halip, pumaroon ka sa aking mga kapatid at sabihin mong aakyat ako sa aking ma at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos."  Juan 20:11-17


"Kinakabihan ng Araw ding iyon, nagkatipon ang mga alagad.  Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio.  Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila.  "Sumainyo ng kapayapaan!" sabi niya Pagkasabi nito ipinkita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang tuwa ang mga alagad nang makita nag Panginoon.  Sinabi naman ni Jesus " Sumainyo nag kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos hiningahan sila at sinabi "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo." Juan 20:19-22

"Pagkatapos, sila'y isinama niya sa labas ng lunsod.  Pagdating sa Betania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila.  Samantalang iginagawad niya ito sa kanila, siya namay lumalayo paakyat sa langit.  Siya'y sinamba nila pagkatapos, siya'y nabalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan.  Palagi sila sa templo at dooy nagpupuri sa Diyos." Lucas 24:50-53


"Habang sila'y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. Mga taga Galilea," sabi nila, "bakit kayo naritot nakatingala sa langit? Itong si Jesus, na umakyat sa langit, ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya." Gawa 1:10-11



Marcos
Chapter 16:1-6
Ang Muling Pagkabuhay

16 1 Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang sila ay magpunta sa libingan at lagyan ng pabango ang bangkay ni Jesus. 2 Kinaumagahan ng Linggo, sa pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan. 3 Ngunit sila ay nagtanong sa isa't isa, “Sino kaya ang maaari nating mapakiusapang maggulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?” 4 Nasabi nila iyon dahil napakalaki ng bato. Ngunit nang matanaw nila ito, nakita nilang naigulong na ang bato. 5 At pagpasok nila sa libingan, may nakita silang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit, at nakaupo sa gawing kanan. At sila'y natakot. 6 Ngunit sinabi nito sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito; siya'y binuhay ng Diyos! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.


Juan
Chapter 20:11-17
Napakita si Jesus kay Maria Magdalena

20 1 Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, pumunta si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong nakatakip sa libingan. 2 Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Jesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan siya inilagay!” 3 Sina Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. 4 Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan noong isa. 5 Yumuko ito at sumilip sa loob ng libingan ngunit hindi pumasok. Nakita niyang nakalagay doon ang mga telang lino. 6 Nang dumating si Simon Pedro, tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan at nakita nito ang mga telang lino, 7 at ang panyong ibinalot sa ulo ni Jesus. Ang panyo ay hindi kasama ng mga telang lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. 8 Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya'y naniwala. 9 Hindi pa nila nauunawaan noon na si Jesus ay kailangang muling mabuhay ayon sa kasulatan. 10 At umuwi ang mga alagad sa kanilang mga tahanan. 11 Si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Habang umiiyak ay yumuko siya at sumilip sa loob. 12 May nakita siyang dalawang anghel na nakadamit ng puti at nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Jesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa nama'y sa paanan. 13 Tinanong nila si Maria, “Babae, bakit ka umiiyak?” Sumagot siya, “Kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan siya inilagay.” 14 Pagkasabi nito'y napalingon siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, ngunit hindi niya nakilalang si Jesus iyon. 15 Tinanong siya ni Jesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Akala ni Maria, ang kausap niya'y ang hardinero kaya't sinabi niya, “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa kanya, pakituro nga po ninyo sa akin kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko.” 16 “Maria!” sabi ni Jesus. Humarap siya at kanyang sinabi sa wikang Hebreo, “Raboni!” na ang ibig sabihi'y “Guro.” 17 Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”


Juan
Chapter 20:19-22
Napakita is Jesus sa kanyang mga Alagad

20 19 Kinagabihan ng araw ding iyon na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto ng bahay na kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus. Tumayo siya sa kalagitnaan nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” 22 Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.


Lucas
Chapter 24:50-53
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit

24 50 Pagkatapos ng mga ito, sila'y isinama ni Jesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Bethania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at sila'y binasbasan. 51 Habang binabasbasan niya sila, siya'y umalis [at dinala paakyat sa langit]. 52 Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan. 53 Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos.



Gawa
Chapter 1:10-11
Ang Pagakyat ni Jesus sa Langit

1 10 Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumitaw sa tabi nila. 11 Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”




THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS



Awit
Chapter 11:1-7
Confidence in the Presence of God

11 1 Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano't inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok? 2 Sapagka't, narito, binalantok ng masama ang busog, kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso, 3 Kung ang mga patibayan ay masira, anong magagawa ng matuwid? 4 Ang panginoon ay nasa kaniyang banal na templo, ang Panginoon, ang kaniyang luklukan ay nasa langit; ang kaniyang mga mata ay nagmamalas, ang kaniyang mga talukap-mata ay nagmamasid, sa mga anak ng mga tao. 5 Sinusubok ng Panginoon ang matuwid; nguni't ang masama at ang umiibig ng pangdadahas ay kinapopootan ng kaniyang kaluluwa. 6 Sa masama ay magpapaulan siya ng mga silo; apoy at azufre at nagaalab na hangin ay magiging bahagi ng kanilang saro. 7 Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran: Mamasdan ng matuwid ang kaniyang mukha.



FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."

--------------------------------------------------------------------------------------------------


"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION


LINKS:
ENGLISH





TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail