Saturday, April 4, 2020

SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS - Updates APRIL 05, 2020

0 comments




THE BIBLE VERSES
SUNDAY BIBLE VERSES PROMOTIONS


THE BIBLE VERSES
THE SUNDAY BIBLE LIGHTS PROMOTIONS
BIBLE VERSES READINGS PROMOTIONS
Updates APRIL 05, 2020
——————————————-------------------------—————–

ALWAYS VISIT HERE FOR WEEKLY
BIBLE VERSES AND PROMOTIONS
THE LIGHTS OF GOD GUIDES YOU
-----------------------------------------------------------------


Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem Mateo Chapter 21:1-11
Ang Banal na Hapunan Marcos Chapter 14:22-26

Ipinako si Jesus sa Krus Juan  Chapter 19:16-26
Ang Pagkamatay ni Jesus Marcos Chapter 15:33-41
Inulos ang Tagiliran ni Jesus Juan Chapter 19:31-37

Ang Pag-ibig ni Cristo Efeso Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ng Diyos Roma Chapter 8:31-39







TEACHING OF GOSPEL 
TEACHING OF FAITH
SPIRITUAL SALVATION'S
MESSAGE OF GOD
"SAKRIPISYO NG DIYOS AT PANGINOONG KRISTO
HESUS SA KALIGTASAN NG SANGKATAUHAN"
"HOLY WEEK"


"Dinala nila ang inahing asno at ang bisiro, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal.  At sumakay si Jesus.  Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; ang iba namay pumutol ng mga sanga ng kahoy at inilatag sa daan.  Nagsigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya: "Mabuhay ang Anak ni David! Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon." Mateo 21:8-9 

"Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinagpiraso at ibinigay sa mga alagad.  "Kunin ninyo; ito ang aking katawan," wika niya Hinawakan niya ang saro, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat." Marcos 14:22-23

"At lumabas siya na pasan ang kanyang krus, patungo sa lugar na kung tawagi'y "Dako ng Bungo" ( sa wikang Hebreo ay Golgota).  Pagdating doon, siya'y ipinako nila sa krus, kasama ang dalawa pa isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa."Juan 19:17-18

"At nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang ikatlo ng hapon.  Nang magiikatlo na hapon, si Jesus ay sumigaw, " Eloi, Eloi, luma sabachtani?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?" Sumigaw ng malakas si Jesus at nalagutan ng hininga. Biglang nahawak sa gitna ang tabing ng templo mula sa itaas hanggang sa ibaba.  Nakatayo sa harap ng krus ang isang kapitan ng mga kawal at kanyang nakita kung paano namatay si Jesus kaya't sinabi niya, Tunay ngang anak ng Diyos ang tang ito." Marcos 15:33,37-39

"Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti.  Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig." Juan 19:33-34 

"Naway manahan sI Cristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong apguugat at pagiging matatag sa pag-ibig, ay maunawaan ninyo, kasama ang hinirang, kung gaano kadakila ang pagibig ni Cristo." Efeso 3:17-19

"Hindi niya ipinagkait ang sarli niyang Anak kundi ibinigay para sa ating lahat,  Kung naipagkaloob niya sa atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa ating ang lahat ng bagay, kasama nag kanyang Anak?" Roma 8:32


Mateo
Chapter 21:1-11
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem

21 1 Nang malapit na sila sa Jerusalem, dumaan sila sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, 2 “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang babaing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin. 3 Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng Panginoon at ibibigay niya agad ang mga iyon sa inyo.” 4 Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: 5 “Sa lungsod ng Zion ay ipahayag ninyo, ‘Tingnan mo, ang iyong hari ay dumarating. Siya'y mapagpakumbaba; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno, at sa isang bisiro na anak ng asno.’” 6 Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. 7 Dinala nila kay Jesus ang asno at ang bisiro, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal at sumakay si Jesus. 8 Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan. 9 Nagsisigawan ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!” 10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lungsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. 11 “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.



Marcos
Chapter 14:22-26
Ang Banal na Hapunan

14  22 Habang kumakain sila, si Jesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, kanyang pinaghati-hati ang tinapay at iniabot sa mga alagad. Sinabi niya, “Kunin ninyo ito; ito ang aking katawan.” 23 Dumampot din siya ng kopa at matapos magpasalamat sa Diyos ay iniabot din niya iyon sa mga alagad, at uminom silang lahat. 24 Sinabi niya, “Ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos para sa marami. 25 Tandaan ninyo: hinding-hindi na ako muling iinom pa ng katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago sa kaharian ng Diyos.” 26 Umawit sila ng isang himno, at pagkatapos ay nagpunta sila sa Bundok ng mga Olibo.



Juan
Chapter 19:16-26
Ipinako si Jesus sa Krus

19 16 Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y ipako sa krus. Kinuha nga nila si Jesus. 17 Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha sa wikang Hebreo. 18 Doon ay ipinako siya sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa. 19 Gumawa si Pilato ng isang karatula at inilagay sa krus; ganito ang nakasulat: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.” 20 Nakasulat ito sa mga wikang Hebreo, Latin, at Griego. Marami sa mga Judio ang nakabasa nito sapagkat malapit lamang sa lungsod ang dakong pinagpakuan kay Jesus. 21 Kaya't sinabi ng mga punong pari kay Pilato, “Huwag ninyong isulat, ang ‘Ang Hari ng mga Judio’, kundi, ‘Sinabi ng taong ito, Ako ang Hari ng mga Judio.’” 22 Ngunit sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko'y naisulat ko na.”

23 Nang si Jesus ay maipako na ng mga kawal, kinuha nila ang kanyang kasuotan at pinaghati-hati sa apat na bahagi, isa sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang mahabang panloob na kasuotan; ito'y walang tahi at hinabi nang buo mula sa itaas hanggang sa ibaba. 24 Kaya't nag-usap-usap ang mga kawal, “Huwag nating punitin ito; magpalabunutan tayo para malaman kung kanino ito mapupunta.” Sa gayon, natupad ang isinasaad ng Kasulatan, “Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan; at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.” Ganoon nga ang ginawa ng mga kawal.

25 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang, narito ang iyong anak!” 27 At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.

Marcos
Chapter 15:33-41
Ang Pagkamatay ni Jesus

15 33 Nagdilim sa buong lupain mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon. 34 Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, “Eloi, Eloi, lema sabachthani?” na ang kahulugan ay, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” 35 Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo roon at kanilang sinabi, “Pakinggan ninyo, tinatawag niya si Elias!” 36 May tumakbo upang kumuha ng isang espongha; ito'y isinawsaw sa maasim na alak, inilagay sa dulo ng isang patpat at ipinasipsip kay Jesus. “Tingnan nga natin kung darating si Elias upang iligtas siya,” sabi niya. 37 Sumigaw nang malakas si Jesus at pagkatapos ay nalagutan ng hininga.

38 At napunit sa gitna ang tabing ng Templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. 39 Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, “Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!” 40 Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose. 41 Mula pa sa Galilea ay sumusunod na sila at naglilingkod kay Jesus. Naroon din ang iba pang mga babaing kasama ni Jesus na pumunta sa Jerusalem.


Juan
Chapter 19:31-37
Inulos ang Tagiliran ni Jesus

19 32 Pumunta nga roon ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasama ni Jesus. 33 Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang mga binti. 34 Subalit sinaksak ng isang kawal ang tagiliran ni Jesus sa pamamagitan ng sibat at agad lumabas doon ang dugo at tubig. 35 Ang nakakita nito ang nagpatotoo upang kayo rin ay maniwala. Totoo ang kanyang pahayag at alam niyang katotohanan ang sinasabi niya. 36 Nangyari ang lahat ng ito upang matupad ang sinasabi sa kasulatan, “Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.” 37 At may bahagi pa rin ng kasulatan na nagsasabi, “Pagmamasdan nila ang kanilang sinaksak ng sibat.”

Efeso
Chapter 3:14-21
Ang Pag-ibig ni Cristo

3 14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa harapan ng Ama, 15 na mula sa kanya'y nagkakaroon ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig. Dalangin ko na ang pag-ibig ang maging ugat at pundasyon sa lahat ng inyong gawain 18 upang inyong lubusang maunawaan, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, kahaba, kataas, at kalalim ang kanyang pag-ibig. 19 At nawa'y maunawaan ninyo ang pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip at sa gayo'y mapuspos kayo ng buong katangian ng Diyos. 20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang kumikilos sa atin; 21 sa kanya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus sa lahat ng salinlahi magpakailanman! Amen.


Roma
Chapter 8:31-39
Ang Pag-ibig ng Diyos

8 31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol upang sila'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, at ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin? 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat, “Dahil sa inyo'y buong araw kaming pinapatay, turing nila sa amin ay mga tupang kakatayin lamang.” 37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y lalong higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan o ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.






THE WISDOM BOOKS AND EVANGELIZATIONS



Awit
Chapter 121:1-8 / 119:41
The Lord My Guardian
A Prayer to God a Law Giver

121 1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? 2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 3 Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 4 Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. 5 Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. 6 Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. 7 Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. 8 Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

119 41Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.




FOR OUR SPIRITUAL BELIEF IN LIFE 
---------------------------------------------------------------------------------------------------

EFESO 4:17-18  5:15-17 HEBREWS 4"7

17Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.
15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

HEBREWS 4:7 
"KAPAG NARINING NINYO ANG TINIG NG DIYOS, HUWAG MAGING MATIGAS ANG INYONG ULO."



 2THESSALONIANS 2:2-14

"Tinatawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balitang ipinahahayag namin sa inyo, upang makasama sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Cristo."


--------------------------------------------------------------------------------------------------



"The lights of God and Jesus Christ and Holy Spirit and
Bible lights us all with the lights and
miracles of Mother Mary"
"keep faith"


THE BIBLE VERSES SOURCES
ENGLISH AND TAGALOG VERSION



LINKS:
ENGLISH






TAGALOG VERSION


READ TAGALOG VERSION SA MGA PILIPINO NA GUSTO NG TAGALOG

BIBLE LIGHTS PROMOTIONS

-----------------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------
----------------------------------

0 comments:

Post a Comment



twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail